Nakatayo si Marion sa nakasaradong pinto ng Simbahan, this is it! Wala ng atrasan talaga. Kung ano man ang kahihinatnan ng lahat at maluwag niyang tatanggapin. Hinding hindi makakalimutan ni Marion ang araw na ito. Ang araw na kanyang pinapangarap, ang makasal sa lalaking kanyang lubusang iniibig. Walang iba kundi si Rick
Sa pagbukas ng Pintuan ay siya namang simula ng kanta. Sa dami ng Kantang pangkasal ay mas pinila niya ang isang OPM na talaga namang nagrereflect sa kanyang nararamdaman ngayon.
IKAW ( Regine Velasquez version)
Ikaw ang bigay ng Maykapal, Tugon sa aking dasal
Upang sa lahat ng panahon, Bawat pagkakataon
Ang ibigin ko’y ikaw
Dahan dahang lumakad papasok si Marion at sa bungad ng pinto ay naghihintay ang kanyang ama para siya ay ihatid sa altar kung saan naghihintay naman si Rick.
Ikaw ang tanglaw sa’king mundo, Kabiyak nitong puso ko
Wala ni kahati mang saglit, na sa iyo’y may papalit
Ngayo’t kailan may ikaw…
Sa kabilang banta, Si Rick naman ay hindi mawala ang paningin sa dalaga. Napaka gwapo at tikas nito sa suot na barong tagalog. Titig na titig ito kay Marion. Para sa kanya, Napaka ganda ni Marion. Lalo na ngayong suot suot ang isang traje de boda. Ang tanging panalangin ni Rick ay walang aberyang mangyari at tuluyan ng mapasa kanya si Marion. Saka na lang siya magpapaliwanag sa dalaga na ito ay hindi peke. Totoong kasal, legal, sa mata ng tao at mata ng Diyos. Kung magagalit man ang dalaga, ay kanyang haharapin at susuyuin. At nariyan naman ang kanilang mga magulang, sigurado si Rick na kakampihan siya ng mga ito. Lalo na at alam talaga nila na tunay silang magkarelasyon. Ang mahalaga ay nakatali na sa kanya si Marion, na kung mag decide man ang dalagang makipaghiwalay ay hindi siya papayag. Napagtanto na rin ni Rick na Mahal niya ang dalaga, Mahal na mahal. At mapapatay niya ang sino mang tumangkang umagaw sa kanyang mahal. Napagtanto niyang may pagka possessive pala siya. Pagkatapos ng kasal nila, ay bubuntisin naman niya ito.
Natapos ang kanta na siya namang pag-abot ng tatay ni Marion ng kamay ng dalaga kay Rick. Binilinan din ito ng kanyang ama at sila ay humarap na sa Altar. Nagsimula na ang kasal.
Maraming sinabi ang pari na hindi na namalayan ni Marion. Ang tanging naaalala lamang niya ay ang palitan nila ni Rick ng I do. At ngayon nga ang oras kung saan hahalikan na siya ni Rick para ganap ng maging mag asawa.
“Rick, you may now kiss your bride!” sabi ng Pari
Dahan dahang itinaas ni Rick ang belong suot ni Marion. Pagkaalis nito ay hinawakan ni Rick ang magkabilang pisngi ni Marion at dahan dahang lumapit ang mukha. Hindi napatid ang titig nilang dalawa hanggang sa maglapat na ang kanilang mga labi. Buong pag iingat ang paraan na iyon at dahan dahan. Mga limang segundo lang ang tinagal ng halik na iyon, at pagkatapos ay niyakap ni Rick ang ngayon ay kanyang asawa at bumulong “ I love you”. Natigilan naman si Marion sa narinig. Hindi alam ni Marion kung parte pa ba ito ng palabas dahil siya lang naman ang nakarinig ng bulong. Sinagot naman din ito ni Marion “I love you too” , just in case na may nakikinig o nag vivideo. Napangiti si Rick sa tugon ng asawa. Naalala niya tuloy ang nangyari sa Wedding Boutique where he learned that Marion loved him before. After noong pumunta sila sa boutique ay niyaya niya itong pumunta ng isang lugar kung saan may naghihintay na photographers. Pina arrange niya ang isang prenup pictorials, para narin mapalitan ang mga litratong sinunog ni Marion noong mga teenagers pa sila. New memories na magkasama sila. May binabalak siyang ipagawa at ipapakita ito ni Rick kay Marion pagbalik nila mula sa kanilang Honeymoon.
Napuno ng palakpakan ang buong Simbahan. Kitang kita ang saya sa kanilang mga magulang.
Madalian man ang kanilang kasal, wala namang nangyaring aberya, It's perfect. Pati ang lahat ng bisitang inimbitahan ay nakadalo. Isa nga naman itong kasalang Del Rama. Kaya lahat ng importanteng tao, mapa politics man o business ay nandoon. Triple din ang naging security doon. Kung wala ka sa kasiyahang ito, hindi ka in. Present din si Boss Fline at tauhan ng ibang agency.
Inilabas na ng isang staff ang Marriage contract na kanilang pipirmahan. Agad namang pumirma si Rick, pero naging hesitant si Marion.
“honey pirmahan mo na” sabi ni Rick
“eh, kailangan pa ba iyan?, baka marehistro yan” sabi naman ni Marion
“bilis honey, nakatingin si Mom, baka makahalata!” pilit naman ni Rick
Nabigla naman si Marion at pinirmahan ang Marriage contract “Yan na”
“Good girl” tanging sabi ni Rick at sinenyasan na ang staff.
Ginanap ang reception sa Hotel Del Rama. Ibang iba ang itsura ng lugar dahil sa mga palamuti at bulaklak. Ang mga bulaklak ay mula lahat sa flower plantation nila Marion. Para naman sa honeymoon ay doon sa Presidential Suite muna ng Hotel at bukas ay bibiyahe sila sa isang members only Private Island.
Kinakabahan na si Marion sa maaaring mangyari. Paano na lang kung magyayaya talaga si Rick, baka hindi niya mahindian. Kung pipilitin man siya ng lalaki ay hindi rin siya makakapalag dahil baka masaktan niya ang “asawa”. Sa hotel din kasi mag stay ang mga magulang na nasa same floor ng room nila at kinabukasan na uuwi. Hindi niya pwedeng paalisin si Rick.
Nagsimula ang kasal ng 4pm at natapos ang Reception ng 10pm. Hinatid muna si Rick si Marion sa kanilang Hotel room at umalis ulit. Ang sabi ni Rick ay may kakausapin muna siya at babalik din. Sabi naman ni Marion kay Rick na may pag uusapan din sila pagbalik nito. After 15 minutes, hindi pa bumabalik si Rick kaya naisipan na ni Marion na maligo para makatulog na rin. Natapos na si Marion at nakapagpatuyo na ng buhok ay wala pa rin si Rick. Nagsuot lang si Marion ng isang Black silk lingerie na above the knee pero hindi naman mahalay. Nasanay na rin kasi siyang makita ni Rick na nakaganito sa bahay. Naalala tuloy ni Marion ang unang pagkakataon na nakita siya ni Rick na nakapangtulog. Mas worst nga iyon, kasi manipis na sando at panty lang ang suot niya nun.
Hindi naman sa gusto niyang pa akyatin na si Rick, pero trabaho pa rin niya na malaman ang whereabouts nito at kaligtasan kaya tinawagan niya ito. Napag alaman niya na umiinom ito kasama ang pinsan at papaakyat na daw in 5 minutes. Kumampante naman si Marion at humiga na.
Lumipas ang ilang minuto ay namalayan niyang bumukas ang pinto. Si Rick iyon, dumiretcho sa banyo. Ilang minuto rin ang tinagal at ito ay lumabas na. Nakapikit si Marion at hindi muna binigyan ng pansin ang asawa. Naamoy ni Marion ang sabon na kanya ring ginamit kanina. Malamang ay naligo din ito. Naramdaman din niyang lumundo ang kama. Medyo kinakabahan na si Marion.
Flashback from a few minutes ago…
Hindi mapakali si Rick at iniisip kung paano ang gagawin o sisimulan ang unang gabi nila ni Marion. For sure , susubukan niyang maangkin ang asawa ngunit nag aalala siya na baka hindi ito pumayag. Kailangan niya ng konting push at lakas ng loob kaya bumaba muna siya para uminom ng kaunti. Kasama niya ang kanyang bestman/pinsan na si James, ang VP.
“Dude, akyat na!, Baka magtampo ang misis mo” pagtataboy ni James ka Rick
“Wait lang dude, samahan mo muna ako at nag iipon pa ako ng lakas ng loob” sagot ni Rick
‘What do you mean dude? wala pa bang nangyari sa inyo?” tanong ni James
“Kakabahan ba ako ng ganito kung meron na? wala pa dude. This will be the first time dude” sagot ulit ni Rick
“Ang tindi ng self control mo ah! Well, goodluck dude. Lambingin mo muna hahahah. kaya mo yan” pag- encourage ni James “speaking, tumatawag na!”
Nag riring ng ang phone ni Rick. Sinagot naman niya ito at sinabing paakyat na.
End of flashback