Chapter 15 Wedding Gown
Hindi maaaring balewalain ni Marion ang nararamdamang iyon kaya nag desisyon siyang imbestigahan kung ano man iyon. Tinungo ni Marion ang pinto palabas papuntang garden. Kinapa niya ang kanyang legs at kinuha doon ang kanyang baby gun. Laging handa si Marion. Mayroon siyang baril at maliit na kutsilyo sa kanyang legs. Naka strap din ang kanyang special smartwatch doon. Pati ang kanyang hikaw ay kinabitan niya ng GPS ang isa naman ay napakaliit na camera, spy grade camera.
Sa kabilang banda naman habang nakikipag usap si Rick sa mga kumpadre ng kanyang ama ay hindi niya naiwasang lumingon sa kinaroroonan ni Marion kanina, pero wala doon ang dalaga. Nilibot niya ng tingin ang lugar at hinanap kung nasaan si Marion ng mamataan nito na palabas ang dalaga. Hindi na nag aksaya ng sandali ang binata at nagpaalam na sa mga kausap. Kailangan niyang sundan ang dalaga dahil may naramdaman din siyang kakaiba. Lalo at lalabas ang dalaga sa isang madilim na hardin. May sinenyasang tauhan si Rick at may iniabot dito. Sumunod din ang mga ito sa labas. Nawala sa paningin ni Rick si Marion at agad namang sinenyasan ang ibang tauhan nito na mag hiwalay sila para mapadali ang paghahanap. Si Rick naman ay dumiretso hanggang marinig niya ang isang ungol ng lalaki na wari mo ay nahihirapan. Nilapitan ito ni Rick at nakitang nakadapa ang lalaki na putok ang labi at naka apak naman si Marion sa likuran nito. That sight gives Rick chills. His woman looks so powerful , exuding an aura of a Warrior.
“What happened here honey?” tanong ni Rick kay Marion
“Eto, nakahuli ng isang baboy ramo!” sagot ni Marion with a smirk
Flashback from a few minutes ago…
Pumunta si Marion sa kinaroroonan ng kumikislap. Hindi naman namalayan ng taong kumukuha ng litrato na nakalapit na ang dalaga sa kanya. Sa unang tingin ay mukha lang itong paparazzi, pero may nakasukbit itong baril. Hindi na nag aksaya si Marion at sinipa ito sa tiyan. Nabitawan naman ng nasabing lalaki ang camera. susugot na ito kay Marion! pero mas mabilis si Marion at sunod sunod na sinuntok ito . Dalawang suntok sa mukha at dalawa sa katawan. Putok ang labi ng lalaki at ito ay natumba. Hindi man lang nakabawi ang lalaki. Inilayo nito ang baril at camera sa lalaki at tinapakan ang likuran nito. Mabuti na lang at walang putukang naganap, kung hindi ay ma aalarma ang mga tao sa loob. Magsasalita na sana ang dalaga pero Naramdaman ni Marion na may papalapit sa kanya. Maghahanda na sana ang dalaga at aabangan ito pero naamoy ni Marion ang hangin, pabango ng kanyang honey. Kaya binalewala na lamang niya ito.
End of Flashback
“Sino ang nag utos sa iyong manmanan ang kasiyahang ito?” tanong ni Rick sa nahuling lalaki
“Hindi ako magsasalita, wala kayong makukuhang impormasyon mula sa akin!” sagot naman ng lalaki
Kinuha ni Marion ang kanyang special smartwatch at may pinindot. After few minutes ay may dumating na tauhan ng agency na naka check in din pala sa hotel para sa surveillance. Kinuha na ng mga ito ang lalaki. Bago pa man maka alis ay nagbilin si Marion.
“ Ilagay ang lalaking iyan sa special room ng agency. Palipasin muna natin itong gabing ito para naman makapag isip isip yan. Yung camera naman ay paki process at titignan ko bukas.” wika ni Marion.
“Yes Ma’am!” sagot ng mga tauhan ng dalaga
Bumaling si Rick kay Marion “Okay ka lang ba honey?”
“Okay ako honey, Let’s go back sa loob, baka hinahanap na tayo” sagot ni Marion
“Curious ako sa special room ng agency, ano naman special doon?” tanong ni Rick
“Depende sa Agent honey, depende kung sino nagsabi. Gusto mo ba talaga malaman?” balik-tanong ni Marion
“Kung pwede mong sabihin sa akin…” wika ng binata
Tumango si Marion “ Ang special room ko sa Agency na para sa mga nahuhuli ko ay Reptile room. So, kasama nyang matutulog ang mga alaga ko” sagot ng dalaga
Lumaki naman ang mga mata ni Rick. “ Amazona ka talaga honey, i guess matatauhan talaga yun!”
Nagpatuloy ang kasiyahan at wala ng sumunod na istorbo. Tama na ang dalawang beses sa araw na iyon. Bago pa man nakauwi ang dalawa ay tumawag na ang agency. Nakinig ang dalawa. Kumanta agad ang taong nahuli nila pagkakita pa lang ng mga ahas. Ito daw ay isang private investigator na napag utusan lamang ng isang ex-girlfriend daw ni Rick.
Sinamaan lang ng tingin ni Marion si Rick pagkatapos binaba ang tawag.
“Honey, wala akong alam sa ex na sinasabi nun, Wala akong official girlfriends dati. Puro date at flings lang. Maniwala ka sa akin honey…” depensa ni Rick
“Tsk! babaero ka kasi” inirapan naman ni Marion ang binata
“Ikaw lang ang mahal ko” pabulong na sabi ni Rick
“Anong binubulong mo dyan, wala akong pakialam kung ilang babae pa ang dumaan sa buhay mo. dumaan… tapos na.” yun lang ang sinabi ni Marion na narinig ni Rick “ ang mahalaga, akin kana ngayon at akin lang hanggang sa hinaharap” patuloy sa isip ni Marion
“And i promise you are the Official ang last…” sagot ni Rick
“Good!” sagot ni Marion
Kinabukasan ay maagang pumunta ng bahay nila ang mga magulang. Susukatan daw kasi si Marion para ma alter ang gown na pinagawa ng kanyang Mommy. Nagpumilit sumama si Rick dahil gusto daw nito samahan si Marion. Pipikit na lang daw si Rick para hindi makita ang gown ayon sa pamahiin. Kaya ang kanyang Dad Theodore at VP na lang ang aattend sa mga meetings. Sa huli ay napapayag naman ang kanilang mga Mommies.
Naiwan si Rick sa Waiting Lounge ng isang Bridal Boutique at si Marion and Mommies naman ay pumunta sa dressing room kung saan nandoon ang Wedding Gown.
Nagulat si Marion ng nakita ang ang Gown at tuluyan ng napaluha. Tumingin ito sa kanyang Mommy at napayakap. Ngumiti din ang kanyang Mommy na naluluha na rin. Bumaling ang Mommy ni Marion sa Mom ni Rick at nagkuwento.
“Balae, alam mo ba ang design ng gown na ito ay mula mismo sa Drawing ni Marion noong 14 pa lang siya. Nakita ko ito sa Bulletin board na nasa kwarto niya kasama ang mga litrato ni Rick noon” pag bubuking ng Mommy ni Marion
“Siya nga Balae?, matagal ng gusto ni Marion si Rick? ” manghang tanong ni Mrs. Del Rama
“Oo Balae, pero isang araw ay kinuha lahat iyon ni Marion at sinunog. Hindi ko alam kung anong nangyari. Wala namang kinukuwento si Marion. You see Balae, never pa nagka boyfriend itong si Marion at i was afraid na tatanda siya mag isa. Pero noong nagsabi si Rick na liligawan niya si Marion after ng birthday party mo ay agad akong pumunta dito kinabukasan at pinagawa na ito sa sobrang excitement. Mabuti na lang at tandang tanda ko pa ang design. Classic modern Filipiniana kasi ito kaya it is timeless. At susuotin ito ni Marion sa kasal niya sa talagang pinaglalaanan nito.” mahabang pahayag ni Mrs. Martin
Niyakap na rin ni Mrs Del Rama si Marion “ Napaka swerte ng anak ko sayo Marion. You only loved him eversince…”
Sa may pinto ay nakatayo si Rick at narinig ang usapan sa loob. Balak sana kasing sumilip ni Rick. May kirot na naramdaman sa puso si Rick. I know exactly what day it was. The day that Marion started to hate him. He never knew that the hate was because of a heartbreak. ang buong akala lang nito at dahil sa pagkapahiya ng dalaga noon from his barkada. Iyun pala ay may mas malalim pang dahilan. Dahil mahal siya ni Marion noon pa man. Wow!, a bulletin board! And he just wish that Marion still feels the same. Kung maibabalik lang sana ni Rick ang panahon. Naisip din ni Rick, Is it the reason why Marion did not went to their Prom at hindi nag celebrate ng kanyang debut?
“I’m so sorry honey…” Rick uttered and returned to his seat.