The Empress

1489 Words
Chapter 5 The Empress Kinabukasan… Message Received “I’m sorry” Ito ang natanggap niyang message mula sa unregistered number. Hindi man naka register ang number pero alam ni Marion kung sino it. Dahil kabisado nito ang number ni Rick. Ano ang masamang hangin at naisipan itong mag message at hindi lang basta message, Ito ang mga salitang 15 years niyang hinintay na sabihin ng binata. Hindi nireplayan  ni Marion ang message. Hindi rin kasi nya alam kung ano ba ang isasagot nya. Pabigla bigla kasi ang binata. Kanino kaya nakuha ni Rick ang kanyang number...marahil sa Tita Pamela niya na Mom ni Rick. Maya maya ay tumunog ulit ang alert tone.  “Hey, It's Rick. Can we talk?...please.”  At ano naman kaya ang pag uusapan namin nitong lalaking ito, sabi ng isip ni Marion. Binalewala ulit niya ito at nananalangin na sana ay tumigil ang binata, pero tumunog ulit ang kanyang phone at may message ulit galing sa binata. “I am outside your Condo unit… please open…”  Napabalikwas ng tayo si Marion, “s**t!” Walang Hiyang lalaki to, pabigla bigla talaga. Lalo tuloy nataranda ang dalaga. Maya maya ay nakita nyang may tumatawag, Ito ang kanyang Mommy. Marahil ay alam din ng Mommy nya na nag aantay si Rick, need a strategy para umalis ang lalaki. “Hello Mommy, I am driving..” dahilan nito “Ay kaya naman pala hindi ka daw sumasagot sa messages ni Rick, nasa condo mo daw siya ngayon anak, Kayo naba?” tanong ng kanyang Mommy Claire “What?, no Mommy, hindi po kami. Bakit naman ako hinahanap ng mokong na yun… hindi po kami close at saka wala ako sa Condo ngayon Mommy” sagot ni Marion sa kanyang Mommy “Okay sige anak, sasabihan ko na lang. Sabihan mo ako kaagad ha pag kayo na, nagpaalam sa amin ng Daddy mo yun na liligawan ka daw niya. Pauwi ka na ba sa condo mo?” tanong pa nito “Si Mommy ah, nag i-imagine. Hindi po ako liligawan nun, at hindi ko po siya type.”sagot ni Marion.”Actually ka-aalis ko lang , I am going somewhere, not sure what time ako makakauwi” dagdag pa nya “Alright, takecare sweetie, ako na tatawag kay Rick at nag dri drive ka. Sagutin mo agad anak ha, bigyan mo na kami ng apo. Luv u nak, bye” paalam ng Mommy nya bago binaba ang phone Mabuti na lang talaga at maagap siyang nakaisip ng Dahilan. Secret lang kasi itong bahay nya. “Ano yung sinasabi na ligaw? Impossible naman yata yun. Naku Rick! Huwag mo ako paasahin. Ito namang parents namin, kulang na lang ipagtulakan kami sa isa isa. Hindi ako naniniwala na sinabi ni Rick yun. Palabiro alaga itong si Mommy.” sa isip ni Marion.  Maya maya ay tumunog ulit ang kanyang alert notification. Si Rick Ulit ito. “Wala ka pala, okay, later na lang. We need to talk. Take care. Save my number” Hayop na lalaking iyon. May pa we need to talk pang nalalaman at inutusan pa syang to save the number. Bahala siya sa buhay niya! Dumaan ang maghapon ay hindi talaga niya nireplayan si Rick. Kahapon lang nangyari ang lahat kaya hindi pa siya ready na harapin ito. Alas 8 ng gabi ay nasa Lanai siya habang naglilinis ng kanyang mga baril ng may narinig siyang sasakyang biglang preno at bumangga malapit sa kanyang gate. Tinignan naman niya ang kanyang special smart watch to access the cctv outside. Nakita niya ang isang familiar na sasakyan, zinoom nya at nakita niya ang mukha ng lalaking parang nahihirapang lumabas. Walang iba kundi si Rick! Hawak hawak din nito ang braso na may dugo. Pinulot nya any isa sa mga baril na may bala at inilagay sa kanyang likuran bago lumabas ng gate. Sa puntong ito ay kailangan niyang tulungan muna ang binata at isantabi muna ang pangambang malalaman nito kung saan siya nakatira.  “Rick! Ano ang nangyari sa iyo” tanong ni Marion “Marion?, ikaw ba yan? Pumasok ka sa loob at may humahabol sa akin. Patawag na din ng tulong. May tama ako” pahayag nito May Tama pala ng baril ang dumudugong braso ni Rick. Mayroon ring hawak na baril si Rick pero mukhang ubos na ang bala nito. Nakita ko naman na may paparating na kotse at may nakadungaw na isang lalaki at may hawak na baril!  “Dapa Rick! May paparating!” utos ko kay Rick at inilabas ang aking Baril Bang! Bang! Bang! Asintadong baril ni Marion sa mga humahabol kay Rick. Gumulong ang sasakyan. Pagkahinto ng sasakyan ay agad nilapitan ni Marion na nakatutok pa din ang baril sa mga ito. Unconscious na ang mga ito.  Nagulat si Rick sa nasaksihan, Si Marion ba talaga ang babaeng ito, ang Marion na Girlie...ngayon ay parang isang Action star at bihasang humawak ng baril! Lumapit na ang dalaga kay Rick at tinanong kung may iba pa bang tama ang lalaki. Sabi pa ni Marion na mukhang hindi naman delikado ang tama ni Rick dahil daplis lang ito. May tinawagan pa ang dalaga at mabilis namang dumating ang mga ito. Narinig na lang ni Rick si Marion na sinabihan ang mga taong dumating na “Pakilinis” Lumapit ulit si Marion kay Rick at sabing dadalhin nito si Rick sa Ospital. Pumasok si Marion sa gate at lumipas ang isang minuto ay may lumabas na Pick up truck. “Let’s go Rick, sakay na” utos ni Marion kay Rick Hindi pa rin makapaniwala si Rick, ngayon naman ay nag dridive ang dalaga ng isang astig na pick up truck! Nakarating na sila sa Ospital at inasikaso naman agad si Rick ng mga nurse at Doctor. Tinawagan na rin ni Marion ang kanyang dating Boss para magtanong kung may nalaman ba sa mga pinadala nyang mga suspect at kung bakit gustong patayin si Rick. Voicemail lang ito at nag leave lang sya ng message. Mamaya na lang niya ulit tatawagan ang dating Boss. After ng mga 30 minutes ay biglang sumulpot ang kanyang Boss na may dalang papeles. Natahi at na check na rin si Rick. Tama nga si Marion, daplis lang ang tama ni Rick. Nasa kwarto silang tatlo ngayon at nag uusap “Wow, Hindi ko alam na tinanggap mo na pala ang mission na ito, at may nahuli ka agad na mga suspect! Iba ka talaga.” wika ng dating Boss ni Marion “Wait Boss, anong mission ang sinasabi mo?, huwag mo sabihing ito yung businessman na may 10 million contract?! Itong Mokong na to?!” gulat na sabi ni Marion at napatingin kay Rick Napatingin naman si Rick sa ex-Boss ni Marion “And you mean Marion is an Agent?” tanong ni Rick Napatingin naman ulit ang ex-Boss ni Marion kay Marion na wari’y humihingi ng go signal sa kanya kung pwede na sabihin. Ano pa nga ba ang magagawa ni Marion, buking na eh. At hindi pwedeng pabayaan na lang ni Marion si Rick. Lalo kung buhay ang nakasalalay. Tumango na lang siya sa kanyang Boss. “Not just an Agent Mr. Del Rama, Meet… The Empress herself!” proud na sabi ng kanyang Boss Kitang kita ni Marion kung gaano nagulat si Rick. “Shut the front door! Is this for Real? Marion is The Empress? The number one, the best Agent not just in your agency but the whole Country?( The Dragon wife?...sabi lang sa isip ni Rick) gulat na sabi ni Rick Nakataas lang ang kilay ni Marion “Now you know! So you better keep your mouth shut sa parents ko dahil baka ako pa ang pumatay sa iyo” malamig na sabi ni Marion Napalunok lang si Rick. Halo-halo ang kanyang nararamdaman, Gulat,Tuwa, Kaba, Takot. Hindi mawari. Pinangarap niyang makilala ang tinaguriang The Empress, pero hindi niya akalaing ito ang dalaga. Binabalak pa naman niyang Ligawan na si Marion. Hindi nga siya nakatulog kagabi sa kakaisip sa Dalaga. Pero parang magiging malabo iyon. Lalo na at galit pa rin ang dalaga sa kanya. At lalo na na hindi pala ito basta basta at mukhang hindi niya mabobola at hindi mapapasunod sa kanyang gusto… He needs to show his other side too in this case!  Naisip bigla ni Rick ang napag usapan niya at ng kanyang pinsan noong nakaraan sa opisina. Why not pose her as his Girlfriend while in fact, she is a Bodyguard. Para hindi rin halata ng mga kalaban. Sana lang ay pumayag ito. He heard that The Empress is very professional and do the needful in every mission. Kaya naging successful ito lagi. Sana nga pumayag ito. Got two birds in one stone! Rick just needs to convince Marion that it is a good idea… no not to convince, but force the idea. He is not just a businessman after all...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD