Chapter 6 Contract
Binubuksan ng kanyang Boss ang dalang briefcase at inilabas ang isang folder. Ang tawag ng mga Agent dito ay Boss Fline. Nasa mga 50’s na si Boss Fline pero bakas pa din ang pagiging matipuno nito. Nagsimula rin kasi itong Agent at Abogado pa. Kaya lahat ng kontrata ay ito na ang nag ha-handle.
"So you know Agent, this contract has been revised, it is now 15 million dahil gusto talaga nitong si Mr. Rick na makuha ang serbisyo ng isang The Empress. He is a Billionaire after all, so 15 million ay parang barya lamang sa kanya." wika ni Boss Fline
"Can I see the contract Boss?" Sabay lahad ni Marion at binasa ito. Sinuri ang contract na para bang isang mahalagang ebidensya.
"Ano itong banda sa baba na some conditions may apply? Can you explain further please. Ayaw kong magka problema sa huli" Tanong ni Marion kay Rick
"Ah, ayan ba? Mga strategies yan, including Acting, traveling… those stuff, pero yung necessary lang naman at siyempre kung papayag ka. Pag uusapan naman natin iyon. At saka, wala namang kondisyon na ikakapahamak mo o natin." Pahayag ni Rick "extra din yung allowances and other expenses, kaya wala kang gagastusin. I will provide everything. May bonus pa ofcourse" dagdag pa nito
Napataas ang kilay ni Marion. Sa isip isip ni niya, wala naman sigurong masama kung ikalulutas ng kaso, at professional naman siya. Agad na itong pinirmahan ng dalaga. At inabot kay Boss Fline.
"Ipapadala ko na lang copy ng contract sa opisina mo Mr. Rick Del Rama. It's a pleasure doing business with you. You are in good hands" nag shake hands na ang dalawa
"As for you Agent, ipapadala ko na lang ang mga kakailanganin mo sa bahay mo" nagpaalam na ito at umalis.
Naiwan na si Marion at Rick sa kwarto.
"So, tell me. Do you have any idea kung sino ang gustong pumatay sayo?" Tanong ni Marion kay Rick
"I have no idea in particular. Pero marami akong ka-kompetensya sa negosyo" sagot ni Rick
May itatanong pa sana si Marion, nang may kumatok at pumasok. It's Rick parents! Oo nga pala, malamang tinawagan ito ni Rick. It's too late para magtago.
Nagulat pa si Mr. And Mrs. Del Rama ng makita si Marion.
"Rick my baby… thank God okay ka lang, mananagot ang mga may gawa nito sa iyo" niyakap pa ito ng Mom ni Rick pati na rin ang Dad nya ay lumapit at tinapik lang ang balikat ng lalaki.
"Hi Marion iha, you are here!" Wika ni Dad ni Rick
"Oo nga iha, why are you here?... at nauna ka pa sa amin ha..." nakangiti at mapanuksong tanong ni Mrs. Del Rama.
"Ahmmm, kasi po tita, ako po ang…" hindi na natuloy ang sasabihin ni Marion ng sumingit si Rick.
"She's my girlfriend Mom and Dad! Of Course she is here!" Ang sabi ni Rick
"Ha?!" Tanging salitang lumabas kay Marion
"I knew it! I am so happy right now. I guess we are going to plan for your wedding soon? Masayang tanong ni Mrs. Del Rama at tumingin sa asawa nito “ Atlast magkaka apo na tayo luv, sasaya na ulit ang mansion.
Hindi makapagsalita si Marion at napatingin na lang kay Rick ng masama. Hanep eh, pareho ng Mommy nya, masyadong advanced mag isip. Apo agad!
"Mom, she is shy. Kasasagot niya lang sa akin, at mag uusap muna kami please" wika naman ni Rick
"Sige labas muna kami ng room, congrats Son, hope magtino ka na" bilin ng Dad ni Rick bago lumabas.
Pagkalabas ng magulang ni Rick ay agad kinopronta mi Marion ang binata
"What the F**k did you just told them! Ano ang pumasok sa kokote mo at sinabi mo Yun? Ha?!" Inis na sabi ni Marion
"Chill okay, listen to me first please honey.." wika ni Rick
"Did you just call me honey? You are really out of your mind!" Wika naman ni Marion
"Yes, honey… and from now on, yan na tawagan natin. Kaya masanay kana. Listen muna kasi… ano ang gusto mo sabihin ko, bodyguard? Na hired Agent ka? Diba nga ayaw mong malaman nila. Paano mo ma explain kapag lagi tayo magkasama diba… and as my bodyguard, kailangan 24 hours tayo magkasama." Explain ni Rick
May point naman si Rick. It's necessary sa Mission na ito.
"Fine, pero sinasabi ko sayo Rick, feelings ng magulang natin ang nakataya at parang pinaglalaruan natin sila. You know how much your Mom wants us to end up together at parang boto rin sa iyo ang Mommy ko." mahinahon na si Marion “and speaking of my Mom, I Have to tell her that you and I are a thing now, Gosh, mahabang explanation ito.” dagdag pa ni Marion.
Kinuha na ni Marion ang kanyang phone at tinawagan ang ina. Inilayo pa ni Marion ang kanyang tenga sa phone marahil ay tumili ang ina sa galak sa kabilang linya. Hindi naman nagtagal ang phonecall at pinatay na ni Marion. Napabungtong hininga na lamang si Marion
Parang may nabasa si Rick na lungkot sa mukha ni Marion. "Lungkot ba ito for our parents, o lungkot ito dahil nagkukunwari kami? I want to tell her that I really do like her, pero baka mag back out siya. I don't want to mess this up. I will just show her how a Rick Del Rama treats a lady that is special to me. Just like her codename, The Empress. I will treat her as my Empress and my Queen. I will shower her of everything that a lady wishes for. " sa isip ni Rick
"I have one condition" basag sa katahimikan ni Marion
"What is it honey?" Ngising tanong ni Rick
"Sa bahay ko tayo mag i-stay! Not yours, and that is final. Nasa bahay ko lahat ng gamit ko. Like guns and gadgets. Ipapahanda ko na ang kwarto mo." Matigas ba sabi ni Marion
"I will agree for now honey… but we will talk further tomorrow. And can you please start calling me honey, para naman masanay ka na" hirit ni Rick
"F**k no! , saka na pag nasa harap na ng ibang tao" masamang tingin ni Marion kay Rick
"Ang tapang mo pala…sige, daan lang tayo sa bahay ko at kukuha lang ako ng bihisin at konting gamit, then uwi na tayo sa bahay mo" wika ni Rick
Inirapan lang siya ni Marion.
Tikom na ang bibig ni Rick. "Woah! You will be my Dragon Wife Marion honey, mark my word!" Sabi ng isip ni Rick. Bumubuo na nang plano si Rick kung paano mangyayari ito. He is never been this eager.
Sa kabilang banda, ang iniisip naman ni Marion ay kung paano siya makakaiwas dito at paano pigilan ang nararamdaman.Lalo na at 24 hours 7 days a week niyang makakasama si Rick. Mahirap na, baka sa bandang huli ay masaktan lang siya. She needs to protect her heart from Rick. Trabaho lang, hindi niya kailangan dibdibin. Just go with the flow…
Pumasok na ulit ng kwarto ang mga magulang ni Rick para magpaalam at uuwi na.
“Marion iha, kwentuhan mo ako some other time ha, ituturo ko na rin sa iyo ang mga recipe ko, at syempre ang mga paborito ni Rick. Tutal, hindi naman magtatagal ay magiging manugang na talaga kita...finally!” masayang pahayag ng Mommy ni Rick
“Sige po Tita” sagot ni Marion
“Call me Mom okay…and Dad kay Theodore” wika pa nito
Tumango na lang si Marion.