Yakap

1236 Words
Chapter 7 Yakap Nakakuha na ng mga gamit si Rick, kumain na din sila  at  tumuloy na sa bahay ni Marion. Ang dalaga pa din ang nag drive dahil nga may sugat pa si Rick. Hindi na nagsama ng ibang bodyguard ang binata. Dinala lang ni Marion si Rick sa guest room at nagpaalala. "Bukas na kita ito-tour dito sa bahay dahil marami kang dapat malaman at ikaliligtas mo din. Ang bahay na ito ay state of the art ang security. It's like a fortress. Sa ngayon, dito ka muna sa kwarto. Kumpleto dito at huwag ka lumabas. Huwag ka din humawak kung saan saan. Bukas ng 6am, pupuntahan kita dito. Naiintindihan mo ba?" Mahabang pahayag ni Marion "Yes honey, understood" saludo pa ni Rick "And stop calling me honey! Walang ibang tao" pagsusungit ni Marion "Practice lang para masanay din ako" dahilan ni Rick  "Parang hindi mo naman kailangan ng practice. Parang sanay sanay ka eh, balita nga babaero ka. Sa dami mo ng tinawag na honey! For sure may sweetheart at baby din." Wika ni Marion May naisip na Kalokohan si Rick at gustong tuksuhin ang dalaga. "Nagseselos naman agad ang honey ko, ikaw lang ang tinawag ko na honey. At ikaw lang ang inamin kong girlfriend ko kay Mom and Dad. At ikaw pa lang din ang bumahay sa akin!" Sabi ni Rick na nakangisi pa. Kung totoo sana ang sinabi ni Rick ay tiyak kikiligin ang dalaga.  How she wish everything is real." Nonono, erase erase! " sabi ng kanyang isip "Antok lang yan Rick, matulog na tayo. Remember, do not go out of this room." Iniwan na ni Marion si Rick, pero narinig nya pa itong nag goodnight. Wang Wang Wang Wang!  Naalimpungatan si Marion ng mag alarm ang kanyang bahay. Dali Dali nyang kinuha ang baril at lumabas ng kwarto,  pababa na ang dalaga ng makasalubong si Rick na panakbo namang paakyat. Tinutok ni Marion ang baril dito, napahinto naman ang binata. Binaba lang ng dalaga ang baril ng mapagtantong si Rick ito. Nagsalita si Marion "Alarm, stop." Tumigil na ang alarm  "Ano ba naman yan Rick, diba sabi ko sayo na huwag kang lalabas ng kwarto mo.  Mahirap ba intindihin yun?!" Inis na sabi ni Marion Hindi nagsalita Rick. Marahil ay natigilan sa pagtutok ng baril ng dalaga? "Ano Rick? Sagot!" Nagtaka naman si Marion at parang na batobalani si Rick, tinignan ni Marion kung saan nakatingin si Rick. Gosh, sa boobs nya pala. Ngayon lang nya napatanto na nakasandong manipis lang siya at panty. Bakat na bakat ang ni***s nito. She needs to act cool. Ayaw nya mapahiya sa binata. "Hoy lalake, mukha ko nandito sa taas, wala sa baba!,  para namang ngayon ka lang nakakita nito" Senyas nya. Sa totoo lang, si Rick ang unang lalaking nakakita sa kanya ng ganito.  "Ay sorry” wika ni Rick na umiwas naman ng tingin. ”Sorry din at bumaba ako. Hindi kasi ako makatulog, namamahay Ako. Kaya humanap ako ng Alak. Wala naman ako nakita" wika ni Rick  Malamang walang alak sa Bahay ni Marion,  weakness nya ito. "Hindi ako uminom at ayaw ko ng lasa ng alak kaya wala ka talagang mahahanap” Sabi naman ni Marion "Pwede ba mag request?"  Hirit ni Rick "pwede ba na sa kwarto mo na rin ako matulog kahit ngayon lang? Hindi talaga ako mapakali at makatulog. Pagod ako , pero hindi talaga kaya. Kailangan ko magpahinga lalo't may sugat pa ako" paawa epek ni Rick  Nakonsensya naman si Marion. Ewan ba nya at parang nagpapauto naman siya kay Rick. "Fine, pero sa sahig ka. Grab your pillows!" Tumalikod na din ang dalaga Nagmadali naman si Rick na kunin ang mga ito at pumasok na sa kwarto ni Marion. Carpeted naman kaya ok lang. Tiis muna sya. Kinaumagahan ng nagising si Marion na parang may nakadagan sa hita at bewang niya. Iminulat niya ang kanyang mga mata at lumingon sa kanan. Kita mo nga naman, at nakatabi na pala sa kanya ang magaling na lalaki! nakayakap pa. Hindi muna siya nag react at hindi ginalaw ang pagkakayakap at dantay sa kanya. Bagkus ay pagmasdan muna ni Marion ang katabi.Parang biglang naging emosyonal ang dalaga. Sa isip ni Marion ay kinausap niya ang binata. "Alam mo ba na 14 years old pa lang ako ay pinangarap ko na itong tagpong ito? My dream is to be your wife Rick. Everyday, hindi nawawala sa aking dasal na sana mapansin mo ako noon, na sana magkagusto ka sa akin. Sabi ko sa sarili ko noon, ikaw lang talaga at pipiliin ko pang maging matandang dalaga kung hindi rin lang ikaw ang makakatuluyan ko. At one point nga, sinabi ko din sa sarili ko… na matikman ko lang ang halik mo ay pwede na ako kunin ni Lord. Ganun kita kamahal dati Rick. Sa murang edad ko, I knew it was true love.  And I was right. But then s**t happened and I fell hard and my heart got broken that time. I promised myself to forget you, and for the longest time my feelings went idle. But it is a ticking time bomb na anytime sasabog ulit ang nararamdamang pagmamahal para sayo. I surrender Rick. I still love you at e-enjoying ko na lang ito habang nagkukunwari tayo. I will do whatever you want for this time being. Bahala na after, Basta kahit papaano, ay natupad ang pangarap ko nung mga teenagers pa tayo. To be yours, and you to be mine. Kahit sandali lang, kabit fake… kahit masaktan man ako sa bandang huli. I love you honey..." Dahan dahan tumaas ang kamay ni Marion sa mukha ng lalaki upang ito ay haplusin ng dumilat si Rick ! Nagulat si Marion kaya ang haplos sana ay naging sampal.  "Aray ko naman honey… ganyan  kaba mag good morning?..." wikang tampo ni Rick "Talagang masasampal Kita! At sino may sabi sa iyong tumabi at yumakap sa akin ha?!" Singhal  ni Marion  Flashback from few hours ago Halos isang oras ng paikot ikot sa sahig si Rick, hindi pa rin siya makatulog, samahan pa ng matigas na sahig, kahit pa may carpet ito. Sinilip niya si Marion na mahimbing na natutulog. Nagpalit na ang dalaga ng ternong pajama, sayang. Dahan dahan umakyat si Rick sa higaan at tumabi kay Marion. Instant ginhawa sa likod niya. Baka nga makatulog na siya pag ganito. Biglang kumilos at bumaling si Marion sa side niya at ito ay yumakap kay Rick! Mabuti na lang ay ang sugat nya ay nasa kabilang braso at hindi sa pagitan nila. Nanigas ang katawan ni Rick at hindi gumagalaw, baka magising si Marion.  Maya maya ay narerelax na rin ang katawan niya. Weird,  parang comfortable siyang nakayakap si Marion sa kanya. Hinawakan ni Rick ang braso ni Marion na nakayakap sa kanya. Maya maya lamang ay nakatulog na rin si Rick. End of flashback  “Ha?! “ palinga linga pa si Rick “Oo tumabi ako kasi sumakit ang likod ko at lalo ako hindi makatulog, pero honey...ikaw ang unang yumakap sa akin, i swear.” dadag pang sabi nito “Ay ewan!, bumalik ka na sa guestroom at maghanda, bababa na ako para mag prepare ng breakfast natin” wika ni Marion . Nakadama ang dalaga ng konting hiya at hindi na nakipag talo, siya naman pala ang unang yumakap “Okay honey.” sagot ni Rick at lumabas na ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD