I made sure na masarap lahat ng pagkain at maayos iyong nakahain. Sabi kasi ni James kasabay na niya si Penelope pauwi ng bahay, hindi kasi alam ni Penelope itong sa amin. Maya-maya ay dumating na nga ang dalawa. Nakangiti si Penelope sa akin at si James ay hinalikan ako sa noo at si Ellie nung makalapit sa amin. Bakas sa mukha ni Penelope ang pagtataka nung mapatingin kay Ellie at pagkatapos ay sa akin. "Pen, my wife Crystal, and that's Ellie, anak namin," sabi naman ni James habang napapangiti ako sa reaksyon ni Penelope. "Hi Pen," I said while smiling. "Hi," sabi niya na parang wala pa rin sa sarili dahil sa nalamang may anak kami ni James pero ngumiti naman siya sa akin. "Mahal ko, I already told you about Pen, right? So, can I go upstairs to change my clothes?" sabi ni James at h

