CRYSTAL "Welcome to the Christian world, baby Ellie!" sabi ni Mommy habang hawak ko si Ellie. James took his leave para sa importanteng araw na ito and Dad said na aagahan na lang niya ang uwi ng mansion. Malapit na rin kasing mag-one year old si Ellie kaya naisip na rin naming pabinyagan at isa pa, paalis na nga si Pen, ang magiging Ninang ni Ellie. Hindi ko na kinontak si Karren kasi alam kong nasa bakasyon sila ng asawa niya. We celebrate at the mansion privately. Nakangiti ako habang pinapanood ang anak kong nilalaro nina Mark at Penelope. Naramdaman ko naman ang pag-akbay ni James at paghalik niya sa buhok ko habang nakatingin din sa anak namin. Hapon na rin nung magpasyang umalis ang mga bisita. Sina Mark lang naman at Pen ang mga bisita kasi nga wala pang puwedeng ibang makaalam

