JAMES "Hello," si Karren sa kabilang linya. Tumatawag lang naman ang isang 'to kapag may kailangan sa'kin. Pero ngayon, papayag ako dahil alam ko na ang dahilan ng pagtawag niya. "Ah, kasi James, birthday pala ngayon ni Crystal, ini-invite niya tayo. Nakakahiya naman kung hindi ka sasama kasi isama daw kita. Dinner daw," sabi niya. "Okay," sabi ko. "Really? Ang dali-dali mo na talagang mapapayag James ha! Nakakahalata na ako sa'yo," sabi niya. "Why?" tanong ko. Nahahalata na ba niya kami ni Crystal? Kasi, kaya lang naman ako madaling pumapayag kapag involve si Crystal. Napapansin na ba niya? "Ang lakas ko na kasi sa'yo, nahahalata ko tuloy na inlove ka na sa'kin! Hahaha," biro niya. Tss, paranoid lang pala ako. Ang hilig niya talagang magbiro. "Tss, sige na may gagawin pa ako," s

