CRYSTAL Umalis na talaga si Mark. Sabagay, iniwan na naman niya ako dati kaya dapat sanay na ako. Pero iba ang dahilan niya ngayon eh. Sobrang nakakalungkot 'yung nararamdaman ko ngayon kaysa nung una siyang umalis papuntang Canada. Maaayos din ang lahat, in time. Sana nga pagbalik niya maging okay na ulit kami. Ilang linggo na buhat nung umalis si Mark. Umaga nang magising akong tumutunog ang cellphone ko hanggang sa biglang tumigil sa pagtunog. Ang daming missed calls at text messages galing sa relatives ko abroad at mga kaibigan. Hala, birthday ko nga pala ngayon! Pero bakit wala man lang text o tawag ang asawa ko? Pagkahilamos ko ay bumaba na ako. Nung malapit na ako sa baba ay na-surprise ako sa nakita ko. "Happy birthday!" bati nila pagkababa ko. Lahat ng kasambahay namin, pati

