MARK "Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na huwag mo na akong tawaging bebe ko! Mahirap bang intindihin 'yun?!" "Oo! Nahihirapan na akong intindihin ka Crystal! Hindi ko na alam kung bakit ka ganyan sa'kin! Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin!?" "Hindi!" "Sorry, Mark." Paulit-ulit na sa utak ko ang mga salitang 'yun habang nagda-drive ako ng kotse na walang tiyak na patutunguhan. Hindi na mababawi ng sorry niya ang katotohanang ipinamukha niya sa'kin. Ngayon ko mas naramdaman ang sakit. s**t! Ang gago ko lang! Nagmahal ako ng taong hindi ako kayang mahalin! Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko. Idiniretso ko ang kotse sa isang malapit na club at doon ibinuhos lahat ang sama ng loob. Nagpakalasing ako hanggang sa magsawa sa alak at nag-drive na lang ng nag-drive sa gitn

