CHAPTER 8

1047 Words
Kinabukasan ay nalaman na lang ni Mark na nakatulog pala siya sa kama niya. Hindi pa naman oras ng pasok niya sa paaralan, kaya may oras pa siya na umalis at mamili ng pagkain para makapag luto pero hindi niya ito ginawa dahil tamad na tamad siya sa buhay niya. Habang nakahilata sa kama naalala niya ang sinabi ni Mr.Lawrence kagabi na doon na lang siya kumain lagi kung hindi siya makapagluto at makapamili ng lulutuin dahil don bumangon na siya at pumunta sa lababo para mag hilamos ng mukha. Pag-alis niya sa bahay ay dumaan na siya sa dinaanan nila Mr.Lawrence papunta sa street restaurant pero habang naglalakad nakasalubong niya si Mr.Lawrence dahil papunta rin ito sa bahay nila para bisitahin ulit si Mark. "Mr.Lawrence?" Nagtataka si Mark kung bakit ngayong umaga ay nakikita niya si Mr.Lawrence. "Hindi tayo nakapag usap ng maayos kagabi, kaya-" "Nabasa ko na ang papel na binigay mo sa akin at na intindihan ko rin ang tungkol doon, kaya wala kang dapat ipag-alala sa akin." Pinutol ni Mark ang sinabi ni Mr.Lawrence sa kanya dahil sa bagong ugaling na buo ni Mark at ito ay ang pag mamarunong niya mabuti na lang at mahaba ang pasensya ni Mr.Lawrence. Lumapit pa ng konti si Mr.Lawrence kay Mark at inaya itong bumalik sa bahay nila. "Pupunta ka ba sa restaurant na pinuntahan natin kagabi?" Hindi pinansin ni Mark ang tanong ni Mr.Lawrence, nakatingin lang siya sa mukha nito habang inaantay ang mga susunod nitong sasabihin sa kanya. Hindi sinabi ni Mark nagugutom na siya dahil gusto niya rin na mapag-isa muna pero alam ito ni Mr.Lawrence, kaya may dala itong plastic at naglalaman ng pagkain na papagsaluhan nila ngayong umaga. "Alam kong gutom ka na, nagdala ako ng pagkain para sa atin." Hindi na lang tumanggi si Mark dahil na realize niya rin na bastos ang ginawa niya kagabi kay Mr.Lawrence. Iniwan niya ito sa restaurant ng hindi sila nakakapag-usap ng matino, lalo na't ang ginagawa lang naman nito ay ang trabaho niya para maging maayos ang daloy ng mga ari-arian ng magulang niya sa kanya. Pagpasok nila sa bahay pinauna na ni Mark si Mr.Lawrence sa kusina para doon kumain habang sinasara naman ni Mark ang pinto. Nakita ni Mr.Lawrence ang itsura ng bahay nila ngayon at nagulat siya sa pinagbago nito. Kalat-kalat na kasi ang mga gamit sa paligid pati na ang mga basura at maski ang mga gilid ng pader ay na pabayaan na ang makintab na kulay. Nakatayo lang si Mr.Lawrence sa harapan ng lamesa, pinagmamasdan ang paligid hanggang sa inunahan na siya ni Mark na umupo sa isa sa mga upuan sa lamesa. Na pansin naman ni Mr.Lawrence si Mark, kaya pinabayaan niya na lang ang itsura ng bahay at umupo na rin sa upuan, katapat si Mark. "Sana makapag-usap na tayo habang kumakain." Tinaas ni Mr.Lawrence ang pagkain niyang dala para maipatong ito sa lamesa. Binigay ni Mr.Lawrence ang para kay Mark at nilagay naman niya sa tapat niya ang para sa kanya. "Gusto mo bang lumipat sa tokyo para malapit ka sa bahay ko?" Na inis si Mark sa sinabi ni Mr.Lawrence at galit itong tumayo sa upuan habang nanggigigil ang kamao. "Ayaw ko." Sinagot niya ng diretso si Mr.Lawrence habang galit itong nakatingin. Na intindihan naman ni Mr.Lawrence kung bakit ayaw ni Mark pero kahit na ganun kung hindi naman niya papahalagahan ang pagmamay ari ng magulang niya ay magiging pulbos na lang ito pagdating ng araw. "Kung ganun ay kay langan mong ayusin ang sarili mo pati na ang bahay na ipinamana sayo dahil hindi pwedeng maging ganito na lang palagi ang itsura ng bahay mo." Hindi nakasagot si Mark sa sinabing 'yon ni Mr.Lawrence habang umuupo sa upuan. Kalmado lang si Mr.Lawrence dahil alam niya kung paano gagabayan si Mark pero nakaayon pa rin sa desisyon ni Mark ang tatahakin niya sa buhay. Alam ni Mark na tama ang sinabi ni Mr.Lawrence, kaya wala na siyang sinabi o ginawa para kalabanin si Mr.Lawrence. "Alam ni Mr and Mrs.Vil na mawawala sila ba lang araw, kaya kinausap nila ako tungkol sa gusto nilang mangyari." Napukaw ang atensyon ni Mark sa sinabi ni Mr.Lawrence at habang kumakain si Mr.Lawrence ay kinuwento niya kay Mark ang plinano ng magulang niya para sa kanya kung sakaling mawala sila. "Binilin ka nila sa akin hanggang maging college ka." Hindi pa ginagalaw ni Mark ang pagkain niya dahil nakikinig pa sa sinasabi ni Mr.Lawrence habang kumakain. "Sa oras na tumungtong ka na sa pagiging college ay maari na kitang pabayaan, kaya sana ay makinig ka sa akin dahil may edad na rin ako." "Mahal na mahal ka nila at gusto nila na nasa tama ka palagi." "Wag mong sasayangin ang tiwala na binigay sa 'yo ng magulang mo dahil kahit na wala na sila ay pinagkakatiwalaan ka pa rin nila kung nasaan man sila." Na patingin si Mr.Lawrence kay Mark dahil narinig niya itong umiiyak matapos magsalita ni Mr.Lawrence pero imbis na patahanin niya ito ay pinabayaan niya lang itong umiyak. "Kumain ka na." Nilapit pa ni Mr.Lawrence ang pagkain ni Mark sa kanya at habang umiiyak ay kumakain si Mark ng pagkain. Ngumiti si Mr.Lawrence dahil alam niyang pagkatapos nang pag-iyak ni Mark ay isang magandang ngiti ang dudungaw sa kanyang mukha. Na busog si Mark sa dalang pagkain ni Mr.Lawrence oras na ng alis ni Mr.Lawrence dahil abala rin siyang tao. Medyo gumaan na ang pakiramdam ni Mark, kaya hinatid niya ng may ngiti sa mukha si Mr.Lawrence papalabas ng bahay nila. "Salamat po Mr.Lawrence." Na tuwa si Mr.Lawrence sa narinig niya kay Mark dahil naramdaman niya ulit ang galang na binigay sa kanya nito noong pitong taong gulang pa lamang si Mark. Aalis na sana at tatalikod si Mr.Lawrence kay Mark pero hindi ito hinayaan ni Mark dahil hinabol niya ito ng yakap. "Salamat din po sa pagiging mabuting kaibigan nila mama at papa, mag-iingat po kayo Mr.Lawrence." Tinapik si Mark sa likod ni Mr.Lawrence para ibalik ang matinding yakap nito. "Mag-iingat ka rin." Bumitaw si Mark sa yakap nila ni Mr.Lawrence dahil may pasok rin siyang dapat pasukan. Sabay silang ngumiti sa isa't isa bago pa man tumalikod at maglakad papalayo si Mr.Lawrence habang si Mark naman ay pumasok na sa loob ng bahay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD