Dinala si Mark sa isang street restaurant na malapit lang rin sa bahay nila. Simple lang naman ang itsura nito dahil tinayo lang ito sa gilid ng kalsada na parang isang tent pero pag pasok mo ay may nakahanda ng lutuan sa bawat table. Pinauna ni Mr.Lawrence si Mark na umupo bago ito umupo sa kanyang upuan at isang saglit lang ay dumating na ang babaeng hihingi ng kanilang order. Walang imik si Mark, kaya hindi na tinanong ni Mr.Lawrence kung ano ang gusto niya. Nakayuko lang ito habang nakaupo at matapos umorder ni Mr.Lawrence umalis na ang babae sa gilid niya.
“Mark?”
Napaangat ng ulo si Mark matapos siyang tawagin ni Mr.Lawrence pero hindi siya nagsalita ng kung ano, tiningnan niya lang ito at inantay ang susunod na sasabihin ni Mr.Lawrence.
“Inorder na kita ng pagkain, ayos ka lang ba?”
Ngumiti si Mark at tumango pero alam ni Mr.Lawrence na peke ang ngiti nito dahil iniwas nito ang tingin paibaba. Hindi na kinulit pa ni Mr.Lawrence kung ano ang nararamdaman ni Mark at dineretso niya na ang usapan sa kung bakit dinalaw siya nito sa bahay nila habang inaantay ang pagkain na inorder nila.
“Pumunta ako dito para ipapirma sayo ang isang papeles na iniwan nila Mrs.Vil.”
Napaangat ulit ng ulo si Mark para makita kung ano ang sinasabi ni Mr.Lawrence na may kinukuha sa loob ng bag. Matapos nitong makuha ang dalawang pilas ng papel ay binigay kaagad ito kay Mark. Medyo basa pa ang lamesa dahil bagong punas ito, kaya hindi ito nilapag ni Mr.Lawrence.
“Paki basa na lang ang bawat sinasabi sa papel.”
Kinuha ni Mark ang papel sa kamay ni Mr.Lawrence at sinimulan niya itong basahin. Sakto namang natapos ni Mark ang pagbabasa ng dumating na ang pagkain nila, kaya akala ni Mr.Lawrence ay makakapag-usap sila habang kumakain.
“Na basa mo na ba?”
Binigay ulit ni Mark ang papel kay Mr.Lawrence ng wala ang pirmahan niya habang tumatango at nakatingin sa pagkain na nilalagay ng babae sa lamesa nila.
“Kumain na muna tayo.”
Nang marinig ni Mr.Lawrence ang sinabi ni Mark tumango lang rin ito at inuna na nila ang pagkain bago pag-usapan ang mga dapat pag-usapan sa papel na binasa ni Mark.
“Dito ka na kumain lagi kung hindi ka marunong magluto.”
Parang hindi pinakinggan ni Mark ang sinabi ni Mr.Lawrence sa kanya dahil busy siya sa pagkain. Tiniis niya kasi ang gutom niya simula pa ng umaga, pumasok siya ng walang kain at umuwi siya ng walang kain. Matapos hindi pansinin ni Mark ang sinabi ni Mr.Lawrence ay tumahimik na lang rin ito at kumain. Natapos sa pagkain si Mr.Lawrence pero si Mark ay umorder pa ng ilang baso ng kanin. Hinayaan lang ito ni Mr.Lawrence dahil kita naman sa kinikilos ni Mark na gutom na gutom talaga siya, kaya wala siyang magagawa kung hindi antayin si Mark na mabusog at tumigil ito sa pagkain pero habang sunod-sunod ang subo ng pagkain niya sa bunganga ay bigla itong tumingin kay Mr.Lawrence at bumagsak pa atras sa upuan. Nagulat si Mr.Lawrence at tumayo sa kanyang upuan tsaka lumapit kay Mark.
“Anong nangyari?”
Nakapikit si Mark habang hinihimas himas ang pwetan niya dahil sa pagkabagsak niya sa lapag, natapon pa nga ang ilang pagkain pati na ang sinubo niya sa kanyang bibig. Nang imulat niya naman ang mata niya ay nakadiretso kaagad ito ng tingin kay Mr.Lawrence na parang may hinahanap sa likod niya.
“Para ka namang nakakita ng multo.”
Tumayo kaagad si Mark at pinagpag ang damit niya pero parang may hinahanap pa rin ito sa likudan ni Mr.Lawrence, kaya napatingin din si Mr.Lawrence sa likod niya kung meron bang kung ano sa likod niya.
“Mark?”
Tinatapik ni Mr.Lawrence si Mark dahil hindi ito nagsasalita, nakatingin lang ito talaga sa likudan ni Mr.Lawrence pero maya-maya pa ay natauhan si Mark at pumunta sa upuan ni Mr.Lawrence para kunin sa bag ang papeles na kailangan niyang pirmahan.
“Ballpen?”
Agad na inabot ni Mr.Lawrence kay Mark ang ballpen nito na nasa suot niyang damit. Pinirmahan ni Mark ang papel sa upuan at agad itong inabot sa dibdib ni Mr.Lawrence kasama ang ballpen. Nagulat si Mr.Lawrence kung ano ang nangyari kay Mark pero hindi na niya na gawang pilitin pa si Mark na sabihin kung ano ang nangyayari dahil kumaripas kaagad ito ng takbo palabas sa street restaurant. Hindi rin naman pwedeng iwan ni Mr.Lawrence ang kinainan nila dahil kailangan niya rin bayaran ang lahat ng kinain niya at ni Mark, lalo na’t medyo na parami ng kain si Mark. Na pirmahan naman din ni Mark ang papeles na naglalaman na siya na ang may ari ng lahat ng pagmamay ari ng magulang niya kasama na ang mga pera na tinabi nito sa banko.
Pag-uwi ni Mark kinuha niya kaagad sa kwarto niya ang itim na libro at hinanap sa mga pahina ang halimaw na nakita niya sa likod ni Mr.Lawrence. Isang maliit pero nakakatakot na Axolotl ang biglaan niyang nakita sa likod ni Mr.Lawrence, nakakapit ito sa bandang likod habang nakadungaw kay Mark ng makita niya. Pagbuklat niya ng libro at ilang lipat pa ng pahina ay nakita niya ang hinahanap niyang halimaw. Hindi niya pa tanda ang lahat ng halimaw na nakasulat sa libro, kaya kailangan niya pang balik balikan ang libro para alamin kung ano ang nakita niya sa mga tao at kung paano ito masosolusyonan. Nakasulat sa libro na isa lang itong small curses at madali lang itong matanggal kahit pa hindi mo ito nakikita kung isa kang normal na tao.
Nawala ang taranta sa katawan ni Mark matapos niyang mabasa iyon sa libro. Binitawan niya ang libro sa lapag at dumapa sa kama at tsaka lang siya nakaramdam ng sakit sa tiyan. Bigla niyang naala na kumaripas pala siya ng takbo habang bagong kain. Pinilit niyang tumayo at pumunta sa gilid ng kama niya para kunin ang gamot pero kailangan niya pang tumayo para naman sa tubig na nasa kusina. Humawak siya sa pader hanggang sa makakuha siya ng tubig at mainom niya ang gamot. Pagkatapos ay bumalik na siya sa kwarto para umupo sa kama at hintayin na mawala ang sakit ng tiyan niya.