CHAPTER 6

1041 Words
Mag gagabi na ng matapos ang lahat ng klase ni Mark. Wala na siyang ibang plano kung hindi umuwi at gawin muna ang mga homework niya sa bahay pero bago lumabas ang huling guro nila ay kinuha muna nito ang atensyon ni Mark. “Mark?” Lumingon si Mark sa harapan habang inaayos nito ang mga gamit niya. Napalingon din si Dillan na nasa tabi niya at tsaka tinanong si Mark. “Pwede ka ba daw makausap ng saglit sa faculty room?” Nagtataka si Mark pero tumango naman siya at binuhat na ang bag niya. May sasabihin sana si Dillan kay Mark pero hindi na ito tinuloy ni Dillan dahil hindi naman siya nilingon ni Mark. Diretso lang siyang lumapit sa teacher at sinamahan itong lumabas sa unang pintuan. “Mauna ka na sa faculty room.” Bago pa makalabas ang guro sa kwarto pinauna niya na muna si Mark na pumunta sa faculty room at humarap kay Dillan habang nakaturo sa kabilang pinto at bago isara ang unang pinto kung saan sila lumabas ni Mark. “Alam mo na kung anong gagawin mo, Dillan.” Tumango si Dillan sa sinabi ng guro nila, kaya hindi niya na inabala ang dalawa. Dapat kasi ay sabay silang uuwi ni Mark pero sa ngayon mukhang hindi na muna. Si Dillan na lang ang natira sa kwarto pero matapos niyang ayusin ang gamit niya lumabas na rin siya kaagad sa pangalawang pinto at sinara. Dinalohan na muna ni Mark ang faculty room para kausapin ang mga guro. Pagpasok niya sa kwarto sumunod agad ang huling guro na nagturo sa silid aralan nila at sinalubong naman siya ng apat pang guro na nasa faculty room na, tinigil na muna nila ang trabaho nila at tumayo. Pumunta sa harapan ni Mark ang guro na nakasunod sa kanya para ipaliwanag sa kanya ang lahat kung bakit siya pinapunta sa faculty room pero bago ang lahat kinamusta muna siya ng ibang guro kung ano ang kalagayan niya. “Kumakain ka pa ba?” Lumapit ang babaeng guro at hinawakan ang kamay niya pagkatapos siyang tanungin. Hindi naman siya pumalag at hinayaan niya lang ang babaeng guro pero nagsalita naman kaagad ang lalaking guro na nag-imbita sa kanya sa faculty room. “Sige na at sabihin na natin kay Mark ang kailangan natin sabihin sa kanya.” Binitawan siya ng babaeng guro at pumunta sa harapan niya katulad ng ginawa ng gurong lalake na inaya siya sa faculty room. “Gusto lang namin sabihin sa ‘yo na nandito kami kung kailangan mo ng tulong at karamay dahil alam namin lahat ang pakiramdam ng pinagdadaanan mo ngayon.” Walang binibigay na reaksyon si Mark sa kanila pero tinuloy pa rin nilang kausapin si Mark hanggang sila mismo ang magsawa kay Mark dahil puro tango lang ito at iling sa mga sinasabi nila. Hindi nito sinasabi ang nararamdaman niya pero maliwanag naman sa kanilang mga guro na hindi pa handa si Mark sabihin ang nararamdaman niya pero kahit na ganun ay mabuti pa rin na sinubukan nilang kausapin si Mark bago pauuwiin. Paglabas niya ng faculty room ay wala ng mga estudyante sa buong paaralan pero may mga janitor pa rin na naglilinis kasama ng mga guro na hindi pa umaalis sa paaralan dahil may tinatapos pa. Hindi naman naging abala ang mga ito kay Mark para kuhain niya ang itim na libro sa lagayan niya ng sapatos bago siya lumabas ng gusali. Nilibas niya muna ang pang labas na sapatos bago niya hubadin ang pang loob na sapatos. Pagkasuot niya ng pang labas ng sapatos ay binalik niya na ang pang loob na sapatos at sabay kuha ng itim na libro na nasa gilid lang. Pagsara niya ng lalagyan ng sapatos ay lumabas na siya ng gusali. Walang dahilan ng pagmamadali dahil wala naman ng mga estudyante, normal lang siyang naglakad hanggang sa makalabas na sa gate ng paaralan. Pag-uwi niya ng bahay wala siyang ibang ginawa kung hindi basahin at basahin lang ang libro hanggang sa matapos niya na naman ang kalahati nito kung saan ito ang pahina ng dalawang halimaw na nakita niya sa likod ng magulang niya. Nilagpasan niya ito at iniwan muna ang libro sa kwarto niya para maghanap ng pagkain sa kusina pero pagtingin niya ng ref walang ibang nakalagay loob kung hindi tubig. Ininom niya ang tubig hanggang mangalahati ang laman nito pero hindi ‘yon sapat para mabusog siya. Lumabas siya ng bahay niya para bumili ng pagkain pero hindi niya dinala ang libro. Pumunta siya sa pinakamalapit na convenience store sa kanila, walang gaanong tao na dumadaan sa paligid dahil medyo tago ang convenience store. Namili siya ng pwedeng niyang makain ngayon sa loob ng convenience store para pag-uwi niya matutulog na lang siya mag babasa na lang ulit. Ang napili niya ay wala ng iba kung hindi cup noodles. Binayaran niya ito at nilagyan ng mainit na tubig tsaka pumwesto sa lamesa na nasa labas ng convenience store pero habang nasa labas siya at nag-iintay na maluto ang noodles may umupo sa harapang upuan niya. Tiningnan niya ang mukha nito at ito ang abugado na kinuha ng magulang niya para sa ari-arian nila. “Mr.Mark.” Tumayo si Mark at yumuko sa lalakeng abogado habang ganun din naman ang ginawa sa kanya ng lalakeng abogado. “Mr.Lawrence.” Nabigla si Mark dahil ngayon niya na lang ulit nakita si Mr.Lawrence, pitong taon na gulang pa siya nung huli niyang nakita si Mr.Lawrence. “Bakit po, kayo na parito?” Tumingin muna si Mr.Lawrence sa paligid pati na sa pagkain ni Mark na parang iniiwasan na sagutin ang tanong ni Mark pero tumingin naman din ulit si Mr.Lawrence sa kanya at tsaka ito nag salita. “Noodles lang ba talaga ang kakainin mo?” Bago tumango si Mark ay tumingin muna siya sa hinihintay niyang cup noodles dahil tinuro ito ni Mr.Lawrence. “Halika at ililibre kita.” Lumapit si Mr.Lawrence kay Mark at inaya itong pumunta sa maayos na kainan kung saan mabubusog talaga siya. Hindi naman tumanggi si Mark dahil alam niyang sobrang gutom na rin siya, nakuha niya na ngang iwanan ang cup noodles na nakatakip sa lamesa dahil hindi niya na ito kailangan na kainin pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD