CHAPTER 5

1125 Words
Pagpasok niya sa kwarto agad siyang umupo sa upuan niya at naghanap ng tela para ipang punas sa nag dudugo niyang noo pero wala siyang mahanap na tela hanggang may tumapat sa kanya na kamay at may hawak itong panyo. Tiningnan niya ito at inangat niya ang ulo niya ng hindi natatanggal ang suot niyang hoodie. Nakita niya ang lalaki niyang kaibigan na si Dillan at pilit na inaabot sa kanya ang hawak nitong panyo, kaya wala siyang magawa kung hindi tanggapin ito dahil wala rin naman siyang ipapang punas sa noo niya. “Alam ko hindi ka pa maayos pero hayaan mong tulungan ka namin ng mga kaibigan mo.” Umupo si Dillan pagkasabi niya ng mga salitang ‘yon dahil pumasok na rin sa kwarto ang guro nila pero bago pa mag-umpisa ang klase ay inabot ni Dillan ang balikat ni Mark, kaya napalingon rin si Mark sa kanya habang pinupunasan ang noo. Nginitian siya ni Dillan at hindi siya binigyan ng nakakaawang tingin katulad ng ibang tao pero kahit na ganun ang binigay na bati sa kanya ni Dillan hindi pa rin iyon sapat para mapangiti si Mark katulad ng dati. Alam naman din naman ni Dillan na hindi agad babalik si Mark sa dati, kaya binigay niya muna ngayon ang araw na ito kay Mark. Nagsalita na ang president nila sa klase at kasunod non ang sabay nilang pagbati dito pero maliban lang kay Mark. Nakita ng guro nila sa bandang gitna ng kwarto na may nakasuot pa rin na hoodie habang nasa loob ng kwarto pero agad namang nalaman ng guro nila na si Mark ang tao na ito. Hinayaan rin ng guro nila si Mark na kumilos sa gusto niyang ikilos sa klase dahil may tiwala sila kay Mark na nakikinig pa rin ito kahit pa parang hindi ito nakikinig. Hindi kasi nila makita ang mukha nito at minsan sa mukha talaga sila nakabase kung nakikinig ba talaga ang tao pero hindi ganun si Mark, lalo na ngayon na may dinarama siya. Nag-umpisa na ang guro na magsalita sa buong klase habang si Mark lang ang parang nasasakupan ng kadiliman sa loob ng kwarto dahil sa suot nito pero dahil may respeto ang buong klase pati na ang guro nila ay hinayaan lang nila si Mark at umasta na normal ang araw para sa kanilang lahat hanggang sa dumaan ang iba pang mga klase at oras na para kumain. Walang baon si Mark na pagkain, hindi katulad dati na hinahainan siya ng kanyang ina bago siya pumasok sa paaralan at dahil don wala na siyang rason para manatili sa kwarto nila at doon kumain. Sinundan siya ni Dillan pababa ng gusali si Mark dahil imbis na papunta ito ng canteen para kumain ay papunta ito ngayon sa labasan at pasukan ng mga estudyante kung saan niya tinago ang itim na libro pero bago pa makapunta si Mark don para kunin ang libro agad na siyang nilapitan ni Dillan para kausapin. Inakbayan siya ni Dillan at tinanong. “Hindi ka ba kakain?” Umiling si Mark at tinanggal ang pagkakaakbay ni Dillan sa kanya. Napahinto si Dillan habang si Mark naman ay tuloy lang sa kanyang paglakad hanggang sa makarating si Mark sa lagayan niya ng sapatos. Pagbukas niya lalagyan at bago niya kunin ang libro tumingin muna siya sa paligid kung may ibang tao ba na makakakita sa libro niya dahil kaya niya inilagay ang libro na itim sa lagayan ng sapatos niya at hindi sa lalagyan ng gamit niya sa kwarto nila sa itaas ay dahil baka mapagkainteresan ng ibang estudyante at kunin sa kanya ito pero ang hindi niya alam nakasunod pa rin si Dillan sa kanya, nagtatago lang ito para hindi siya makita ni Mark. Nakita ni Mark ang libro itim na kinuha ni Mark sa lagayan ng sapatos nito pero mabilis na tinago ni Mark ang libro sa loob ng suot niyang jacket at tumakbo, kaya hindi na sinundan ni Dillan si Mark para alamin kung ano ang libro na ‘yon. Dahil kapag sinundan niya pa si Mark at inalam kung ano iyon mawawalan siya ng oras ng kain at matutulad siya kay Mark na walang kain. Ayaw ni Dillan ng ganun dahil mahihirapan siya sa susunod nilang klase, kaya pumunta na siya sa canteen para bumili ng pagkain at sa kabilang banda naman ay nagtago si Mark sa lalagyan ng mga panglinis para hindi siya madaling makita ng kung sino. Nabasa niya naman na ang lahat ng nasa libro bago pa mag pasukan ulit pero inuulit at inuulit niya pa rin ang pagbabasa dahil baka may nakatagong mensahe sa bawat pahina. Bago niya pa matapos ang pagbabasa sa buong libro ay tumunog na ang kampana ng paaralan para tawagin ang mga estudyante na bumalik na sa mga kanilang silid aralan dahil mag-uumpisa na ang susunod nilang klase. Lumabas na siya sa pinag taguan niya at dumiretso na ulit sa lagayan niya ng sapatos para ibalik ang libro. May mga estudyante pa rin naman na nasa labas dahil pabalik pa lang rin sila sa kanikanilang kwarto. Pagbalik niya sa klase ay tahimik siyang umupo sa upuan niya at kasabay niyang pumasok ang guro nila pero magkaiba sila ng pintuan na pinasukan. Sa likod na pintuan siya pumasok at sa harapang pintuan naman pumasok ang guro niya. Binati ulit ng mga estudyante ang guro sa kanilang harapan maliban kay Mark dahil umupo lang siya kaagad. Mababait naman ang mga guro sa paaralan na pinasukan ni Mark at lahat sila at naiintindihan ang pinag dadaanan ni Mark, kaya lahat din sila ay hindi sinasaway ang kabastusan na ginagawa ni Mark dahil hindi siya sumasama sa pagbati. Sapat na rin kasi ang rason na namatayan siya at may posibilidad talaga na mag bago ang ugali niya sa mga susunod na araw, linggo o buwan. Matapos batiin ng mga estudyante ang guro nila ngayon hindi kaagad umupo si Dillan na katabi lang ni Mark dahil lumapit ito ng konti kay Mark para tanungin. “Saan ka ba nanggaling kanina?” Lumapit pa si Dillan ng konti kay Mark “Ililibre pa naman sana kita.” Maya-maya pa ay nakita si Dillan ng guro sa harapan dahil kapansin pansin ang paglapit niya kay Mark. “Dillan?” Napatingin kaagad si Dillan sa harapan at nakita niyang nakatingin sa kanya ang guro nila habang nakaturo ang hintuturo at hinahawi ito pakanan, kaya binalik niya rin sa ayos ang pwesto ng upuan niya pero matapos maayos ni Dillan ang pwesto ng upuan niya ay narinig niyang nagsalita si Mark sa kanya pero hindi na siya lumingon kay Mark. Ngumiti na lang siya dahil narinig niya na ulit ang boses ng kaibigan niya. “Salamat Dillan pero hindi talaga ako nagugutom.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD