Pag bukas niya ng libro sa makalat na kwarto ng magulang niya ay parang may itim na mahikang bumalot sa librong hawak niya. Nabitawan niya ito at bumagsak sa lapag ng nakabukas ang pahina. Natakot na siyang hawakan pa ito ulit pero dahil nakabukas ang pahina nito ay nakuha niyang basahin ang nakasulat sa magkabilang pahina. Nakita niya ang guhit ng kanyang ina kasama ng sulat kamay ng kanyang ama. Magaling sa pagguhit ng imahe ang kanyang ina habang sa sulat kamay naman ang kanyang ama. Nang makita ng malinaw ang imahe ng dalawang halimaw sa magkabilang pahina ng libro ay bigla na lang ulit siyang nakaramdam ng takot sa katawan, kaya napaatras siya ng konti sa libro.
Parang nauubusan nanaman siya ng hangin sa paghinga niya dahil sa takot, pinawisan din siya kaagad habang minamata ang libro pero hindi niya rin na tiis kung ano ang sinulat ng kanyang ama tungkol sa dalawang halimaw. Ang halimaw kasi na nakita niyang nakaguhit sa libro ay ang halimaw din na nakita niya sa likod ng kanyang ama’t ina nung sinundo siya sa labas ng paaralan niya. Mahinay siyang lumapit ulit sa libro at diretso kaagad ang tingin sa sulat kamay ng kanyang ama. Nakasulat dito kung ano ang pwede mong malaman sa halimaw na ito, maliban lang sa isang bagay. Hindi nakasulat sa ibaba kung gaano kalakas ang dalawang halimaw.
Matapos niyang mabasa ang tungkol sa dalawang halimaw hindi niya namalayan na hawak niya na pala ang libro dahil na intriga rin siya sa pagbasa pero hindi niya na magawang tingnan kung ano ang itsura ng halimaw. Isa rin sa dahilan kung bakit hindi niya napansin na hawak niya na ang libro ay dahil hindi niya na naramdaman ang itim na mahika nung unang bukas niya sa libro. Nilipat niya ang mga pahina sa pinaka una para umpisahan itong basahin. Ginugol niya ang lahat ng oras niya sa pagbabasa ng librong binigay sa kanya ng kanyang magulang hanggang matapos niya na ito at mag pasukan na ulit sa paaralan nila, kaya kailangan niya ng bumalik sa paaralan bilang isang senior high.
Hindi siya matalino at hindi rin siya mang-mang na estudyante sa paaralan, nasa gitna siya ng mga ito pero simula ngayon mas masipag na siya kaysa dati. Pagpasok niya sa gate ng paaralan ay para siyang artista sa mga estudyante dahil hindi maalis ang tingin sa kanya ng mga ito. Ang iba ay nakangisi at ang iba naman ay malungkot para sa kanya pero kahit na ganun hindi niya naman ito nakikita dahil sa suot niyang hoodie. Nakatakip ng tela ang ulo niya habang ang dilim naman ang tumatakip sa mukha niya, hindi siya malapitan ng kung sino kahit pa ang mga kaibigan niya. Diretso lang ang tingin niya hanggang sa makapasok sa isa sa mga gusali ng paaralan.
Nilagay niya muna ang librong itim sa loob ng lagayan niya ng sapatos kasabay ng pag palit niya ng suot na sapatos bago siya tuluyang pumasok sa gusali ng paaralan. Pagsara niya dito, tumingin muna siya sa paligin ng hindi nililingon ang ulo niya. Ang maingay na paligid ay bigla na lang tumahimik sa isang saglit lang. Hindi siya makagalaw sa harapan ng lalagyan ng gamit niya dahil mas nararamdaman niya na ngayon ang mga tingin ng mga estudyante sa kanya. Hinampas niya kaagad ang sariling noo sa pintuan ng lalagyan niya ng sapatos para magising. Na hubad ang hoodie sa ulo niya dahil sa bwelo ng ulo niya para maihampas ito ng malakas sa bakal na pintuan.
Ayaw niyang indahin ang sakit sa noo niya, kaya pinikit niya na lang ang mata niya at umisip ng iba kasabay ng malalim na paghinga. Matapos niyang maramdaman na nagagalaw niya na ang paa niya agad siyang tumalikod sa lalagyan ng sapatos habang nakayuko para hindi niya makita ang mga mukha ng estudyante pero hindi siya makadiretso sa paglalakad dahil may nakaharang sa harapan niya. Naalala niya ang itsura ng sapatos pati na ang hugis ng paa nito kung sino ang babaeng nakaharang sa dadaanan niya. Agad niyang inaangat ang ulo niya para makita kung ito ba talaga ang taong iniisip niya.
Nakita niya ang isang magandang babae sa harapan niya at nagkasalubong pa ang mata nila pero imbis na matuwa siya dahil ito ang gusto niyang babae ay bigla siyang nakaramdam ng inis dahil nakita niya sa mata ng babae ang awang binibigay nito sa kanya habang nakataas ang isang kamay na may hawak na puting panyo. Na patingin siya sa hawak nitong panyo hanggang maramdaman niya na may tumutulo na pala sa kanyang noo, napahawak siya kaagad dito. Alam niyang dugo ito ng makapa niya pa lang pero tiningnan niya pa rin sa kamay niya. Pagkakita niya napansin niya na hindi pala nakasuot ang hoodie niya, kaya kinapa niya ang ulo niya at agad na binalik ito sa pagsuot.
Iniwasan niya ang kamay ng babae na pupunasan sana ang dugo sa kanyang noo. Binilisan niya ang lakad niya papalayo sa mga estudyante, lalong lalo na sa babaeng gusto niya. Kahit ayaw niyang iwasan ang babaeng gusto niya ay nagawa niya pa rin dahil sa binigay nitong tingin sa kanya. Komplikado man ang pag-uugali niya ngayon pero mas maiintindihan mo naman siya sa kalagayan niya kung nangyari rin sayo ang nangyari sa kanya dahil ang awa na binibigay sa kanya ng ibang tao ngayon ay nakakapag paalala lang sa kanya ng buong pangyayari kung paano namatay ang kanyang magulang at hindi maganda ang ganung pangyayari sa kanya dahil maski ang sarili niya ay hindi pa rin matanggap na ganun ang nangyari sa magulang niya.
Ang isa niya pang hindi niya matanggap sa pagkamatay ng magulang niya ay hindi niya alam kung ano ang dahilan kung bakit sila namatay. Bukod kasi sa sinabi ng doctor kung ano ang dahilan ng ikinamatay ng magulang niya ay meron pa siyang ibang pinapaniwalaan kung bakit namatay ang magulang niya at iyon ang dalawang halimaw na nakita niya sa likod ng magulang niya ang hindi niya lang alam ay kung saan ito nanggaling pero sa tulong ng libro na binigay sa kanya ng kanyang ina na ngayon ay nakalagay sa personal na lalagyan niya ng sapatos sa baba, makakatulong ito na malaman niya ang totoong dahilan kung ano talaga ang ikinamatay ng kanyang magulang.