“P-pakinggan mo muna ako.” Hawak niya sa mukha ni Mark. “Huwag mong wawalain ang librong ito at dapat ikaw lang ang nakakaalam sa librong ito, maliwanag?” Baba ni Mrs. Vil ng kamay papunta sa libro at tinapik ito ng isang beses. “Dito mo malalaman ang mga gusto mong malaman, huwag ka rin mag-alala sa amin ng papa mo.” Tingin nila ng sabay kay Mr. Vil. “Magiging maayos lang kami.” Yakap ni Mrs. Vil kay Mark, kaya nabalik ang tingin ni Mark sa kanya.
Gustong magsalita ni Mark pero ayaw niyang putulin ang sasabihin nito dahil baka mapigilan niya lang ang mga dapat na sabihin nito.
“Tapusin mo ng mabuti ang pag-aaral mo,” bilin ni Mrs. Vil kay Mark.
Hindi alam ni Mark na iyon na pala ang huling salita ni Mrs. Vil sa kanya, ni hindi niya man lang nasabi ang gusto niyang sabihin sa dalawa at napaiyak na lang siya bigla nang maramdaman niya na tumulo ang luha ni Mrs. Vil sa braso niya pababa sa kamay niya matapos nitong pumikit.
Araw ng burol nila Mrs. Vil at si Mark lang ang nasa loob ng kwarto kung saan nakaharap siya sa dalawang imahe ng kanyang mga magulang. May mga dumalaw naman sa burol nila Mrs. Vil pero mga kakilala lang ito ni Mark na nakikiramay sa kanya. Hindi na nagtaka si Mark na walang pumunta na kamag-anak ng magulang niya dahil wala rin naman itong nakukwento na kamag-anak nila. Hindi rin sa kanya sinabi kung ano ang dahilan bakit ganoon dahil hindi rin naman din siya nagtanong sa kanila, masaya na kasi siya sa puder ng umampon sa kanya. Oo, alam niyang ampon siya at sinabi sa kanya iyon noong bata pa siya, pero natanggap niya naman ito kaagad kaya walang naging problema.
Dumaan ang ilang araw at araw na ng pagsaboy ng mga abo ni Mr. and Mrs. Vil. Sinaboy ni Mark ang abo sa ilog kung saan palagi silang dinadalang dalawa ng kanyang mama ni Mr. Vil. Wala siyang reaksyon habang sinasaboy ang mga abo sa tubig pero matapos niyang masaboy paisa-isa ang lahat ng abo ay umupo siya tsaka doon umiyak ng todo. Wala siyang kasama ng mga oras na ito dahil minabuti niyang siya lang ang nandito at kahit naman gustuhin niyang may kasama siya ay wala rin. Isang beses lang kasi pumunta ang mga kaklase at teacher na kilala siya.
Binigyan si Mark ng isang linggong hindi pagpasok sa paaralan matapos ang burol para i-recover ang sarili niya sa nangyari. Kalahating taon pa naman bago siya maka-graduate, kaya may oras pa siya habulin ang isang linggo niyang hindi pagpasok pero hindi siya mamarkahang absent.
Tatlong araw ang nakalipas matapos niyang ikalat ang abo ni Mr. and Mrs. Vil ay lumabas na siya sa kwarto niya para pumunta sa kwarto ng mga ito. Binuksan niya ang pinto at dito na makikita ang mga librong naikalat ni Mrs. Vil, nakakalat ito sa buong lapag at may kaunting libro na nakapatong sa kama, may libro rin na natira sa bookshelf na hindi na ikalat pero nakatumba na ito.
Sa gitna ng kama ay nandoon ang libro na ibinilin sa kanya ni Mrs. Vil, matapos kasi niyang umiyak nang umiyak habang nasa tabi niya’t patay na sina Mrs. Vil ay tumayo siya. Inilapag niya muna ang libro sa gilid ni Mrs. Vil at inayos ang higa ng dalawa, nakatapat ang ulo nila sa pintuan habang ang paa naman nila ay nakatapat papasok sa bahay. Sinara niya ang mata ng kanyang ama dahil namatay ito ng dilat. Lumuhod siya sa paanan ng mga ito at nagdasal habang nakaluhod at umiiyak.
Matapos ang isang minutong pagdadasal niya ay tumayo na siya ulit at kinuha ang libro sa gilid ni Mrs. Vil, tulalang pumunta sa telepono na nasa sala at tumawag ng ambulansya para puntahan sina Mrs. Vil. Habang naghihintay naman sa ambulansya na dumating ay dumiretso siya sa kwarto ng mag-asawa at nilapag ang librong hawak-hawak niya sa gitna ng higaan. Hindi niya pinagalaw o pinaayos ang mga nakakalat na libro at dahil wala rin namang dugo ay wala ring nilinis kundi ang katawan lang ni Mr. and Mrs. Vil na nakahilata sa hallway ng kung saan sila sabay namatay.
Ngayong tatlong araw na ang nakalipas matapos ang burol ay nakatitig lang si Mark sa librong binilin sa kanya matapos niyang pumasok sa kwarto, pero maya-maya pa ay nagawa niyang isara ang pinto ng kwarto at umupo sa lapag, sa bandang paahan ng kama. Medyo madilim ang paligid dahil hindi niya binubukas ang mga ilaw sa kisame. Ang mga lamp lang na nakapwesto sa mga gilid ng bahay nila ay ang nakabukas.
Hindi pa rin ginagalaw ni Mark ang libro sa gitna ng higaan, nakasandal lang siya sa dulo ng higaan habang nakatingin sa lapag. Hindi siya makaiyak dahil wala na siyang maiiyak pa, naubos na ang lahat ng luha niya sa mga nakaraang araw. Halos tulala lang siya simula kahapon, hindi niya alam ang gagawin sa sarili niya ngayong wala na ang tumatayong magulang niya. Iniisip niya habang nakaupo kung ano na ang mangyayari sa kanya matapos ang isang linggong binigay sa kanya ng eskwelahan na hindi pagpasok.
Habang iniisip ang mga iyon ay bigla niyang naalala ang huling salita na binitawan sa kanya ng mama niya, ang tungkol sa pag-aaral niya. Kahit na paano matapos niyang maalala ang sinabi ng mama niyang iyon ay naging maayos ang isipan niya sa ngayon. Tumayo siya ng kaunti at kinuha ang libro na binilin sa kanya. Inayos niya muna ang mukha niya bago niya ito buksan para malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi ng kanyang tumatayong magulang simula nung nasa labas pa sila ng paaralan hanggang makauwi sila.
Nakakapagtaka rin kasi kung bakit ang dami pang librong nakakalat sa paligid ng kwarto nila bago mahanap ng mama niya ang librong ibibilin sa kanya.
Hindi ba ang ibig sabihin lang noon ay nakatago ang nag-iisang librong ito sa pinakasulok-sulukan ng kwarto nila?
At kung nakatago man talaga iyon...
Bakit nila tinago iyon?