CHAPTER 2

1057 Words
Sa sobrang taranta ni Mr. Vil ay agad itong kumaripas ng takbo para mag-abang ng taxi sa kalsada, habang si Mrs. Vil naman ay tumingin-tingin pa sa paligid at nginingitian ang mga taong tumitingin sa kanila hanggang sa mawalan na rin ito ng pake at bumalik na ang mga ito sa paglalakad.  “Pasensya na anak, pero maaari bang sumunod ka sa amin ng papa mo ng mabilis?” Utos nito habang natataranta. “Ba—"  Putol na sabi ni Mark kung saan tatanungin niya sana kung bakit ito natataranta, kaso sumingit kaagad si Mrs. Vil sa sasabihin niya. “Mamaya na kami magpapaliwanag, wala ng oras.” Lingon ni Mrs. Vil sa likod kung saan nakapagpara na si Mr. Vil ng taxi, kaya mabilis na binalik ni Mrs. Vil ang kanyang tingin kay Mark. Tumango na lang si Mark habang nakaangat ang ulo niya ng kaunti dahil nasa braso pa rin ang focus niya kung saan nakakaramdam ng paso. Tumakbo kaagad si Mrs. Vil papunta sa taxi habang si Mark naman ay nagtataka sa mga nangyayari, kaya binilisan niya lang ang lakad niya hanggang sa malapit na siya sa taxi kung saan nakaabang si Mr. and Mrs. Vil sa pinto ng Taxi. Tiningnan niya ulit ang parte ng braso niya kung saan nakakaramdam ng paso at pagkatapos ay iniangat niya ang ulo niya para tumingin kay Mr. and Mrs. Vil. Napahinto siya sa pwesto niya ng makita niya ang dalawang halimaw sa likod ng kanyang mahal na magulang. Nangatog ang kanyang binti at panga dahil sa takot na nararamdaman niya sa loob. Ang isa na nasa papa niya ay isang malaking cerberus na namumula ang mata habang nasa gilid niya. Kasing laki nito ang isa sa mga building ng paaralan nila habang ang nasa gilid naman ng mama niya ay isang malaki at venomous na ahas, hindi lang iyon dahil tatlo rin ang ulo nito katulad ng cerberus at kasing laki rin niya ang cerberus.  Matutumba sana siya patalikod ng biglang hinawakan ulit siya ni Mrs. Vil pero sa kabilang braso nito. Pagkahawak niya hinatak niya kaagad ito pa harap para hindi matumba at binitawan din kaya kaunting sakit lang ang naramdaman ni Mark pero ganun pa man ay napapikit pa rin siya at napatingin sa kabilang braso niya. Hindi siya umaray sa punto na ito pero kita naman sa mukha niya na ininda niya ito.  "Bilisan na natin anak," madali niyang sabi kahit pa nanginginig na rin siya. "Sa harapan ka umupo." Utos ni Mrs. Vil kay Mark habang nakaturo sa upuan, sa harapan ng kotse. Pagbalik niya ng tingin niya kina Mrs and Mr. Vil ay nawala ang dalawang malalaking halimaw sa gilid ng mga ito pero gulat pa rin siya sa pangyayari. Hindi siya makapagsalita sa nakita niya pero dahil pinagmamadali na rin siya ni Mrs. Vil ay sumakay na ito sa taxi.  Sinabihan agad ni Mrs. Vil kung saan sila bababa at tsaka sinabi rin nitong bilisan mag-drive dahil nagmamadali silang makauwi. Tulala si Mark sa harapan habang sina Mrs. Vil naman ay galaw nang galaw ang paa dahil sa taranta, hindi na rin nila tinatanong si Mark sa mga nangyayari. Alam na kasi nila kung ano ang mga iyon kahit pa hindi nila nakikita, kaya hinihintay na lang nila makauwi sila.  Medyo malapit lang naman ang bahay nila sa paaralan dahil nasa syudad lang ito. nakarating sila matapos ang kinse minutong byahe. Bago pa lumabas ay binayaran na kaagad ni Mrs. Vil ang driver at sabay-sabay ilang lumabas ng taxi. Naunang pumasok si Mr. Vil sa bahay dahil nasa kanya ang susi nito pero huminto rin siya sa pintuan pagkapasok dahil pinauna niya si Mrs. Vil. Huling pumasok si Mark na walang kaalam-alam at naguguluhan sa kinikilos ng kanyang mga magulang. Nilagpasan ni Mark sa hallway ng bahay nila si Mr. Vil dahil nag-stay pa si Mr. Vil sa gilid ng pintuan para siya ang magsara. Sa hindi inaasahang pangyayari habang naglalaglagan ang mga gamit sa kwarto nila Mrs. Vil ay narinig ni Mark ang malakas na kalabog sa likod niya. Hindi niya ito pinansin dahil akala niya ay pintuan lang ito na sinara ng kanyang papa pero maya-maya pa habang nakatayo sa gitna ng hallway ng bahay nila ay tinawag niya ang si Mr. Vil. “Ano ba ang nangyayari sa inyo, pa?” tanong nito habang nakatalikod sa papa niya. Hindi ito sumagot sa tanong ni Mark. “Pa?” tawag niya ulit dito. Hindi ulit ito nagsalita pabalik sa kanya, kaya nagduda na si Mark at tumingin sa likod niya. Doon niya nakita na nakahilata na pala ang kanyang papa habang nakasara ang pinto, siguro ay sumabay ang tunog ng pagkasara ng pinto sa pagbagsak ng kanyang papa. Buhay pa naman ito pero nanghihina at hindi makapagsalita. Umupo siya sa tabi nito at pinatong ang ulo sa hita niya.  “Ma!” tawag niya niya kay Mrs. Vil. Hindi naman siya nag-aalala kay Mrs. Vil dahil sunod-sunod pa rin ang pagbagsak ng libro sa kwarto nila pero dahil nga may nangyayari kay Mr. Vil at wala naman siyang alam sa pinagkikilos nilang mag-asawa eh tinawag lang niya ng tinawag si Mrs. Vil. “Ma, si papa!” sigaw niya habang nakaupo.  “Saglit lang, anak!” sagot naman nito. Maya-maya pa ay tumigil ang pagbagsak ng mga libro sa kwarto ng mag-asawa pero kasunod naman nito ang yapak ni Mrs. Vil kasabay ng pagtalsik ng mga libro sa labas ng kwarto nila dahil natatadyakan habang papalabas siya. Lumabas ng kwarto ang mama niya pero kita sa mukha niya ang matinding hingal, at dahil nga hingal na hingal na ito ay napaupo na talaga sa tabi ni Von habang hinahabol ang hininga.  “Ano ba ang nangyayari?” tanong niya rito habang nakalingon sa mama niya. “A-anak,” ani Mrs. Vil. “Hindi na kami magtatagal ng papa mo.” Abot ni Mrs. Vil kay Mark ng librong hawak-hawak niya. Hawak ni Mark sa libro gamit ang isa niyang kamay dahil ang isa niyang kamay ay nakahawak sa ulo ni Mr. Vil “H-hindi ko po m-maintindihan,” gulong-gulo na sabi ni Mark na medyo naiiyak na. “'Wag niyo naman pong sabihin ‘yan—”  Putol niyang sabi nung magsalita si Mrs. Vil kasabay ng pagtulo ng kanyang luha sa libro na inabot sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD