bc

Blackmailed by the CEO (R-18) (Tagalog)

book_age18+
90.1K
FOLLOW
517.8K
READ
drama
tragedy
sweet
bxg
office/work place
cheating
first love
friendship
lonely
assistant
like
intro-logo
Blurb

I'm making love with my best friend's Fiance, not once, not twice: naging alipin niya ako dahil sa isang maling desisyon na aking nagawa na alam kong makasisira sa reputasyon ko, at pinagsisisihan ko ito.

chap-preview
Free preview
Prologue
Point of view - Stephanie Dwight – Sunod-sunod na ungol ang maririnig sa loob ng malaki at madilim na silid. Halos maubos ang hangin mula sa aming bibig ng lalaking aking kaniig dahil sa palitan ng nag-aalab na halik. Sa bawat paggalaw ng kaniyang katawan ay sabay sa paggalaw ng aking balakang. Ang pagbaling sa kaliwa at kanan ng aking ulo ay hindi ko mapigilan dahil sa sensasyon na aking nararamdaman at sa kasabikan ng maselang bahagi ng aking katawan. Hindi ko alam kung bakit ako nagpadala sa tawag ng laman at sa init ng damdamin na nag-aalab sa aking puso, ang alam ko lang, nakikipagtalik ako sa fiancé ng matalik kong kaibigan. Oo, alam kong mali, alam kong hindi tama. Ngunit anong magagawa ko? sabay kaming natukso ng makamundong pagnanasa. Pabilis nang pabilis ang kaniyang pagkilos sa aking ibabaw, hanggang sa marating namin ang rurok ng pagnanasa. Parehong paguran ang aming hubad na katawan nang ibagsak ito sa malambot at mabangong kama sa isang silid ng mamahaling hotel. Nakatulala lamang ang aking mga mata habang nakatitig sa malayong kisame. "Anong iniisip mo, Steffi?" rinig kong saad ng lalaking kalapit ko. "Blake, mali ito," tugon ko. Ang aking mga luha ay nagsimulang mamuo sa aking mga mata. Biglang bumigat ang damdamin na pumalibot sa aking puso. Ang mga nangyari ngayong gabi ay tila isang konsensya na bumabagabag sa aking isipan. Naramdaman ko ang braso ni Blake na ipinatong niya sa aking tiyan. Maya-maya lamang ay isiniksik niya ang kaniyang ulo sa aking leeg na tila inaamoy niya ito. "Walang mali sa ginawa natin, Steffi. Walang mali na pakawalan natin ang init ng ating katawan," saad niya. Mabilis kong tinayo ang aking likuran at iniupo ang aking sarili upang mas makita ko ang kaniyang mukha. "Paano si Cassie? fiancé mo siya at matalik ko siyang kaibigan." saad ko sa kaniya. Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. Ngunit imbes na tumugon, hinawakan niya ang aking batok at inilapit sa kaniyang mukha, saka siya bumulong sa aking tainga. "Maari ko siyang hiwalayan para sa 'yo." Nanlaki ang aking mata dahil sa kaniyang sinabi. "Hihiwalayan mo siya para sa akin?" gulat kong saad. Ngumiti si Blake sa akin, saka hinawakan ang aking pisngi at siniil ng halik ang aking mga labi. Nanumbalik na naman ang init sa aming katawan at sa pangalawang pagkakataon, muli naming pinagsamahan ang isang mainit na gabi. *** Sumapit ang isang umaga, minulat ko ang aking mga mata at tila ang mga nangyari sa pagitan namin ng lalaking iyon ay isang panaginip na patuloy na bumabagabag sa aking isip at sa aking konsensya. Nagsimula akong bumangon at nagtungo sa shower room. Marahan kong binuksan ang shower at hinayaang dumaloy ang tubig sa aking katawan. Ang mga bakas ng kaniyang labi ay nananatili sa aking balat at sa aking buong kalooban. Ang mahapding pakiramdam sa pagitan ng aking mga hita ay hindi maipagkakailang may nangyari sa pagitan naming dalawa. Nagsimulang lumagaslas ang luha sa aking mga mata. Anong ginawa mo, Steffi? Bakit mo hinayaan ang tawag ng iyong laman? sunod-sunod kong saad sa aking sarili. Matapos akong maglinis ng katawan, agad akong pumunta sa aking silid upang kumuha ng kapirasong papel. Nagsulat ako sa papel na ito at inilagay sa sobre. Hindi ko na kaya, hindi ko na kaya na masaktan pa ang aking kaibigan at ang aking sarili. Mabilis akong nagtungo sa parking lot ng condo at kinuha ang aking sasakyan, saka tuluyang nagmaneho patungo sa gusali na aking pinagtatrabahuhan. Nang ako ay makarating sa gusali ng Bright Corporation na pagmamay-ari ni Blake Robinson, agad akong nagtungo sa kaniyang opisina. Nilahad sa kaniyang lamesa ang resignation letter na aking daladala. "What do you want to prove?" saad ni Blake sa akin, habang siya ay nakaupo sa isang leather swivel chair at nakapalumbaba. "Please, Bake. Kalimutan natin ang nangyari kagabi, hayaan mo sana akong mag-resign sa position ko at tuluyang lumayo sa inyo,” sunod-sunod kong saad. “Hindi kaya ng konsensya ko ang pagtataksil na ginawa ko," nangingilid na luha kong pagpapatuloy. Ngunit isang mala demonyong ngiti lamang ang kaniyang itinugon sa akin. Nakita ko ang pagsandal niya sa headrest ng kaniyang upuan, pinagcross niya ang kaniyang mga binti at pinag-intertwined ang kaniyang mga daliri, saka ibinukas ang kaniyang labi. "Akala mo ba ganoon lamang kadaling takasan ang lahat, Steffi? Akala mo ba na hahayaan kitang umalis sa poder ko?" "Ano'ng ibig mong sabihin?" Nakita ko ang kaniyang kamay na marahan niyang inilagay sa kaniyang bulsa at saka inilabas ang isang cell phone. Kumunot ang aking noo at halohalo ang katanungang tumatakbo sa aking isipan. Para saan ang bagay na iyon? Hanggang sa marinig ko ang mga ungol galing sa video na kaniyang hawak. Ang pamilyar na boses ng gabi na aming pinagsaluhan. Tila nabuhusan ng malamig na tubig ang aking katawan at tila napako ang aking paa sa aking kinatatayuan. Nakatulala lamang ako sa kaniya habang naririnig ang malaswang tinig galing sa video na iyon. "Ano kaya ang sasabihin ng iyong kabigan kapag nalaman niya ang bagay na ito? at ano kaya ang gagawin ng iyong pamilya? Ano sa tingin mo, Steffi?" sunod-sunod niyang saad. "Bakit mo ito ginagawa, Blake?" Nagsimulang dumaloy ang maaalat na luha sa aking mukha. At simula no’ng araw na iyon, naging alipin niya ako. Hindi lang sa opisina kundi pati na rin sa kama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Son's Father

read
583.0K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.5K
bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
831.5K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.6K
bc

My Husband's Mistress

read
297.6K
bc

A Night With My Professor

read
495.9K
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook