CHAPTER 2

1528 Words
Point of view - Steffi Dwight – Matapos ang mahabang araw sa opisina, naisipan kong tumigil at bumili muna ng dalawang bulaklak sa isang flower shop na aking nadaanan bago ako dumiretso sa aking pupuntahan. Ang isa ay bouquet at ang isa ay isang pirasong puting rosas. Matapos ko itong bayaran, agad na akong sumakay sa aking kotse upang magtungo sa lugar kung nasaan sina mommy at daddy. Nang makarating ako sa ospital ay napangiti ako, wala pa rin itong ipinagbago. Ilang taon na nga ba kami rito? Halos ito na ang naging tahanan namin simula nang ipagamot namin si Mommy. Pumasok ako sa ospital at tinungo ang kwarto ng aking magulang. Sa pagbukas ko pa lang ng pinto ay napangiti na ako. Nakita kong sinusubuan ni daddy si mommy ng lugaw. Nakaupo si mommy sa kaniyang higaan at si daddy naman ay nakaluhod dito upang ito ay maabot niya. Nakatutuwa silang pagmasdan dahil wala pa rin silang pinagbago, mahal pa rin nila ang isa’t isa sa kabila ng nangyari sa aming pamilya — isang mapait na pangyayari dahil lang sa pinili kong umibig. "Oh, anak. Nandiyan ka na pala?" Naputol ang aking iniisip nang magsalita si daddy na ngayo'y nakatingin sa aking direksyon. Pinahiran ko ang kaunting luha na kumawala sa aking mata bago ako nagsimulang maglakad papasok sa silid. "Opo, daddy. Paumanhin kung ngayon lang ako, ngayon lang po kasi natapos ang trabaho dahil sa dami ng utos ng boss ko." "hindi ba masyado ka nang pinahihirapan ng boss mo, anak?" Lumapit ako sa isang vase na nakalagay sa lamesa ni mommy at inayos ang binili kong bouquet ng bulaklak. "Hindi naman po, daddy. Medyo sanay na rin po ako." Mapait akong ngumiti habang nakatalikod sa kanila. Pinahihirapan, sa anong paraan? sambit ko sa aking sarili. "Anak, kumain ka na ba?" Napatingin ako kay daddy nang muli siyang magsalita. "Hindi pa nga po, dad." Saka ako ngumiti at humarap. Sabay-sabay kaming kumain sa ospital. Si mommy, kahit pa paano ay ngumingiti na siya, nagkakaroon na ng liwanag ang mukha niya. Naalala ko pa ‘yong unang araw na hinatid namin siya rito ni Cassie, halos hindi namin siya ma-control sa pagwawala dahil sa traumang naranasan niya noong mga panahong iyon. Tiningnan ko si mommy na ngayo'y nakangiti kay daddy. Napangiti ako dahil unti-unti nang naaayos muli ang aking pamilya. Salamat sa tulong ng aking kaibigang si Cassie. Ano kayang sasabihin ng kaibigan mo kapag nakita niya ang video na ito? Biglang nanlaki ang aking mata sa isang madilim na alaala na sumagi sa aking isip. Hindi ko namalayang naibagsak ko pala ang hawak kong mangkok at agad itong nabasag. "Ayos ka lang ba, anak?" tanong ng aking ama. "A-Ayos lang po ako, daddy. Kukuha lang po ako ng walis." Agad akong tumayo at tumungo sa washroom at doon ay naghilamos. Sabay sa agos ng tubig sa aking mukha ang agos ng aking mga luha. Bakit kung kailan abot ko na ang lahat, abot ko na ang kasiyahang matagal ko nang pinapangarap, ngayon pa ito nangyari? Ano ba ang aking nagawa at pinahihirapan ako nang ganito? Unti-unti akong napaupo sa sahig at binalot ang aking sarili, niyakap ko ang aking tuhod at tahimik na umiyak. *** Matapos akong magtago at ibuhos ang aking mga luha sa washroom. Naisipan ko na ring bumalik sa kwarto ni mommy. "Oo nga pala, anak. Kanino ang bulaklak na iyon?" saad ni daddy, saka niya itinuro ang bulaklak na binili ko kanina. "Ah, iyon po ba? para po sa importanteng tao sa buhay ko." "Umiibig ka naba ulit, anak?" "Naku, daddy! Hindi po." Napatingin ako sa orasan at malapit na pa lang maggabi. Kailangan ko nang makapunta sa lugar na iyon bago pa ako abutin ng dilim. "D-Daddy, kailangan ko na pong umalis at may dadaanan pa po pala ako," saad ko. "Ah sige, anak. Mag-iingat ka, ha?” "Opo," tugon ko, sabay iwan ng matamis na halik sa pisngi ni daddy. Ganoon din ang aking ginawa kay mommy. Mabilis akong lumabas ng ospital at sumakay sa kotse. Sinimulan ko mag-drive papunta sa lugar kung saan naiwan ang kabiyak ng aking puso. Nang marating ko na iyon, kinuha ko ang bulaklak at dahan-dahang naglakad patungo sa isang parisukat na bato na may nakaukit na Raymond Bright. "Long time no see, babe. Sorry ngayon lang ulit ako bumisita." Dahan-dahan akong umupo at inilapag ang bulaklak na dala ko sa puntod ng taong pinakamamahal ko. Hinawakan ko ang kaniyang lapida at inalis nang kaunti ang mga buhangin na nakatakip dito gamit ang aking kamay. Mahigit dalawang taon na rin. Mahigit dalawang taon na rin tayong magkahiwalay. Sana sa mga oras na ito, kung nasaan ka man, sana napatawad mo na ako, sana maintindihan mo kung bakit ko nagawang makipaghiwalay sa iyo sa mga panahon na iyon. Unti-unti na namang tumatakas ang mga maaalat na tubig sa aking mga mata nang maalala ko ang masasaya naming nakaraan. Si Raymond Bright, siya ang kaisa-isang taong nagpatibok ng aking puso. Siya ang taong nangako sa akin ng salitang habambuhay. Ngunit kinailangan kong sumuko. Kailangan kong kalimutan ang aming sinumpaan. Wala pang isang taon ang aming pagsasama noong mga panahon na iyon, ngunit alam kong ayaw ng kanyang pamilya sa akin. Hindi ko iyon pinansin at pinilit kong ipaglaban ang pagmamahalan namin dalawa. Ngunit hindi ko akalain na higit pa pala sa isang demonyo ang kaniyang pamilya. Sa kagustuhan nila kaming paghiwalayin, gumawa sila ng paraan upang ma-blackmail si ang aking ama at makulong siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Dahil sa lahat ng nangyari sa aking pamilya at dahil sa mahinang kalooban ng aking ina, isang matinding trauma ang kanyang naranasan. Nilamon siya ng depression at muntikang masiraan ng bait. Kaya sa lahat ng nangyari sa pamilya ko, wala akong nagawa kundi gawin ang desisyon na hindi ko gusto. Pinili kong makipaghiwalay sa ’yo. Pinili kong iligtas ang pamilya ko. Patawad, Raymond. Pero wala na akong ibang nakikitang solusyon sa mga oras na iyon. Napakuyom ang aking kamay at agad na pinahid ang aking luha, saka tiningnan ulit ang lapida nya. Pero bakit? Bakit mo ginawa ang bagay na ‘yon? Hanggang ngayon sariwa pa rin sa aking alaala ang ating mga nakaraan. Sariwa pa rin sa aking puso ang ating pagmamahalan. Pero bakit napili mong kitlin ang iyong buhay? Bakit napili mong magpakamatay? Sunod-sunod ang daloy ng luha sa aking mata at agad ko itong tinakpan. Ngunit kahit na nakatakip ang aking kamay sa mga ito, nakatatakas pa rin ang ilang butil ng tubig sa pagitan ng aking mga daliri. Hindi ko na alam kung anong oras na ako natapos sa pag-iyak sa harapan ng kanyang puntod. Ngunit sa lugar lang na ito ako napapanatag. Sa tabi nya lang ako nakahihinga nang maluwag. *** Point of view -Blake Robinson – "Sir Blake, ano po ba ang balak nyong gawin sa bulaklak na binili natin kanina?" dinig kong sabi ng aking personal driver. "Itapon mo na lang iyan, nawalan na ko ng ganang ibigay ang bulaklak na yan sa puntod ng aking kapatid." "Sige po, sir" "Umalis na tayo" "Opo." Nag-umpisa na siyang magmaneho palayo sa sementeryo. Muli kong tinanaw ang babaeng iyon na nakaupo at umiiyak sa gilid ng puntod ng aking kapatid. "Huwag kang magpanggap na inosente, Stephanie. Dahil ikaw ang kumitil sa buhay ng taong binibisita mo. At simula sa araw na ito, gagawin kong miserable ang buhay mo." *** Point of view - Steffi Dwight – Tiningnan ko ang aking mukha sa salamin at nakita ko ang aking namumugtong na mata. "Hay… Steffi. Tama na, mahigit dalawang taon na rin ang lumipas." Hindi ko na napansin ang oras nang makauwi ako galing sa puntod ni Raymond, nakarating na ako sa aking condo at nagpasyang magpahinga muna, "Nakakapagod ang araw na ‘to," nasambit ko habang nakasalampak ang aking katawan sa isang gutson. Ipinahinga ko muna ang aking katawan bago ko naisipan maligo. "Refreshing talaga ang maligo bago matulog." Bago ako pumasok sa aking silid bigla akong nakarinig ng isang doorbell, hindi lang pala isa, marami pa: isa, dalawa, tatlo, at sunod-sunod na pindot. "Sandali lang! grabe naman itong taong to kung maka-doorbell," pagsigaw ko. Nakalimutan ko nang silipin mula sa peeping hole kung sino ang taong kumakatok at agad ko itong binuksan. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang taong walang tigil sa pagpindot ng doorbell. "B-Blake, anong ginagawa mo dito?" Nakahawak siya sa pintuan at kitang-kita ko ang namumula niyang mukha at ang amoy niyang naghahatid ng amoy ng alcohol. "May I come in?" saad niya. Pati ang amoy ng kaniyang hininga ay may hatid ng amoy ng alak, ilang bote ba ang nainom nya? hindi ako nakaimik sa kaniyang sinabi, hanggang sa magsalita siyang muli. "May… I... Come... In... You?" Nagulat na lang ako nang bigla siyang nagbigay ng malademonyong ngiti at agad na pumasok sa aking Condo. Hinawakan niya ako sa tiyan at agad na binuhat gamit ang kaniyang balikat. "Ibaba mo ako!" Walang silbe kahit pagsusuntukin ko pa ang kanyang likod. At sa mga oras na ito, alam na alam ko na ang gusto niyang mangyari sa aming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD