Chapter 4 Eroplano

1048 Words
Chapter 4 Eroplano 'Ay naku! Anong klaseng patakbo ba itong ginagawa mo? Paano pa ako makauwing pinas nito. Eh parang biyaheng impiyerno naman ang takbo nitong sasakyan' reklamo at pabulong- bulong na nagsasalita si Danish. Naiinis na kasi siya sa Pakistani na driver na nagmamanehong tila siyam ang buhay. Nakangiti itong tumingin sa kanya at nagtanong. "Esh kalam?" tanong sa kanya. Natatawa na lang si Babah dahil bahagya na itong nakakaunawa sa salitang Tagalog. Nakailang balik na rin itong nagbakasyon sa pinas sa loob lang ng dalawang taon. "Ana kalam intah kweyesh," pairap na sagot ni Danish." "Aiwa, ana kweyesh marah." Oo magaling talaga ako, sobra. Iyan ang ibig sabihin ng isinagot sa kanya ng pakistani. Lalo pa itong nang-iinis nang sinagot niya na sinabihan magaling. Akala siguro natuwa siya sa pagmamaneho. "Ana ma ebaga mot hina, Saudi ya Ahmad sawi sweya sweya besh," pakiusap niyang sabi." Nakiusap na si Danish na medyo bagalan naman ng konti dahil ayaw niya pang mamatay sa Saudi. Mabuti na lang hindi na humirit pang magsalita ang nakakunot-noong pakistani. Inaayos na ni Danish ang kanyang suot na abaya. Sa wakas nakarating na rin sila sa paliparan. Lumuwag na ng husto ang pakiramdam ni Danish. Sasakay na rin siya ng eroplano ibig sabihin ilang oras na lang "Hello Philippines" na siya.. Komportable niyang inaayos ang kanyang hand carry. Nasa business seat ang kanyang upuan. Domestic flight pa lang ang eroplano kanyang sinasakyan. Sarap sa kanyang pakiramdam noong ito ay nasa run way na. Umaangat na nga ito ngunit huminto at biglang may ina-anunsiyo. Hindi na niya gaano naiintindihan basta ang alam niya lumapag uli at nag-emergency landing uli ito. Naiinis man siya pero alam niyang may dahilan. Biglang nag sandstorm at bumuhos ang màlakas na ulan. Hindi rin naman nagtagal umangat uli ang eroplano at handa na uli sa paglipad. Halos napapaiyak si Danish sa sobrang sakit ng kanyang tainga. Ramdan na ramdan niya ang pressure na tila bumarena sa kaloob-looban ng kanyang tainga. 'Oh s**t mga piloto kayo eroplano ito, hindi rocketship' inis na inis niyang bulong sa sarili. Napatingin na lang si Danish sa mapa na dinaanan. At napansin niya ang guhit ng pag-angat ng eroplano halos naka vertical line na. 'Jusmeo, ano ba ito kanina sa kotse para akong nakasakay sa eroplano halos hindi na sumayad ang gulong. Ngayong andito ako sa eroplano para rin akong nakasakay sa rocketship' Nagsasalitang mag-isa si Danish sa kanyang pagkakainis. Kung nasa jeep lang siya ng Pilipinas malamang sumigaw na siya ng "para" bababa na lang ako. Kitang-kita niya ang pwesto ng mga piloto. Palestinian at tila British National ang isa. Lalo na yong paglapag naman parang lalabas na rin ang kanyang lamang loob. 'Yay! nagmamadali kaya itong mga piloto na ito. May lakad ba sila!" Inis na inis na naman siyang nagsasalitang mag-isa. Kumalma na lang ang loob niya noong mag anunsiyo na nga na nakalapag na. 'Thank You, Lord!' kampanteng sabi sa sarili. Huling nilingon niya at sinulyapan ang pwesto ng mga piloto. Nakita niya pa ang guwapong ngiti noong isa, hula niya isa itong Bristish. 'Ay naku guwapo ka sana, pero nakakainis ka' Nasa shuttle bus na siya papunta sa departure sa airways ng airplane. Sa flight pauwing Pilipinas. Direct flight na rin ang plane ticket na kinuha ni Babah at business class pa ito. ''Ilang oras pa ay nasa pinas na ako' Maiksi at matamtim siyang nanalangin para sa kanilang paglipad. Alam niya na ang kanyang gagawin matutulog siya para ilang oras lang ang kanyang maramdaman sa ere. Mabuti naman nakatulog nga siya ng mahimbing. Dahil din siguro sa stressed doon sa bilis ng kotse at sa unang domestic flight. Ilang oras na lang lalapag na ang kanyang airplane na sinasakyan sa NAIA. Unti-unti ng inaayos ni Danish ang kanyang mga gamit. Pati na rin ang lock ng kanyang hand carry na bag. 'Hello Manila' natutuwang bulong niya sa sarili. Narinig na ni Danish ang paalala ng flight attendant. Walang kasing saya ang kanyang naramdaman. "Ladies and gentlemen, we have just been cleared to land at the NAIA airport. Please make sure one last time your seat belt is securely unfastened." Ilang minuto lang din ay nagtayuan ang mga pasahero na pumalakpak dahil sa napakatiwasay na pag landing. Hindi pa man din iyon ang huling airplane tuwang-tuwang na si Danish. Basta masaya siyang amoy na amoy na niya ang buong Pilipinas. May isang domestic flight pa siyang sasakyan para sa kanilang probinsiya. Ilang oras muna niyang hintayin ang kanyang connecting flight. "Hello Ken! Nandito na ako sa airport ng Manila." Masayang niyang ibinalita sa bunsong kapatid ang kanyang paglapag sa NAIA. Pinaalalahanan na rin ang kapatid sa pagsundo sa kanya airport ng domestic sa kanilang lugar. Abalang abala ang lahat sa kanila ng siya ay dumating. Walang ipinagbago ang kanilang lugar. Tahimik at matiwasay ang paligid tulad ng dati. Naisip na niya ang panibagong pagkakakitaan. "Ma, si Tiyo Benito ba ay umuuwi pa dito sa lugar natin?" tanong niya sa ina. "Oo naman, paminsan minsan siya ay nagbabakasyon dito sa atin kasama ang kanyang binatang anak," "Ah mabuti kung ganun." "Bakit mo naman natanong anak?" "Kasi ma, itanong ko sana sa kanya kung ano ang pwede kung mapasukan doon sa Manila." Nag-aalala na si Danish kung siya ay magtatagal na walang trabaho. Ang kanyang pinag-aaral na si Ken ay malapit ng magtapos sa kolehiyo. At ang kanyang ama na maysakit.. Pamilya ang inuunang isipin ni Danish kaysa sa sariling kapakanan. "Ano naman ang mapapasukan mo doon sa kanya? Eh di ba nga Bus Lines ang kompanyang pinapasukan ng Tiyo Benito mo. Saka anak magpahinga ka muna, pagod ka pa sa biyahe," sagot ni Aling Minerva sa anak. "Kahit driver ng bus o conductress," natatawang sagot niya. "Ay naku anak magturo ka na lang uli kung ganoong trabaho lang ang papasukin mo." Dismayado man si Aling Minerva sa narinig, hindi niya pa rin mapilit ang anak kung ano ang gustong gawin. Alam niyang responsable ito. Maasahan lagi ang mga desisyon. "Ma, joke lang ikaw naman hindi na mabiro. Kahit doon sa opisina nila di ba, pwede naman niya akong ipasok. Hindi na pinapansin ni Danish ang mga kapatid na abalang-abala sa pagkalkal ng kanyang mga pasalubong. May mga pangalan na ang nasa bagahe niya. At iyong iba ay nasa shipping pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD