Chapter 5
Tagpo
Mainit na ang ulo ni Danish habang tinapakan ang preno. Usad pagong kasi ang takbo niya sa kalsada.
'Huu jusmeo! Manila nandito na yata lahat ng tao. Napakasikip, napakatrapik sa kalsada," nayayamot niyang sabi sa sarili.
Pupunta lang siya ng mall upang maglibot pero sa kalsada naman siya sobrang nagtagal. Nawalan na siya ng ganang mamasyal pa. Minamaneho niya ang sasakyang pinahiram sa kanya ng kanyang Tiyo Benito. Naging manager na ito sa Light AirBus Lines. Kumpanya ng mga transport bus biyaheng probinsya.
Sa ice cream shop ng mall siya unang pumasok upang magpalamig.. Sa di kalayuan ng kanyang kinauupuan, naroon ang dalawang mga matang na kanina pa nakatitig sa kanya. Gusto niyang makasiguro kung talaga bang siya ang tinitingnan. Pero wala nga namang ibang tao sa likod niya kaya nasisiguro niya na sa kanya nga nakatingin. May kaguwapuhan ang lalaki, halatang hindi pinoy ang lahi. Binibilisan ni Danish ang pagsubo ng ice cream. Lalabas na siya kaagad pagka siya ay matapos kumain. Pakiramdam niya mauna pa siyang matunaw kaysa ice cream na kinakain niya dahil sa init ng pagkakatitig sa kanya ng binata. Yumuko siya upang maiwasan niyang magtagpo uli ang kanilang paningin. Ngunit na wala na rin kaagad ang binata nang tinanaw niya uli ito
"O nasaan siya?" tanong niya sa sarili.
"So, you are also doing steal glance at me, right?"
Nakangiti itong nasa kanyang likod na pala. Bahagyang nagulat ang dalaga.
"Hi I'm Red and you? May I know your name?"
Kasabay iniabot nito ang kanang kamay. Nanlamig lalo sa pagkakabigla si Danish. Sa guwapo ng kanyang kaharap. Inabot na rin niya ang kanyang kanang kamay at nakipagkilala.
"I'm Danish--"
Ngunit hindi pa man din niya nasabi ang kasunod na sasabihin. Nag ring ang phone ng binata. Mabilis ding bumitaw si Danish dahil alam niyang dudukot pa ang binata sa bulsa upang sagutin ang tawag.
"Do you have f*******: account?" nagmamadali nitong tanong. Or just search mine, Red Louhgty."
Pagkasabi lang ng kanyang pangalan nagmadali ng umalis ang binata.
Umikot lang siya sandali sa dept. store area ng mall. Wala na siyang maisip bilhin. Kaya napagpasiyahan niyang pumuntang bookstore. Baka may magustuhan siyang book. Mahilig magbasa ng stories si Danish. Ito na 'yong pinaka paborito niyang libangan noong siya ay nasa abroad.
"Wow! What a nice story nang nakita niya ang book na hawak.."
Palabas na siya ng parking area. Sa EDSA na naman siya naiinis.. Pumapalatak ang dila ni Danish. Naka Orange ang signal light pilit pang dumiretso ng isang kotse kaya muntik nahagip ang isang matanda na nakaakmang tatawid. Tanaw ito ni Danish sa kanyang kanang bandang salamin. Naroon ang kotseng tinted na muntik pang nakabundol sa matanda.
"Parang siyam naman ang buhay kung magmaneho ito," gigil siyang nagsasalitang mag-isa.
Lalo pa siyang nairita nang bigla nahagip ang side mirror ng kanyang minanehong kotse. Sa may bandang kanan, dahilan na ito ay nabasag
"Oh s**t!" inis na inis niyang sabi.
Sabay tumatakas ang nakasagi sa kanya. Mukha ayaw pang panagutan ang ginawa nitong kasalanan. Ito din 'yong muntik nakabundol sa matanda na kotse. Sa kanyang inis pinilit din ni Danish na mauna sa kalsada. Huminto siya ng may traffic enforcer at sinumbong ang kotseng iyon. Inaabangan nila , tamang-tama dumaan ito sa kanilang harapan. Pinapara na ito ng traffic enforcer.
Nagulat siya na ito din pala ang lalaking nakita niya sa loob ng ice cream shop. Siya si Red Loughty na kanina lang ay kinilig siya sa kagwapuhan. Nadismaya siya sa ugali ng binata. Wala pa itong pakialam sa ibang sasakyan o tao sa kalsada. Porket nakasakay sa magarbong kotse. Hindi na siya nakipagdiskusyon bumalik na lang sa kanyang kotse. Nililingon ang kanyang cellphone na nailapag niya sa front seat. Hinanap niya muna ito dahil narinig niyang nagba- vbrate. Naka silent lang kasi ito.
"Nasaan ka ba hija?" tanong ng kanyang tiyo Benito sa kabilang linya.
"Naiipit pa po ako sa trapik, tiyo," mabilis niyang sagot.
"Dumiretso ka na dito sa opisina daanan mo na ako, masama kasi ang pakiramdam ko."
Bilin ng kanyang tiyo Benito bago ibinaba ang phone. Tamang-tama ikinambyo niya sa kanan ang manibela para sunduin na ang tiyuhin.
'Mas mabuti pa nga siguro para makaiwas sa sobrang trapik'
Mabilis na nakarating si Danish sa opisina ng kanyang tiyuhin.
"Sir Benny, nasa labas na ang iyong pamangkin," bungad ni Josh sa pintuan.
"Papasukin mo na Josh," utos nito sa isa pang clerk.
"Hi, tiyo Benny," bungad niya sa kanyang tiyuhin.
Nakasunod na pala ito kay Josh na pumasok ayon na rin sa sabi ng mga guwardiya.
"Sir Benny! nagkamot sa ulo na pumasok uli si Josh.
May problema na naman itong hatid na balita. May problema po ang isang bus na inaashaan.. Para sa fully book trip na pasaherong uuwing probinsya."
"Madali lang po ang unit na pamalit kaso ang drivers at conductors ang wala, Sir Benny."
Sasakay pa sa ferry boat ang nasabing bus trip. Ito ay biyaheng probinsya na may sakay na ring mga pasahero pag isinakay sa ferry boat.
"Ako pwedeng mag conductress."
Simpleng ngiti ang kasama sa mga turang sabi ni Danish. Kaya niya naman ang ganoong trabaho kung sakaling walamg makuha.
"Ano?"
Halatang nagulat ang kanyang tiyuhin sa kanyang sinabi.
"Hindi nga! Puwede nga ba ako," seryosong inulit pa niya ang tanong.
Napatikhim na lang ang kanyang tiyo Benito. Malay nga ba naman niya kung alam ng kanyang pamangkin ang ga ganoong trabaho.. Siyempre hindi siya papayag sa trabahong gusto pasukin ni Danish.
"Makakahanap pa naman siguro na puwede sa trip na iyan," sabi ng kanyang tiyo Benito.
Nagpaalam na si Danish sa tiyuhin na lumabas muna siya ng opisina. Hinanap niya ang canteen dahil gusto niyang makainom man lang ng malamig habang hinihintay ang tiyuhin.
Bahagyang nainip na sa paghihintay si Danish. Wala na itong ibang maapuhap kalikutin kundi ang cellphone at ang kanyang mga Apps on screen. Nang may napansin siyang ads ng online match making. Nahuli ng kanyang pansin ang isang guy online .
" Name... Username ..Location. Sunod-sunod na nilagyan ni Danish ng kanyang info ang mga naroon sa App. Samakatuwid gumawa na nga siya ng users account sa site. Ayaw naman niyang ibalandra masyado ang mukha kung kaya inedit niya ang kanyang mukha na nasa kanyang gallery at iyon ang nilagay na profile picture. Pinaputi niya pa ang kanyang maputi ng mukha, pinabilog ng konti ang kanyang matang singkit at pinatangos pang lalo ang kanyang ilong. Maganda na siya kung tutuusin pero gusto lang niyang magmukhang hindi siya ang nasa picture. At isa pa baka nga naman magustuhan siya ng isang lalaki naroon. Hindi gaanong sentro ang pagkapost ng kanyang mukha ng guy pero kitang-kita na guwapo talaga ito at halatang ibang lahi. Noon pa man ibang lahi ang pangarap ni Danish na maging boyfriend. Magiging maganda o guwapo nga naman ang anak ng pinay at ibang lahi. Kaya pwede na raw mag artista ang mga anak niya kung ibang lahi ang genes nila. Tuwang- tuwa si Danish sa resulta ng kanyang pagka edit dahil para ng hindi siya kung titigan.
"Tara na hija, uwi na tayo tiyak na naghihintay na ang tiya Marites mo."
Naroon na pala ito sa kanyang tabi nakaupo. Mabuti na lang hindi napansin ang kanyang pinagagawa.