AGAD inilibot ni Lorelei ang mga mata sa buong Ysabella de University, she wanted to jump in happiness but she chose to be remain cool.
Finally, makakapag-aral na siya sa isa sa mga leading university rito sa Prague na matagal niyang pinangarap.
Hindi biro ang mga pinagdaanan niya, makapasok lang siya rito at alam niyang marami pa siyang pagdadaanan.
Pero para sa determinasyon niya na makalaya mula sa pagmamanipula ng kaniyang lola Conchitta at makamit ang hustisya para sa Nanay Lucy niya ay hindi siya susuko.
"Today is my first day!" mahinang usal niya para sa sarili.
Nang magtagumpay siya sa unang mission na pinagawa sa kaniya ng organisasyon, sa utos na rin ng kaniyang lola Conchitta ay agad na inasikaso nito ang mga credentials niya, gaya ng ipinangako nito sa kaniya para sa pagpasok niya rito sa University.
Muntik pa nga siyang pumalpak, kung hindi siya pinuntahan ni kuya Randolf sa silid ni Mr. Prince Caspian De Lucca ng gabing iyon.
Bigla na lang kasi siyang natulala nang makitang patay na si Mr. De Lucca at bumaha ang sarili nitong dugo sa loob ng silid nito.
Nagkagulo na rin ang mga tao sa masquerade party na iyon at matagal bago bumalik ang ilaw kaya malaya silang nakaalis ni kuya Randolf sa mansion ng mga De Lucca na parang walang nangyari.
Pero ilang buwan din siyang hindi pinatulog sa pangyayaring iyon.
Tatlong taon na ang nakakalipas at may naparusahan na rin sa pangyayaring iyon pero lahat ng kayamanan ng mga De Lucca ay ang lola Conchitta niya at ang organisasyon lang ang nakikinabang.
Agad niyang ipinilig ang ulo para iwaglit ang nangyaring iyon sa isip niya.
Deretso ang tinging naglalakad siya sa kahabaan ng pasilyo ng education building. She’s going to her first subject.
Ang mga nakakasalubong niyang mga kapwa niya estudyante ay napapatingin sa kaniya. Hindi naman siya nagtataka. Alam niyang curious lang ang mga ito dahil bagong estudyante lang siya rito at isang Asian pa.
Lihim siyang napangiti nang makita niya na ang room number ng unang subject niya ngayong umaga.
Agad niyang pinihit ang pintuan pabukas at pumasok sa loob. Nakita naman kaagad niya na maraming estudyante na ang narito sa loob, nakaupo sa kani-kanilang upuan at nag-uusap pero agad ding natahimik at nabaling ang tingin ng mga ito sa kaniya.
“Good morning,” seryosong bati niya sa mga ito at inilibot niya ang tingin para maghanap ng bakanteng upuan.
Nang may makita siyang bakante sa likurang bahagi ay agad siyang naglakad papunta roon. Inilapag niya ang kaniyang gamit at naupo.
Wala siyang nakuhang sagot mula sa mga ito, but she shrugged it off, hindi na niya problema iyon kung ayaw ng mga itong sumagot.
Kinalkal na lang niya sa kaniyang bag ang cellphone niya at tiningnan kung may mga nagpadala ba ng mensahe sa kaniya.
Agad naman siyang napangiti nang makitang may mga text messages nga ang mga kasamahan niya sa organisasyon.
Orwel: Good luck on your first day, baby Lu.
Cindy: Good luck on conning the grades, Lore!
She chuckled silently and shook her head nang mabasa niya ang text ni Cindy, isa sa mga kasamahan niya sa organisasyon na malapit din sa kaniya.
Loka-loka talaga ang babaeng iyon at sanay na siya.
Kuya Logan: Good luck, baby!
Napangiti siya sa message na iyon ng Kuya Logan niya.
Logan Theon Montreal is her kuya Brixton's best friend, na itinuturing na rin niyang kapatid.
Nang dumating ang Professor nila sa unang subject ay nagpakilala lang sila isa-isa pagkatapos ay pinagawa lang sila ng essay kung anong ini-expect nila sa subject na ito.
At bago ito nagpaalam ay nag-bilin pa ito na magbasa-basa sila tungkol sa subject dahil may unexpected questions daw itong itatanong sa kanila bukas.
She sighed and stood up. Nagliligpit siya ng mga gamit niya nang may magsalita at hinawakan pa ang isang braso niya.
“Hi, newbie?”
Natigil siya sa ginagawa at nilingon ang lalaki.
“Yes,” she answered him coldly.
Matalim niya pang tiningnan ang kamay nitong nakahawak pa rin sa braso niya na agad naman nitong tinanggal.
“Uh…” anito at nagkamot pa sa batok na tila nahihiya sa kaniya. “I’m Enrique—”
“I know,” putol niya kaagad dito.
Hindi naman siya bingi nang magpakilala ito kanina sa harap nila. Isinukbit niya ang kaniyang bag sa kanang balikat.
“Excuse me, I have to go.” aniya rito at agad itong tinalikuran.
Enrique Muller, isang German citizen. Guwapo ito at maputi pero hanggang doon na lang iyon, wala na siyang maikomento pa sa lalaki.
Bago siya nakalabas ng classroom ay narinig niya pa na inaasar ang lalaki ng mga kaklase nila dahil sa pag-iwan niya rito.
Tsk. She knew what she did was rude. Pero wala siyang panahon sa mga ganoong bagay.
Dumeretso siya sa room number kung saan ang kaniyang second subject pero pagdating niya roon ay nakita naman niyang naglalabasan ang mga estudyante.
Wala yatang Professor. Nakumpirma niya naman iyon nang may nagtanong at sinabi naman nang isang babaeng estudyante na wala raw si Mr. Martin, ang kanilang Professor sa Mathematics.
She just sighed at lumabas ng building at tinahak ang daan patungong quadrangle.
Nang marating niya ang malawak na quadrangle ay agad siyang naupo sa lilim ng isa sa malaking puno na naroon sa may gilid.
Kinuha niya ang libro sa Physics at nagsimula na siyang magbasa. Dito muna siya tatambay. Nakakalula ang matataas na building na nakapalibot sa napakalawak na quadrangle.
Marami siyang nakikita na mga estudyante na pagala-gala, may nakaupo lang din at nagbabasa ng kanilang mga dalang libro, iyong iba naman ay nagkukwentuhan lang.
May mga mag-boyfriend-girlfriend din siyang nakikita na panay ang harutan sa isa’t isa.
Napailing na lang siya at binuklat na ang libro para magbasa.
“Hi, can I sit beside you?”
Mula sa binabasa ay kaagad siyang nag-angat ng tingin nang marinig niya ang isang boses ng babae.
Hindi pa man siya nakasagot nang kaagad na itong naupo sa kaniyang tabi.
“Are you new here? Freshmen? On what course?”
Sunod-sunod na tanong nito kaya natuon na ang buo niyang atensyon sa babae.
Maganda ito at halatang may lahi. Matangos ang ilong, maputi at maliit ang shaped ng mukha nito.
The girl looks like a living doll, lalo pa at blonde ang hair nito na kinulot pa ang dulo.
“Sorry, ang tabil yata ng bibig ko,” anito na nag-peace sign pa at nahihiyang ngumiti.
Napakurap siya at bahagya pang nanlalaki ang mga mata nang magsalita ito ng lenggwaheng akala niya ay hindi nage-exist sa school na ito.
“I-It’s okay,” medyo pumiyok pa ang boses na sabi niya.
Sh*t! That was first, na pumiyok ang boses niya na kausap ang ibang tao. Nakita niya naman na bumilog ang bilugang mga mata nito.
“Naiintindihan mo ako? Nakakaintindi ka ng Tagalog?” namamanghang tanong pa nito sa kaniya.
“Hmm…” aniya at tumango.
“Wow, finally!” Masayang bulalas ng babae. “Akala ko mage-English na naman ako buong taon, kagaya ng nauna kong taon dito."
Ang galing naman nitong mag-tagalog. Parang si lola Conchitta lang.
Malalaman mo kasi kaagad kung bago pa lang na natuto ang isang tao sa pagsasalita n’yon dahil kung hindi naman conyo ang pagkakasalita ay napaka-slang pa.
“Bakit? Taga-saan ka ba?” Hindi na rin niya napigilang tanong sa babae.
“Philippines. Nag-aaral ako ng elementary sa Academia de Ysabella at gusto ng mga magulang ko na ipagpatuloy ko ang pag-aaral ng high school hanggang college rito sa Praque. Super nice naman kasi ng quality of education ng Ysabella de University.” Mahabang sabi nito.
Ah, kaya pala. She thought.
“Uh, by the way, I’m Mercury De Sandiego. Second year. Engineering.” Pagpapakilala nito sa kaniya at naglahad pa ng kamay sa harap niya.
Namamanghang tinanggap niya naman ang kamay nito. Hindi madali ang kursong iyon. Kailangan ay magaling ka talaga sa Mathematics para maka-survive sa kursong iyon.
“Lorelei Navarre, first year and I’m taking up Bachelor of Education-Generalist,” she proudly said.
Being a teacher should not be ashamed of because there are no good engineers, doctors, or any other professionals if there are no teachers.
At isa pa, since bata pa lang siya ay gustung-gusto na niya talaga na maging elementary teachers.
“Wow!” namamanghang sambit nito. “Ngayon lang ako nakakakilala na iyon ang kinuhang kurso. Mostly kasi sa mga kaibigan ko ay same ng course ko. Kaya ikinagagalak kong nakilala kita, Lei. Uh, wait, is it okay to call you Lei?”
Agad naman siyang napatango kaya napapalakpak naman ito na ikinangiti niya ng bahagya. Para kasi itong bata.
Pero agad siyang napakurap nang may napagtanto. It’s been a while since she smiles like this. So carefree, hindi nag-aalala na makita siya ng kaniyang Mommy o di kaya ay ng kaniyang lola Conchitta dahil tiyak na may kaparusahan na namang naghihintay sa kaniya.
Nagkukwentuhan pa sila ni Mercury habang nakaupo pa rin hanggang sa inaya siya nito na pupunta sa canteen. Ayaw niya sana dahil may baon naman siyang snacks. Nagtitipid siya dahil one-hundred-euro lang ang baon niya at kailangan niya iyong pagkasyahin sa loob ng isang linggo.
Bago pa man kasi siya nag-enroll dito ay inalam na muna niya kung ano ang aasahan niya sa school na ito at isa sa mga napag-alaman niya na ang mamahal ng mga pagkain sa loob ng canteen.
Pinakamura raw is ten-euro kaya mas minabuti na lang niyang magbaon na lang ng snacks.
“My treat kaya tara na,” pamimilit nito sa kaniya.
“Nakakahiya naman,” sabi niya at bantulot na tumayo.
“Nah, don’t be. Gusto kitang maging kaibigan kaya from now own, we’re friends, okay?” anito at hinatak siya papunta sa canteen ng University.
Mukhang may pagka-bossy rin ang babaeng ito. But she finds no harm on her, kaya hinayaan na lang niya ang sariling hatakin nito. Gusto rin naman niya itong maging kaibigan.
Maraming estudyante ang naroon pagkapasok nila ni Mercury sa loob ng canteen. Kaniya-kaniyang upuan at usapan kaya medyo maingay ang buong paligid.
Pinili na lang nila ni Mercury iyong mesa sa may dulong bahagi na may dalawang upuan.
Agad niyang inilapag ang kaniyang bag sa ibabaw ng mesa, pagkuwan ay naghila siya ng upuan at doon naupo.
“Wait me here, ako na ang mag-order para sa atin. Ano ba ang gusto mo?” tanong nito sa kaniya.
“Ah, kahit ano na lang,” sagot naman niya.
Nakakahiya kung mag-demand pa siya ng gusto niyang kainin. Ang kapal na talaga ng mukha niya.
“Wala silang tindang pagkain dito na kahit ano ang pangalan,” nakangising sabi nito na halatang niloloko lang siya.
Tinaasan niya naman ito ng isang kilay.
“Fine, kahit ano it is.” Nang-aasar pa ring sabi nito sa kaniya at agad ng nagtungo sa may counter.
Napailing na lang siya. Pagkuwan ay inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng canteen. Pang-mayaman talaga ang canteen na ito. Though, napakaraming estudyante ang narito pero hindi naman crowded tingnan. Maganda rin ang ambiance.
Nangingiting napailing na na lang siya ulit, pagkuwan ay binuklat na naman niya ang kaniyang libro. Pero itiniklop niya lang din ulit dahil hindi naman siya makapag-concentrate sa pagbabasa dahil sa ingay na naririnig niya sa kabilang mesa.
“How about you, dude? Which company will you going to have your OJT?”
Narinig niyang tanong noong isang blonding lalaki doon sa lalaking tahimik lang habang nakapatong ang nakalupi nitong braso sa lamesa, nakayuko habang inikot-ikot nito ang tinidor na hawak nito sa pastang nasa plato nito.
His hair was messy, para bang hindi man lang iyon kailanman nasayaran ng suklay pero bumagay naman iyon sa binata.
He’s wearing a uniform for business administration student.
Iba-iba kasi ang uniform dito, kung anong uniform ng kurso mo ay iyon din ang susuotin mo.
Nakita niyang umangat lang ang balikat nang lalaki at hindi man lang ito nag-abalang tingnan ang mga kaibigan nitong tila interesadong-interesado na malaman kung saan ito mag-o-OJT.
Suplado yata—natigilan siya at mahina pang napasinghap nang mag-angat ng tingin ang lalaki at agad na nagtama ang mga mata nilang dalawa.
Damn! She was trained to stare without being the first one to look down, dahil ang unang magbaba ng tingin, ibig sabihin ay talo at hindi iyon puwede sa pagiging isang con artist. Kailangang titig mo pa lang ay maaakit mo na ang target mo. But this guy makes her training blown away.
Pakiramdam niya para siyang ice na matutunaw na lang sa sobrang init ng titig nito sa kaniya.
He has a tantalizing chocolate brown eyes, his features—so perfect. He has this angular high cheekbones, strong jawline, a straight nose, and full lips.
Damn! He’s like a living mythical Greek god that had an incredible beauty.
Pero agad din siyang napakurap nang may humarang sa harap niya.
It’s Mercury.
“Here, my treat for you,” masayang sabi ni Mercury sa kaniya, sabay lapag nito sa tray na puno ng iba’t ibang klase ng pagkain sa mesa.
Seriously, mauubos ba nila itong lahat?
“Bakit ang dami?” namamanghang tanong niya.
Hindi naman sa nagrereklamo siya pero imposible naman kasing maubos nila itong lahat at nag-aaksaya lang ito ng pera kung ganoon.
“Well, my friends will be here any minute, kaya dinamihan ko na,” anito na ikinatango-tango niya naman. Ah, kaya naman pala. “Uh, okay lang ba sa’yo na ipakilala kita sa mga friend ko?” hingi pa nito ng permiso sa kaniya.
Well, that’s fine with her, wala naman iyong problema sa kaniya.
Mas maganda nga iyon para mas marami siyang manakawan—agad siyang natigilan sa mga iniisip.
No. Napalunok siya at agad niya ring ipinilig ang kaniyang ulo. She’s here to study not to steal someone’s property, damn it!
"Lei?" untag sa kaniya ni Mercury nang hindi kaagad siya nakasagot.
Napakurap siya.
“Oo naman,” nakangiting pagsang-ayon niya sa babae.
"Great!" masayang sabi nito at naupo na sa harap niya.
Hindi sinasadyang napatingin na naman siya sa grupo ng mga lalaki.
"Uh, sino sila?" mahinang tanong niya kay Mercury.
Pasimpleng tiningnan din niya ang mga tinutukoy na kaagad naman nitong naintindihan.
"Ah, the Aces Player. Sikat ang mga iyan dito lalo na sa larangan ng basketball. Usap-usapan ang mga achievements nila na natatanggap at nape-featured din iyon ng school magazine. Lalo na iyang si Andrei Miguel Del Rio." anito at pasimpleng itinuro ang lalaking naka-eye to eye contact niya kanina.
Even his name sounds cool and intimidating. But his last name sounds familiar to her.
Del Rio? Parang narinig na niya ang apilyedong iyon. Hindi nga lang niya matandaan kung saan niya narinig.
Marami pang sinasabi si Mercury tungkol sa the Aces Player hanggang sa dumating ang mga kaibigan nito.