bc

Burning Pain(Del Rio Siblings 2)

book_age18+
2.6K
FOLLOW
14.9K
READ
billionaire
revenge
second chance
badgirl
kickass heroine
versatile
drama
bxg
serious
multiverse
like
intro-logo
Blurb

Andrei Miguel S. Del Rio

WARNING: (R-18+). This story contains strong language and scenes of explicit violence. Also, this is a work of fiction. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

TEASER:

At the age of fifteen, Lorelei became a certified con artist, nang naging matagumpay ang unang misyon niya na ipinagawa ng Black Spider Organization, ang grupong pinasok niya.

Mula noon ay sunud-sunod na ang misyon na ipinapagawa sa kaniya. Hanggang sa inutusan siya ni Conchitta Acosta-Sanford na pabagsakin si Andrei Miguel Del Rio. Kapalit niyon ang impormasyon kung nasaan ang biological father niya na matagal na niyang hinahanap.

Lorelei thought she would struggle with what to do because the man was known for being cold, heartless, and distrustful of the people around him. But no, 'cause she easily lure him.

Ngunit sa kalagitnaan ng kaniyang misyon ay hindi niya sinasadyang umibig sa binata at ayaw na niyang ituloy ang masamang plano niya rito. Pero huli na ang lahat.

Gustuhin man niyang hindi ituloy ang nasimulan pero kinakailangan dahil nanganganib na ang buhay ni Andrei kaya pinili niyang saktan si Andrei, masiguro lang niya ang kaligtasan nito.

Ngunit sa muli nilang paghaharap, paano kung siya naman ang pababagsakin nito? Can she handle Andrei's wrath because of the burning pain she gave him?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
HUMINGA ng malalim si Lorelei bago siya bumaba ng sasakyan para maibsan man lang ang kaba na nararamdaman. Tonight is her initiation to become a certified con artist in the group that she and her brother Brixton Alessandro belong to. Noong una, ayaw niyang sumali sa ganitong gawain dahil mahigpit siyang pinagbabawalan ng kuya Brixton niya kaya lang sinuway nito si lola Conchitta kaya siya ang pinuntirya ng matanda. At lingid iyon sa kaalaman ng kaniyang kapatid. Pinangakuan rin siya ng matanda na kapag magawa niya ang inuutos nito ay pag-aaralin siya nito sa isang sikat at kilalang University dito sa Prague, Europe. Ang Ysabella de University. Kaya unti-unti ay naging buo ang loob niyang sumali sa Black Spider Organization. Dahil gusto na talaga niyang makawala mula sa pagmamanipula ng mga ito at masimulan na rin niyang hanapin ang totoong ama niya at makapaghigante sa mga taong pumatay sa Nanay Lucy niya. At para magawa niya iyon ay kailangan muna niyang makapagtapos ng pag-aaral. Isa pang buntonghininga ang pinakawalan niya at inayos-ayos niya pa ang kaniyang long red gown na hanggang hita ang tabas habang ang mga mata niya ay nasa nakabukas na mataas na gate ng mansion ng mga De Lucca. Ang angkan ng mga De Lucca ang pinakamayamang pamilya rito sa Prague. Sila ang may-ari ng tinaguriang the tallest twin tower in Europe but after this, if she succeeds her mission, the De Luccas will be the poorest of the poor in this country. Kumunot ang kaniyang noo at pasimpleng iginala ang tingin sa labas ng mansion. The place was very bright because of the lights that surround the entire mansion. Mula sa kaniyang kinatatayuan ay naririnig niya ang malamyos na musika na nanggagaling sa loob ng mansion. “You look stunning, Lorelei, darling.” Napakurap siya nang marinig niya ang isang pamilyar at baritonong boses ng lalaki. Pumihit siya para tingnan ang lalaki. Agad naman niyang nakita ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng itim na suit at gaya niya ay nakasuot din ng itim na maskara ang lalaki. Napalunok siya at bahagyang nanigas ang kaniyang katawan ng makilala niya ang lalaki. May nakamaskara rin na babae na nakaangkla sa braso nito at kilala rin niya ang babae, it’s Miss Tricia. “Mr. Brahmin…” mahinang sambit niya at bahagya pang yumukod bilang paggalang niya sa kanilang Consigliere. Si Mr. Fredrick Brahmin ay ang consigliere ng organisasyong kinabibilangan niya. Kilala itong walang puso at awa kaya lahat ay natatakot dito kabilang na siya. Lahat ng taong kakalaban dito ay pinapapatay nito. Walang buhay na sinalubong niya ang nagbabagang tingin nito sa kaniya. Kailangan niya iyong gawin nang sa ganoon ay hindi siya matakot dito at panghinaan ng loob. Hindi pwedeng makita nito na kinakabahan siya sa kaniyang gagawin. Ngumisi lang ito sa kaniya pero alam niya na sa bawat pagngisi ng lalaking kaharap ay may kapalit iyon. Invited ito sa masquerade party na ito pero may pakiramdam siya na may kukunin na naman itong buhay, kung sino man iyon ay napakawalang suwerte ng taong iyon sa gabing ito. “No doubt, you will lure the prince in that hellish castle,” anito na nakangisi pa rin at saglit pang sumulyap sa nagliliwanag na mansion ng mga De Lucca. Pagkuwan ay hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa pabalik na ikinailing niya. Nakita niya rin si Miss Tricia na bagamat nakangisi ay may paghanga naman sa mga mata ng babae habang nakatingin din sa kaniya. Hindi naman kasi angkop ang pangangatawan niya sa isang 15-year-old. Lagi ngang sinasabi ng mga kasamahan niya sa organisasyon na mga kaedaran niya lang din na hindi raw siya mukhang 15-year-old. Madalas na mapagkamalan siyang 20-year-old dahil sa tangkad niya at chubby na pangangatawan pero makurba naman. “Ready?” Agad na nabaling ang kaniyang tingin sa lalaking tumabi sa kaniya at agad din na ipinalibot sa baywang niya ang isang braso nito. Hindi naman siya nailang dahil sa madalas naman niyang nakakasama ang lalaki at itinuturing din niya itong kuya. “Yes,” tugon niya kay kuya Randolf, ang magiging date niya sa party na ito kung saan naroon din ang magiging target niya sa gabing ito. Isang certified con artist din si kuya Randolf but unlike her, he has a lot of experience in this field of work. Nakita niyang bahagya itong yumuko sa Consigliere bilang pagbati nito sa boss nila. “Good luck!” sabi pa ng Consigliere bago nagpatuloy sa paglalakad kasama si Miss Tricia papasok sa nakabukas at napakataas na kulay gintong gate na mas lalo pang pinatingkad ang kulay dahil sa mga ilaw na nakapalibot. Miss Tricia wink at her and mouthed a good luck to her. She just smirked. Yeah, Good luck to her! “Let’s go,” pag-aya sa kaniya ni kuya Randolf. She sighed and nodded her head at him. Pagkapasok nila sa loob ay hagikhikan ng matatanda, usapan na hindi matapos-tapos, tawanan ng mga grupong lalaki, ismiran ng mga kababaihan at kwentuhan. Pasimple niyang inilibot ang paningin sa kabuuan ng lugar. Lahat ng lalaki na nakikita niya ay nakasuot ng suit samantalang ang mga babae naman ay iba’t ibang klase ng gown ang suot. Mayroong modern looking gown, mayroon namang Victorian inspired gown at mayroon ding princess inspired gown. And of course, they are wearing all a masquerade except, Mr. Prince Caspian De Lucca, the birthday celebrant and her target tonight, kaya pasimple niyang hinanap ng kaniyang mga mata ang celebrant. Ayon sa pag-iimbestiga nila ni kuya Randolf ay ang lalaki ang may hawak no’ng flash drive kung saan naroon lahat ng pera at assets ng mga kumpanyang pag-aari ng pamilyang De Lucca. Dalawang buwan din nila itong pinagpa-planuhan kung paano niya makuha ang flash drive na iyon. Gotcha! Ani ng isip niya at lihim na napangiti nang mahagip na ng kaniyang paningin ang prinsipe. Madali lang talaga itong makita at makilala kahit marami ang mga taong dumalo sa ika-dalawampu’t limang taon nito dahil ito lang ang hindi nakasuot ng maskara. May kausap itong mga lalaking mga nakamaskara rin at sa hinuha niya ay mga kaibigan nito ang mga lalaking iyon. Bumitaw siya sa pagkakaangkla sa braso ni kuya Randolf, hindi rin naman ito nagtanong pa dahil alam naman nitong sa oras na bibitaw na siya rito ay iyon ang umpisa ng trabaho nila. She walks gracefully towards the prince. Prince Caspian De Lucca is one of the hottest, handsome man in Europe, pero playboy at nakaka-turn off iyon para sa kaniya. Well, bata pa naman siya at wala pa sa bokabularyo niya ang humanga. According to their research, marami ng pinaiyak na mga babae ang lalaki, na pagkatapos gamitin ay iiwan na lang nito ang mga iyon na luhaan. Well, kahit gano’n ang reputasyon ng lalaki ay marami pa rin ang nagkakandarapa rito dahil sa angking kagwapuhan, kakisigan at siyempre mapera. Kita niya kung paano napunta sa gawi niya ang mga tingin ng mga lalaking kausap ni Prince Caspian kaya lihim siyang napangiti nang lumingon din sa gawi niya ang target. Well, malakas naman ang loob niya na akitin ang lalaking ito dahil hindi naman siya nito basta-bastang makikilala dahil sa maskarang suot niya. Her face was half covered with the black masquerade mask she used. Damn! Pakiramdam niya tuloy sa sarili ay siya si Anastasia Steele sa maskara niyang suot. Nagsuot din siya ng contact lens para hindi nito matatandaan ang mga mata niya kung sakaling tititigan siya nito. Naka-brazilian din ang buhok niya kaya kung titingnan siya ng mga tao ay mukhang isa siyang Americana kaysa sa Pilipina. She instantly smiled nang tuluyan na siyang makalapit sa mga ito. “Hello, your majesty.” aniya at bahagya pa siyang yumukod sa lalaki. “Thanks for the invitation, Mr. De Lucca.” Actually, ang lola Conchitta talaga ang may invitation para sa party na ito. Uugod-ugod lang ang matandang iyon pero sobrang ma-impluwensya ito dahil sa asawa nitong isang membro rin ng napakalaking organisasyon. Prince Caspian smiled. “Your voice was the most angelic voice I have ever heard, my lady.” anito at nagulat siya nang walang sabi-sabing kinuha nito ang isang kamay niya at dinala iyon sa mga labi nito at hinalikan ang likod n’yon. Merda! Ang bilis ng lalaking ‘to. Lihim siyang napangiwi pero kailangan niyang umakto na nagugustuhan niya ang paghalik nito sa kamay niya. “Oh, thank you, Mr. De Lucca.” she said and smiled at him seductively. “You know me, but I don't know you. Mind if I ask your name?” Lorelei chuckled. “Aww, you want to know my name?” tumawa pa siya para lalo itong akitin. “I’m sorry, Mr. De Lucca but my name is for me to keep. It’s very confidential.” Nakita naman niya agad ang iritasyon sa mukha ng lalaki. Napatawa na naman siya. Mukhang hindi yata sanay ang lalaking ito na matanggihan. “Are you mad at me?” tanong niya at pasimpleng inagaw ang kamay niya na hanggang ngayon ay hawak-hawak pa rin nito. Gusto niya na tuloy umuwi at paliguan ng alcohol ang kamay niyang nahawakan at nahalikan nito. For sure, hindi siya ang unang babaeng hinalikan ng mga labi nito kaya nakasisiguro siya na puno na ng virus ang bibig ng lalaking ito. She felt disgusted with his kiss and touch, damn! Kaya kailangan niya ng madaliin ang trabahong ‘to nang makauwi na siya. “Well, I'll be really mad at you if you don't really tell me your name,” anito na ikinataas naman ng isang kilay niya. “Can you please, take off your mask?” he requested. “Okay, but not here,” kunwari pagpayag niya. Nakita niya naman ang pagkislap ng kulay asul nitong mga mata. Tsk. Playboy, akala yata makipagchukchakan siya rito. Hell, no way! Over her dead and curvaceous body! Sisiguraduhin niya talagang hindi sila aabot sa ganoong tagpo. “So, where do you want to take it off, my lady?’ tanong pa nito. Kailangan niyang makapasok sa loob ng kuwarto nito pero hindi niya naman iyon puwedeng deretsuhin iyon sa pagsasabi rito. He may be a playboy but she knew he's not dumb. “Well, I’m attending this masquerade party for you, Mr. De Lucca. So, I want to take this off in a private place. Just you and me, Mr. De Lucca.” wika niya sa malanding boses. Itinaas pa niya ang kamay at bahagya niya iyong inilapat sa dibdib ng lalaki at pinaglalaruan niya ang kurbata nito. “Okay, your wish is my command, my lady. Let’s go to my room.” Nakangiting sabi nito na tila nanalo sa lotto. She smirked. Tila umayon naman ang pagkakataon sa mga plano niya dahil kahit wala naman siyang sinabi na sa kuwarto nito siya dadalhin ay ito na ang nagkusa. Paakyat na sila sa grandiyosong hagdanan nang pasimple siyang lumingon kung saan naroon ang napakaraming bisita nitong lalaking kasama niya at suwerte naman at agad niyang nakasalubong ang mga mata ni kuya Randolf. Pasimple lang niya itong tinanguan, pagkuwan ay ipinokus na niya ang isip sa gagawin. Huminto sila sa may tapat ng isang may magandang desenyo na pinto kaya nahinuha na niyang ito na ang silid nito. Pinihit nito iyon at agad na binuksan. Pero malakas siyang napasinghap nang walang pag-iingat na hinigit nito ang braso niya papasok sa loob ng silid nito. Damn, this pervert! “Now, we’re here in my room. Take it off and call me Caspian.” Titig na titig ito sa kaniya kaya sobra siyang kinakabahan. “I want you, my lady. I desire you, the first time I laid my eyes on you a while ago, I know, I wanted you.” Puno ng pagnanasang sabi nito. Lihim niyang naikuyom ang mga kamay na nasa magkabilang gilid niya lang nakapirmi. But she smiled at him seductively, pagkuwan ay unti-unti niyang itinaas ang mga kamay papunta sa likod ng ulo niya para tanggalin kuno ang maskarang suot niya. Naririnig na rin niya ang malakas na kalabog ng dibdib niya at nananalangin na sana magawa na ni kuya Randolf ang pinag-planuhan nilang dalawa bago pa man niya magawa ang gusto nitong lalaking hayok sa laman na kaharap niya. “Oh, c’mon, my lady, don’t thrill me and make it fast.” Atat na atat na sabi nito na ikinaismid niya. Pero bago pa man niya matanggal ang tali ng maskarang suot niya nang makarinig sila nang tatlong magkasunod na putok ng baril, pagkuwan ay nawalan ng kuryente. “F**k! What was that?!” galit na sikmat ni Caspian. Damn it! Wala sa mga plano nila ni kuya Randolf ang mga putok ng baril na iyon pero dahil narito ang Consigliere kaya nakasisiguro siya na ito ang may gawa niyon. Mabilis siyang kumilos at kinuha ang syringe na nakatago sa may dibdib niya at agad na itinusok iyon sa leeg ni Mr. De Lucca. Hindi na ito nakapagsalita pa at agad na lang nawalan ng malay at bumulagta sa sahig. Ilang minuto lang ang epekto n’yon kaya kailangan niyang makuha agad ang flash drive at makaalis na kaagad dito bago pa man magising ang lalaki. Mabuti na lang at nasanay na siya sa dilim kaya makakakilos pa rin siya ng maayos at hindi na siya nag-aalala na hindi makakakita. Hinanap kaagad niya ang vault at nang makita ay agad niyang ginawa ang mga natutunan sa loob ng organisasyon. Napangisi siya nang bumukas ang vault at nakita niya sa loob ang isang pulang flash drive. Agad niya iyong kinuha at pinasak iyon sa kaniyang mamahaling cellphone at may pinindot doon para ma-transfer lahat ng assets at pera ng mga De Lucca sa account ng lola Conchitta niya na walang bakas. Tagaktak na ang pawis niya habang nakatingin kay Mr. De Lucca na tulog na tulog pa rin. Kailangan niyang maisauli sa vault ang flash drive nang sa gano’n ay hindi sila nito mahahabol pa. But her heart leapt in nervousness when she saw Mr. De Lucca was moving, tanda na gising na ito. "You, b***h!" malakas na mura ng lalaki at mabilis ang mga kamay na may kinuha itong baril sa likurang bahagi nito. Nakatayo na rin ito. But before he could pull the trigger when she heard another gunshot again and she almost scream when she saw Mr. Prince Caspian De Lucca’s blood flooded inside his room.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook