AGAD natauhan si Lorelei sa kagagahang ginawa saka mabilis na itinulak palayo sa kaniya si Andrei. “No,” habol ang hiningang sabi niya. Dumilim ang mukha ng lalaki at puno na naman ng panghuhusga ang mga matang nakatitig sa kaniya. “Why? Dahil ba sinabi ko sa’yong wala ka ng aasahan at makukuha sa akin kaya ayaw mo? Bakit? Mas magaling ba si Sanford kaysa sa akin---” Isang sampal ang pinadapo niya sa mukha nito kaya natigil ito sa pang-iinsulto sa kaniya. “Tumigil ka na. Nakuha mo na ang gusto mo kaya please lang tantanan mo na ako.” “Not gonna happen,” he said that made her eyes widen. “Hindi pa ako tapos sa’yo at gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin sa’yo.” Umiling siya at umalis sa pagkakasandal sa may gilid ng pinto at akmang bubuksan na sana niya ang pinto nang mabilis nito

