“ANDREI, can we talk?” sabi ni Lorelei sa lalaki habang sinusundan ito paakyat sa second-floor ng mansion nito. Pagdating kasi nila ay walang sali-salitang agad itong bumaba ng sasakyan at iniwan na lang siya. “Kung ipipilit mo lang ang gusto mo, ‘wag na lang.” malamig nitong sagot sa kaniya. Nasaktan siya pero naiintindihan naman niya ito. “Andrei, sana naman---” natigil siya sa pagsasalita nang pumasok ito sa loob nang kuwarto nito at agad iyong isinarado. Muntik pa siyang tinamaan sa mukha kung hindi kaagad niya naiatras ang sarili mula sa pinto. Napatitig na lang siya sa nakasaradong pinto ng kuwarto nito. Nasaktan siya sa ginawa nito pero kasalanan din naman niya kung bakit ito nagalit sa kaniya. Naiinis lang naman kasi siya dahil inilihim nito sa kaniya na may meeting pala i

