HINDI makapaniwalang nakatitig lang si Lorelei sa mga files ni kuya Brixton na nakuha niya mula sa system ng BSO. Kasama iyon sa mga files ng mga transactions ng mga ito na gagawin ngayong buwan. She’s too curious when she saw his brother’s name is in there, kaya binasa niya at hindi siya makapaniwala sa mga nabasa at nakita niyang mga litrato nito. “Hindi siya isang Sanford at mas lalong hindi siya pamangkin ni Mommy Margareth at apo ni lola Conchitta,” naiiyak niyang sambit. Nanginginig ang mga kamay niya habang pinipindot ang mga larawan nito kasama ang totoong pamilya nito. Hanggang sa kinuha ito ng mga Acosta. May mga larawan pa ito na naka-confine sa isang hospital sa Europe. Nasunog ang buong katawan at mukha nito kaya pinaayos iyon ng mga Acosta. Nang magising ito ay hindi n

