NAKITA ni Lorelei kung paano rumehestro sa mukha ni Andrei ang sakit. Kita niya sa mukha nito kung gaano ito nasaktan sa sinabi niya. Pero iyon naman talaga ang totoo, tapos na siyang mahalin ito. Nang mawala sa kaniya ang baby niya ay iyon na ang sukdulan ng lahat ng pagpapakatanga niya sa pag-ibig. Nangako na siya sa kaniyang sarili na kalimutan na niya ito dahil sa lahat ng pasakit na ginawa nito sa kaniya ay wala ng natira pa para sa sarili niya. Inubos nito lahat. “Mahal pa rin kita, Lu at kahit kailan ay hindi kita nakalimutan,” sabi ni Andrei na mas lalong nagpapagimbal sa buong sistema niya. Pero agad niyang pinigilan ang sarili na magpakita ng emosyon dito. “Kung mahal mo ako, bakit mo ako sinasaktan ng gano’n?” Hindi niya napigilang tanong dito. “I know, sobra mo akong nasak

