“ANDREI…” gulat na sambit ni Lorelei at nanlalaki ang mga mata nang bigla na lang siyang yakapin nang mahigpit ng lalaki. Nakaluhod ito sa gilid ng kama nito habang yakap-yakap siya nang mahigpit. Nang makabawi siya sa pagkabigla ay akmang itutulak na sana niya ito nang magsalita ito. “Please, let me hug you…” garalgal ang boses na pakiusap nito sa kaniya. Ang mukha nito ay nakasiksik sa isang gilid ng leeg niya kaya ramdam niya ang hininga nito na tumatama sa balat niya. Kinilabutan siya nang bigla ay makaramdam siya nang pag-iinit ng katawan. “Kahit ngayon lang, baby…” Napakurap siya nang may kung anong kiliti ang kumudlit sa puso niya nang marinig na naman niya ang endearment na ginamit nito sa kaniya. But she was stunned again when she felt a hot liquid dropped on her neck. What

