NAKA-DEKWATRONG nakaupo si Lorelei sa isang silya habang mariing nakatitig sa lalaking nakagapos na nakatayo habang nakadipa at ang likod nito ay nakadikit sa sementadong pader rito sa basement ng hideout. Sa gilid nang kaniyang mga mata ay nakita niya sina Cairu at Evander na relax lang habang nakaupo rin sa malaking couch na naroon at sa harap nito ay isang maliit na mesa na may nakahelerang limang kutsilyo. “It’s time.” Narinig niyang sabi ni Cairu habang nakatingin ito sa pambisig nitong relo. Napatingin siya rito, pagkuwan ay marahang tumango at umayos sa pagkakaupo. Nang ibalik niya ang tingin sa lalaki ay humigpit ang pagkakakuyom ng kamao niyang nakatukod sa magkabilang gilid ng silyang kinauupuan niya. “Sinong nag-utos sa’yo para patayin si Lucy Trinidad?” unang tanong niya

