CHAPTER 1-GRADUATION
THIRD PERSON POV
"Goodmorning dad." Bati agad ni Xien sa daddy niya ng maabutan itong nagkakape sa kanilang kusina agad niya itong hinalikan sa pisngi pagkatapos ay umupo siya sa tabi nito.
"Oh, goodmorning to you my dear! Congratulations to you, sa wakas graduate ka na rin." Maaliwalas naman ang naging mukha ng kaniyang Ama sa mga sandaling ito.
"So? Makakaattend ka na ba Dad?" Muling sumilay ang maganda niyang ngiti sa Ama ng umagang iyun.
"Of course my dear, sabay na tayo."
Muling lumawak naman sa mukha ang kasiyahan ni Xien ng sagutin ng Ama niya ang kaniyang sagot.
"Hay, sa wakas napaoo ko rin kayo Dad. Akala ko pati graduation ko ay hihindian mo na naman e!" Napapalatak naman na saad ni Xien sa kaniyang Ama.
"Pwede ba yun, dito na nga lang ako bumabawi sa'yo, paghihindian ko pa ba ang unica hija ko?" Malambing naman na turan ni Don Xander sa kaniyang unica hija. "Manang Sonia, pakihandaan po ng almusal itong alaga niyo." Tawag ni Don Xander sa tagapag-alaga ni Xien sa may edad na babaeng humahangos ng pasok sa loob ng kusina.
"Anong gusto mo anak?" Tanong naman ni Manang Sonia sa kaniyang alaga ng makapasok na ito at makalapit sa tabi ng kaniyang alaga.
"Hotdog, bacon and fried rice with a cup of milk po 'Nay. Thankyou po."
Agad pinaghanda naman ni Manang Sonia ang kaniyang alaga at ilang segundo pa ay kumpleto nitong inihatid sa malawak na mesa ang pagkain ng kaniyang alaga. Nagpaalam itong umalis at lilinisan lamang ang kaniyang kwarto sa taas at ihahanda na rin ang isusuot nitong katuga dahil maaga palang ay alam niyang aalis ng bahay ang mag-ama at aattend ito ng graduation. Masaya siya dahil sa wakas matutupad na rin ng kaniyang alaga ang mithiin nito sa buhay. Graduate na ito ng kolehiyo, at malamang makakasama na nito ang kaniyang Ama sa pagpapatakbo ng malawak nilang negosyo at lupain.
Maswerte siya sa kaniyang alaga dahil hindi ito katulad ng iba na may ugaling mata-pobre. Down to earth ang kaniyang alaga at isa iyun sa mga ipinagpapasalamat ng mga kasama niyang katulong sa malawak na mansyon na ito.
Patapos na siya sa pagpaplantsa sa katuga ng kaniyang alaga ng maulinigan niya ang boses ng kaniyang alaga sa pintuan ng kwarto nito.
"Nay, sama po kayo sa amin ni Daddy ha! Gusto ko, nand'un din kayo. Teka po, tapos na po ba kayo sa pagplantsa ng damit na yan Nay?"
Tumango na lamang si Manang Sonia sa kaniyang alaga ng nakalapit na ito sa kaniyang tabi.
"Bakit kailangan nand'un pa ako anak?" Tanong naman ni Manang Sonia sa kaniyang alaga. Napanguso naman ito at alam niyang kapag ganun ang kaniyang alaga ay may nais pa itong sabihin sa kaniya.
"Basta po Nay, si daddy kasi aalis din agad pagkatapos ng aming graduation, may kailangan po kasi siyang kakausapin sa isa sa mga investors namin at hindi niya raw pwedeng ipagsawalang-bahala na lamang iyun!" Walang patumpik naman na sambit nito at inabala nalang ang sarili na haplosin ang katuga na ngayon ay nakahanger na.
"Bueno kung ganun, maiwan na muna kita rito at mag-aasikaso na rin ako ng sa akin." Paalam naman nito at nang tumango si Xien ay lumabas na rin ito ng kwarto ng kaniyang alaga.
Samantala, tapos ng makapagligo si Xien at naglalagay nalang ng light make up sa kaniyang mukha, naipatuyo na rin ang kaniyang buhok sa blower at ngayon nga'y ipinapatirintas niya sa kaniyang Nanay Sonia ang mahaba at tuwid na tuwid niyang buhok.
Maganda na siya at alam ng halos lahat ng mga tao dito sa Alcantara Del Barrio.
"Oh, ayan anak, bagay na bagay sa'yo ang ayos ng buhok na ganyan!"
Imunuwestra siya ni Manang Sonia sa harap ng malaking salamin at nakita niya ang buong reflection niya doon.
Nakabraid ang buhok niya na paikot at para siyang isang prinsesa na kulang na lamang ay lagyan siya ng korona sa itaas ng kaniyang uluhan.
May ilang hibla rin ng buhok sa kaniyang unahan ang tanging iniwan ni Manang Sonia upang lalong mas kaaya-ayang tingnan ang maamo at magandang niyang mukha.
"Nay, baka imbes na graduation ang aattendan ko ay wedding na ang mangyari nito." Ngunit may ngiti sa mga labi nitong bulalas habang masuyong hinahaplos ang mukha at ang buhok nito habang nakaharap sa salamin.
"Ano ka ba namang bata ka, natural kapag nakasuot ka na ng katuga ay malamang graduation ang aattendan mo. Ang ganda-ganda mo nga anak e!" Masuyong hinaplos rin nito ang mukha ng alaga at matiim ang pagkatitig sa kaniya. "Kamukha mo ang kainosentihan ng namayapa mong Ina anak. Maganda at may maamo rin itong mukha. Sigurado ako kung nasaan man siya ngayon ay masayang-masaya siya dahil sa wakas matutupad mo na ang pangarap mo." Kahit may ngiti sa mga labi nito bakas pa rin ang pinaghalong lungkot at kasiyahan sa mukha ng kaniyang Nanay Sonia.
"At magiging proud si Mommy sa akin diba Nanay?" Ngiting-ngiti naman ang alaga nito ng magtama ang mga mata nila sa salamin.
"Oo naman anak, walang magulang ang hindi proud sa narating ng anak lalo na't kung ang pag-uusapan ay para naman sa pangarap ito at syempre kalusugan at kaligtasan pa rin naman ang priority ng bawat magulang. At isa akong proud sa'yo anak. Basta lagi kang mag-iingat at dapat rin kalusugan muna ang unahin at kaligtasan bago ang lahat." Mahabang lintanya naman ng matanda sa dalaga na ngayon ay unti-unti ng sinusuot ang katuga sa kaniyang katawan. Tinulungan siya ni Manang Sonia upang hindi gaanong magusot ang katuga at ilang sandali pa'y suot-suot na ni Xien ang pinakamahalagang damit sa tanang buhay ng mga estudyante. At iyun ang katuga. Kulay itim ito at talaga naman mula sa kaniyang uluhan papunta sa kaniyang paanan ay bumagay sa kaniya ang suot niyang damit. Nakapagsuot na rin siya ng light color na stocking. Sa height niyang five-five ay talaga namang lumabas ang pagkasopistikada niyang anak ni Don Xander De Guzman.
"Wow na wow anak. Bagay na bagay sa'yo at sa kahit anong damit ata ang ipasuot sa'yo ay talaga naman bagay na bagay, ang galing mong magdala ng damit." Napapalatak naman si Manang Sonia sa mga sandaling ito kaya naman bago pa sila masigawan ni Don Xander ay mabilis na silang lumabas ng kwarto ni Xien at bumaba upang makaalis na sila ng mansyon.
"Oh, mabuti naman at naisipan na ninyong bumaba ng kwarto akala ko naman ay aalingawngaw pa ang boses ko sa malaking bahay na ito." Tudyo naman ng Don sa dalawang babaeng pababa na ng hagdan. "Ang ganda naman ng anak ko, talagang may pinagmanahan kang tunay anak. Mahal na mahal kita anak." Wika naman ng Don habang palapit ang anak nito sa kaniyang harapan.
"Daddy, wag mo naman po akong paiiyakin dito, sayang ang make up ko." Ingos naman ni Xien sa kaniyang Ama at lalo lang lumawak ang ngiti ng Don sa kaniyang nag-iisang anak.
"Shall we?" Yakag na ng Don sa kanila at sabay-sabay na silang lumabas ng kabahayan patungo sa sasakyan na naghihintay. Dalawa ang sasakyan na dala nila dahil na rin sa usapan na hindi pa rin makakasama sa celebration ng anak si Don Xander.
.
.
.
Tapos na ang pagtanggap sa mga karangalan na nagkamit at isa na roon si Xien, siya ang nakakuha ng may pinakamataas na karangalan ang summa c*m laude.
Proud na proud ang dalawang matanda na nakaabang sa kaniya.
Kasama niyang nagmartsa ang Daddy niya at ang nag-alaga sa kaniya simula ng isilang siya sa mundong ibabaw.