-XIENNA-
Pababa palang ako sa malawak naming hagdanan, nang marinig ko ang halakhakan ng dalawang lalaking nakaupo sa upuan na yari pa sa narra, nasa hapag-kainan na silang dalawa at masayang nag-uusap ng hindi ko naman masyadong naintindihan dahil late na nga akong bumaba. Nakatalikod sa akin ang lalaking bisita ni Daddy ng tuluyan na akong nakababa.
"Hi, Darling!" bungad agad ng aking Ama sa akin ng tuluyan na akong nakalapit sa tabi nito. Nagblessed at humalik muna ako sa pisngi nito bago ko hinarap ang bisita ng aking pinakamamahal na daddy.
Unang pagtatama palang ng mga mata namin sa malapitan ay may kung ano ng binuhay sa akin ang lalaking ito. Hindi ko man mabigyan ng pangalan pero naramdaman ko agad ang init na humaplos sa puso ko.
"Please, meet my daughter, Mr. Jacob Alcantara. My Xienna." Si Daddy ang unang bumasag sa katahimikang namayani sa amin ng ilang segundo.
Sandali akong kumurap ng mga mata ng ilahad nito sa harap ko ang kaniyang kanang kamay.
"I'm Jacob, your personal driver and bodyguard!" the baritone voice break the line of silence in just seconds.
"Xienna." Maikling pakilala ko rito. Iniabot ko ang aking kanang kamay upang magshake-hands kaming dalawa. The electric voltage ran through my veins as our palms touched each other. Para akong sinisilihan sa aking buong katawan ng magtama muli ang aming mga mata.
Natinag lamang ang aming pagtitigan ng tumikhim sa pagitan naming dalawa si Dad.
"Hijo, kabisaduhin mo muna ang ugali ng anak ko. Mahirap i-please si Xienna lalo na't lalaki ka pa." Himig ni Daddy sa aming tabi. Mabilis akong bumitaw ng aking palad kay Jacob at tumingin kay Daddy.
"Dad! bago palang siya, winawarningan mo na agad? Ikaw rin, baka maduwag yan at umatras pa. Lalo ka lang mahihirapang maghanap ng magiging asong, susunod-sunod lagi sa kilos ko." Nilakipan ko pa ng pagtataray ang pagsasabi ng mga yon kay Daddy upang iparating sa lalaking ito na hindi ko kailangan ng lalaking laging magbabantay sa mga kinikilos ko. Gusto kong sa una palang na magiging bodyguard o driver ko ito, ay susuko na agad sa akin, lalo na sa ugali kong masyadong seryoso sa buhay.
"Darling, can you please, shut your mouth for being brat, nakakahiya naman sa bago mong bodyguard, anak. Kung ano-ano na naman kasi ang lumalabas diyan sa bibig mo. Please?!" Pakiusap ni Dad sa akin ng matapos kong sabihin iyon sa kanya.
"Excuse us?" Sabay kaming bumaling ni Dad sa lalaking nasa harapan ko ngayon ng magsalita ito. "Sir, please I'm sorry if Im going to disappoint you right now." Hinging paumanhin agad nito kay Dad, bago niya ako tahasang tingnan sa mga mata. Sorry ka, Jacob, pero hindi ako natatakot sa iyo. Paisnab kong iniwas ang mga mata sa kanya. "Miss Xienna, hindi po ako isang aso, tao po akong humarap sa inyo, sana, tao rin po ninyo akong harapin. If you respect me as a man, then I will respect you too as a lady. No more, no less." Madiin ang bawat pagbigkas nito sa mga salita at binigyan niya rin ako ng matalim na tingin.
"Aba't....." Sasabat sana ako sa kanya ngunit malakas na tumikhim si Dad upang awatin kaming dalawa ni Jacob.
"Ano ba kayong dalawa? Ngayon pa nga lang kayong nagkaharap na dalawa, aso't-pusa naman ang datingan niyo! Nasa hapag tayo, anak at Jacob. Mamaya na kayo mag-usap about sa do's and don't na yan!" Saad ni Dad sa banayad pa rin na boses.
Ineexpect ko na ito. Unang tagpo palang ng mga mata namin ni Jacob ay alam kong may kakaiba na. And I think, hate namin ang isa't-isa ni Jacob. But, I don't care about that. Kung ayaw niya sa akin, mas lalong ayaw ko sa kanya. Who cares? At sino ba siya sa buhay ko? A bodyguard and driver? Okay, I'll accept that. Pero ngayon palang, gagawin kong impyerno ang buhay niya. Nagngingitngit akong inismiran ang lalaking nasa harapan ko. Masyado na rin itong seryoso, mabilis niyang inubos ang pagkain na nasa plato niya at nagmamadaling nagpaalam kay Daddy na lalabas muna ito. Habang ngumunguya ako, pasimple ko siyang sinundan ng tingin. Sa hardin ito patungo. Alam kong nagpapalamig lamang ito ng ulo. Nagawa ko atang pikunin sa sinabi kong sa 'asong susunod-sunod.'
Mula sa paghakbang nito palayo sa amin ni Dad, ay hindi ko mapigilang hindi ito pasadahan ng tingin, mula sa ulo nito hanggang pababa sa kanyang malapad na likod. He's perfect, not to bad! I smirk on my mind after I realized for what I am thinking about his body. Suddenly, my Dad broke the silence after Jacob left us.
"Xienna, anak....bakit ganun naman agad ang unang pagsalubong mo sa magiging bodyguard mo? Can you please, be a good brat naman, hija? Nakakahiya naman kay Jacob!" bulalas ni Dad ng mawala sa paningin namin si Jacob. Sinalubong ko naman ng tingin si Dad after kong marinig sa kanya ang mga sinabi nito sa akin.
"Dad, bakit ba kasi kailangan ko pang magkaroon ng driver o bodyguard na yan? I am good driver too, right? I can handle myself, just me, Dad." Giit ko naman sa Daddy ko at muling nagsubo ng pagkain.
"No, darling. If you don't want Jacob as your bodyguard or driver, then, I will not allow you to work in our company. And that's my final decision." Matigas ang huling sinabi ni Daddy sa akin. Minadali niya na rin namang ubusin ang pagkaing nakahain sa kanyang plato. I know Daddy, kapag bumitaw ng salita ito ay batas para sa kanya na dapat ay sundin. Hindi ko na magawang umimik. Hinayaan kong lamunin ako ng aking malalim na pag-iisip. s**t, Xienna, mag-isip ka na ngayon palang! Kung gusto mong tumulong sa Daddy mo, hayaan mong may makakasama ka sa araw-araw na pagpunta sa kumpanya at pauwi dito sa bahay niyo! Batas pa naman din kapag nagbitaw ng salita ang Daddy mo, so, ikaw rin? Kaya ngayon palang, tanggapin mo na agad ang kapritso ng mahal mong ama. Ang tanggapin sa sarili mong araw-araw ay lagi mong makakasama ang personal driver mo, na bodyguard mo na rin. Halos maidiin ko ng maigi ang tinidor sa karneng tinutusok ko. Nagngingitngit talaga ang loob ko. But, I love my Daddy so much. Kung hindi ko tatanggapin ang gusto niya, imposibleng hindi ito magtampo sa akin. At kapag nagkataon, ito palang ang first na pagkakatampuhan naming dalawa ni Dad.
Umangat ako ng tingin ng tumayo si Daddy pagkatapos niyang punasan ang gilid ng kanyang bibig ng table napkin.
"I'm done, talk to me if you willing to accept my...." Seryosong nagsalita si Daddy habang nakatunghay ito sa akin, pero dahil sa ayaw ko siyang tuluyang magtampo sa akin, pinutol ko na kung ano ang sasabihin nito.
"Yes, Dad. Tatanggapin ko na po as bodyguard or driver si Jacob." Agad na sambit ko sa aking ama na ngayon ay lumitaw ang maliit nitong ngiti sa labi.
"Hindi mo naman pagsisisihan na magiging bodyguard o driver mo si Jacob, anak. Mabait at matalinong tao si Jacob. As a matter of fact, siya lang talaga ang pinagkakatiwalaan kong tao na dapat mo ring pagkatiwalaan, anak." Mahabang litanya ni Daddy habang nakatingin pa rin ito sa akin. Uminom muna ako ng tubig bago ko muling ibinuka ang bibig. "Pupuntahan mo siya sa labas, Dad?" Tumango si Daddy sa tanong ko. Tapos na rin naman akong kumain, kaya gusto ko sanang sumabay sa kanya palabas. Ngunit, ano naman ang gagawin ko sa labas? Sa harapan ni Jacob? Magpapacute o hihingi ng pasensiya dahil sa talim ng tabas ng dila ko kanina? It's just, no way! Di bale nalang!!!!! Kaya imbes na sasabay kay Daddy palabas, nagpaalam nalang akong aakyat nalang sa kwarto ko. Hindi ko na rin namang binigyang pansin ang huli nitong sinabi, kaya binago ko nalang ang sinabi ko sa kanya. Malamang mag-uusap na silang dalawa ng Jacob na yun! sabagay, mukhang dito na nga yun patutulugin o patitirahin ni Daddy sa mansyon namin, nadaanan ko kasi ang isang malaking bag sa isang tabi sa gilid ng upuan namin sa sala. Malamang na nasa kanya yun. "Sige ho, Dad, aakyat na po ako ng kwarto ko." Naghalik lamang ako sa pisngi ni Daddy, saka ako dahan-dahang naglakad papuntang hagdan.
///////Hellow readers, unti-unti palang po ang pag-aupdate ko rito.... thankyou sa mga willing parin naghintay nito.... ❤️❤️❤️❤️