PROLOGUE

629 Words
"Dustin?" gulat na gulat ako ng makitang katabi ko na ngayon ang lalaking kinaiinisan ko. Kahit sa panaginip ay hindi ko inisip na magtatabi kaming dalawa. Nagising na lamang ako sa isang silid, hubo't hubad at katabi ang lalaking pinakaiinisan ko sa lahat. Si Dustin, kaibigan siya ni Kuya Hermes. Kaagad kong tinakpan ang sarili. Nasa ilalim na ako ngayon ng makapal na kumot habang mahigpit kong hinahawakan ito. "Dustin! Anong ginawa mo?" pagsisigaw ko at hinampas ang kaniyang mga balikat nang magising ito at tila wala lang sa kaniya ang paghaharumentado ko. Tumagilid lang ito at pinagmasdan ako habang may bakas na ngiti sa kaniyang mga labi. Napakapilyo pa ng ngiti nito. "Bubuntisin lang naman kita," pilyo na sagot nito. Nanlaki ang mga mata ko. Kaagad akong kumilos para umalis sa kinahihigaan ko. Walang mapagsidlan ang galit ko sa ginawa niya. "How dare you! Isusumbong kita kay Kuya! Isusumbong kita kay Daddy!" pagsisigaw ko. Alam kong matalik na magkaibigan sila ni Kuya Hermes pero kapag nalaman ito ni Kuya siguradong magagalit iyon. Ngumisi lang si Dustin na tila wala pa rin sa kaniya ang mga sinabi ko. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kumot na tanging nakatakip sa aking hubad na katawan. "You rape me?" sigaw ko sa kaniya. "Nope! You were drunk and wild last night. So, I didn't rape you because you also liked what happened to us last night." He grinned even more. Alam kong sinadya niya ang lahat. Sinadya niyang lasingin ako para magawa niya ang lahat ng gusto niya. Matagal niya na kasing gusto akong pakasalan pero hindi ko siya gusto. Inaamin ko naman na gwapo siya pero hindi ko talaga siya gusto. Kahit sa panaginip hindi ko nakikita ang sariling pakasalan at makasama siya. "Ano pa ba ang hinahanap mo, Iris? Parehong gusto ng magulang natin na ikasal tayong dalawa. Wala naman problema kahit may nangyari sa ating dalawa." proud na proud pa. "Kahit kailan hindi ko mamahalin ang isang rapist na katulad mo!" sigaw ko. "Remember this, Iris. Sa akin ka lang. Walang ibang aangkin sa iyo kun 'di ako lang. Kapag nabuntis ka, magiging akin ka na ng tuluyan. So, prepare for it, Iris. I know in myself na mabubuntis ka dahil ipinutok ko sa' yo lahat." Nanlaki ang mga mata ko. "How dare you!" Mas lalong uminit ang pisngi ko at gusto ko siyang sakalin ngayon din. Ngunit napako ako ng tumambad ang aking paningin sa bedsheets. Isang bahid ng dugo ang nakita ko mula roon. Nanghihina kong tinitingnan iyon. Alam kong wala na, wala na ang iniingatan kong p********e. Nakuha niya na lahat. Nanghihina akong napasandal sa pader. "See, this is the proof that you are mine, Iris." Itinuro niya ang bahid ng dugo sa bedsheets. Napatakip ako ng aking bibig at kaagad na umalis sa kaniyang harapan. Tuluyan ko na hinila ang kumot para lumabas na sana ng silid na kinaroroonan namin dalawa, ngunit napako ako sa aking kinatatayuan nang mabungaran si Kuya sa pinto. Nagpalipat-lipat ang paningin ni Kuya sa aming dalawa ni Dustin. Ako naman ay hindi alam kung ano ang gagawin. Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Kuya Hermes. "Dustin? Anong ibig sabihin nito?" "Kuya... ni-rape niya ako." umiyak na ako ng tuluyan. "What?" mas lalong umigting ang panga ni Kuya Hermes. Dagdag pa ang nag-aapoy na mga tingin nito kay Dustin. "No, hindi ko ni-rape ang kapatid mo, dude!" pagpapaliwanag kaagad ni Dustin. Ngunit kaagad na siyang sinugod ni Kuya at sinuntok ng malakas. Nahulog naman sa kama si Dustin. Nakatulala na lang ako habang pinapanuod ang pagpapaulan ng suntok ni Kuya kay Dustin. May kung anong awa akong nararamdaman para kay Dustin. Hindi ko akalaing maaawa ako sa kaniya sa kabila ng ginawa niyang pag-take advantage sa kalasingan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD