MR. GREYSON 1 REMEMBERED

2003 Words
Iris POV Abala ako sa pag-aayos ng formal dresses na binili ko kahapon at pina-deliver ko na lang. Kararating lang nito ngayon. Kahapon ko ito binili kaso may pinuntahan pa ako kaya hindi ko ito nadala at iniwan ko sa Shein Fashion Botique. Ilang formal dresses kaya ito? Mga sampu pala ang pagpipilian kong suotin. Isusuot ko lang naman ito sa wedding ng bestfriend kong si Tinay. Nasa sala pa lang ako at paakyat na sana nang marinig kong may nag-doorbell. Napalingon ako sa pintuan. Sinuyod ko ang buong sala at tumingin din ako sa itaas. Nasaan kaya si Kuya? Patuloy ang pag-doorbell. "Kuya!" tawag ko ngunit walang sumasagot kaya napilitan akong bumalik para pagbuksan kung sino man ang bisita na nasa labas. Binitawan ko sa couch ang mga paperbags na hawak ko at tinahak ang main door. Nang buksan ang pinto ay mukha kaagad ng lalaking sumisira ng araw ko ang nabungaran ko. "Hi, Iris!" kumaway pa ang loko. I know na gwapo ka pero 'di kita type. Excuse me, mataas ang standards ko. Iningusan ko lang ito tsaka tinaasan ng mga kilay. Binalingan ko ng tingin si Kuya Marco. "Hi, Kuya, Marco. Napadalaw po kayo? Anong meron?" ngiting aso na tanong ko tsaka pasimpleng inirapan ang lalaking katabi nito. Walang iba kun 'di si Dustin. "Nandiyan ba ang Kuya mo?" kaagad na tanong ni Kuya Marco. "Ang daya naman! Bakit si Marco kailangan mo ngitian? Bakit sa akin nguso lang humahaba sa 'yo kapag ako ang kaharap mo?" "Hindi ako ngumingiti sa taong ayaw ko. Hindi pa ba halata? Ayaw ko sa 'yo. Bakit ba pinagpipilitan mo' yang kaluluwa mo sa 'kin? " muli ay iningusan at inirapan ko ito. Pranka akong magsalita kaya kapag ayaw ko sinasabi ko kaagad. "Pasasaan pa at maikakama rin kita" Kaagad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Dustin. "Hoy! Siraulo! Marinig ka pa ng kuya niyan talagang mapapalayas ka ng wala sa oras." kaagad na saway ni Marco. "Just kidding" kaagad naman na bawi nito sa sinabi. Tatawa - tawa pa ang loko. Hindi porke't may dimple siya ay magugustuhan ko na ang mga ngiti niya. "Pwede na ba kaming pumasok?" pag-iiba niya sa usapan. "Maiiwan ka sa labas. Si Kuya Marco lang ang pwedeng pumasok." isasarado ko na sana ang pinto ngunit narinig ko ang boses ni Kuya Hermes. "Iris? Sinong bisita?" Napalingon ako kay Kuya na kabababa lang ng hagdanan. Hawak ang tumbler habang umiinom ito. Mukhang nag-excercise na naman 'to. Pawisan pa ang katawan. "Ay! Wala Kuya. Hindi bisita kun' di boysit. Boysita. I mean." ngiting aso kong sabi kay Kuya. Sorry Kuya Marco nadamay ka pa tuloy. Nakangiwi na bulong ko sa sarili. "Iris!" saway naman kaagad sa akin ni Kuya. Makaalis na nga. Pinagbuksan ko na ng malaki ang pintuan dahil alam ko kung nagagalit na si Kuya. "Sige, kuya tataas na ako." paalam ko sa kanila. Tumalikod na kaagad ako at tinahak ang hagdanan ngunit bigla naman akong tinawag ni Kuya. "Iris, gawa mo muna kami ng meryenda." utos nito sa akin. Kahit labag sa akin ay sinunod ko pa rin naman si Kuya. Nagtungo ako sa kusina para gumawa ng kanilang meryenda. Gumawa ako ng sandwich at juice. Palapit na ako sa kanilang kinaroroonan nang marinig kong magyaya ng inuman si Dustin. "Lasinggero." napaingos ako. Wala akong imik na lumapit sa kanila. Tinaasan ko kaagad ng kilay si Dustin dahil sa mga tingin niyang para akong hinuhubaran. "You look even more beautiful when your eyebrows are raised, Iris." mas lalong umikot ang itim sa mga mata ko ng bolahin ako ng kumag na ito. "Ikaw naman mas lalong pumapangit kapag ngumingiti." sabay irap dito. Tumawa lang naman ang loko. Aba! May baon pang alak ang kumag. Sa halip na sa mini bar sila mag-iinuman ay hindi na sila tumuloy doon. Nag-inuman na sila sa living room. "Iris, isang shot ka muna." itinaas ni Dustin ang baso. Napaatras ako at kaagad na tinanggihan ito. "Ayaw ko." kaagad na tanggi ko. "'Wag kang mag-alala walang lason 'yan." natatawa pa niyang sabi. "Ayoko nga' di ba?" pagtataray ko dito. "Ang taray talaga ng kapatid mo dude." pang-aasar pa nito. Talagang humihingi pa ng simpatya kay Kuya. Hindi porke't matalik kayong magkaibigan eh, kakampihan ka na niya. Ako pa rin ang kakampihan niyan dahil ako lang naman yung kapatid niya na mahal na mahal niya. "Mataray talaga 'yan kapag hindi niya gusto ang taong kaharap niya." kaagad naman na sagot ni Kuya. Good Kuya. Hindi mo kinonsinte ang kumag na' yan. "Ow!" napahawak pa sa dibdib si Dustin pagkatapos ito sagutin ni Kuya. Tuluyan na rin akong nagpaalam sa kanila. Hindi ko na matagalan pa ang lalaking kinaiinisan ko. Masyadong nakakairita. Pagpasok ko sa kwarto kaagad kong kinuha ang headset at nakinig na lang ng music. Ilang minuto, hanggang mag-isang oras yata akong naka-headset. Napagpasyahan kong bumaba muna para uminom ng tubig. Nang bumaba ako ay wala na sila Kuya sa sala. Baka lumipat sa mini bar. Nasa kusina na ako ngunit bigla akong napatalon sa gulat dahil si Dustin ang nasilayan ko. Namumula na ang mukha nito na para bang nalalasing na. "Ano bang ginagawa mo dito?" pagtataray ko. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Nandito ka ba para masilayan ako?" ngumisi ito sabay kindat sa akin. Ako pa binaliktad ng kumag. "Natural, bahay namin 'to." inis na sagot ko. "Iinom ako ng tubig kaya tumabi ka diyan." pagpapatabi ko sa kaniya. Paharang-harang kasi sa daanan. "Ako na kukuha para sa' yo." kaagad na kumunot ang noo ko nang kumilos na ito at kinuhanan nga niya ako ng tubig sa ref. Nakangiti itong ibinigay sa akin ang maliit na bottle of water. Labas ang kaniyang dalawang mga dimple. Nagpapa-cute pa yata ang kumag na 'to. Kaagad kong hinablot mula sa kaniya ang bottle. Sa kwarto ko na iinumin ito. Kaagad ko itong tinalikuran. Ngunit natigilan ako ng tawagin niya ako. "Iris..." Napalingon naman ako. Kahit paaano may manners pa naman ako. "Ano?" "Taste me, I mean taste this wine first. It's my recipe." Kaagad na naman kumunot ang noo ko. "Why should I taste that? Are you planning something bad for me, huh?" "No, I just want you to taste our newly released wine product." bigla akong natawa. Ginawa pa akong tagatikim ng bago nilang product na wine. May malaking business sila Dustin yun ay ang mga iba't-ibang uri ng wine at mismong siya ang nakakaisip ng recipe para gumawa ng bagong product. Ang galing noh? Ngayon ko nga lang din nalaman na may talent din pala ito at may pakinabang naman siya sa mundo. "Akin na nga! Titikman ko." ang kulit naman kasi ng kumag na 'to. Lumapit kaagad ako sa kaniya para tanggapin ang wine glass na hawak nito. Punong-puno pa naman parang balak pa yata akong lasingin ng kumag na' to. "Kapag hindi ito masarap humanda ka sa 'kin!" Ngumiti lang ito labas ang pantay-pantay nitong mga ngipin. Kung tutuusin ang gwapo niya pero hindi ko talaga siguro siya magugustuhan. Mabuti na lang hindi natuloy ang binabalak nila Mommy na ipakasal ako sa kaniya. Hindi ko akalaing mauubos ko ang laman ng wine glass. "Ang sarap ah! Ikaw ba talaga gumawa nito?" "Ofcourse, kasing sarap ko. kapag nasarapan ka anong kapalit?" nang tingnan ko ito ay kumindat na naman. "Wala noh! Isa pa nga. Libre to ah." sabi ko sa kaniya. Ang sarap eh! Nilagyan naman niya ang wine glass na hawak ko. Hanggang sa nagustuhan ko na ito at ilang beses yata akong nagpasalin sa kaniya ng wine. Kaya lang kaagad naman akong nahilo at nag-iba na rin ang pakiramdam ko. Nag-iinit ang buo kong katawan na para bang hindi ko alam ang nararamdaman. Hindi ako mapakali. "Matutulog na ako." Tumayo ako mula sa kinauupuan ko ngunit umikot ang aking paningin kaya muntikan na akong matumba ngunit may brasong sumalo sa akin, sa aking bewang nakahawak ang mga kamay niya. Nang tingnan ko ito ay nagkasalubong ang aming mga paningin. "I'll take you to your room." pag-alok nito sa akin. "Kaya ko naman eh! Kaya ko pa tumaas." papikit pikit ang mga mata ko. Ngunit pinagpapawisan ako kaya pinunasan ko ang aking leeg. Sa sobrang init ng pakiramdam ko. Hinubad ko ang roba na doble ng suot kong nighties. "Ang init." Itinapon ko sa sahig ang aking roba. Nang magtama ang aming paningin ni Dustin ay ilang beses itong napalunok tsaka nakatitig sa aking dibdib. Hindi ako nakapagsalita ng bigla niyang kabigin ang aking bewang tsaka niya ako hinalikan ng marahas at mapusok. Nagmamadali at tila ayaw magpaawat. Mas lalo akong nang-init sa halik niya. Ikinawit ko ang aking mga braso sa kaniyang leeg tsaka ako nanlaban sa kaniyang mga halik. Naging malalim ang paghahalikan namin dalawa. Naramdaman kong umangat na ang katawan ko sa sahig. Binuhat niya na pala ako at umaakyat na siya ngayon sa hagdanan. Habang tinatahak ang hagdanan hindi naman natigil ang paghahalikan namin dalawa hanggang sa bumaba ang mga halik nito sa aking leeg. "Iris, where is your room?" tanong nito. Wala sa sariling itinuro ko ang aking kwarto. Binuksan niya iyon tsaka siya pumasok habang buhat-buhat ako. Nang makapasok ay kaagad niya akong ibinaba at isinandal sa pader. Pakiramdam ko nag we-wet ako sa mga haplos niya. Hinahaplos niya ang aking mga hita. Hanggang sa marating ng mga kamay niya ang pagitan ng aking mga hita. "Ummm..." Napaungol ako. "Iris, damn it!" mas lalong naging mapusok ang halik ni Dustin sa akin, bumaba pa ito sa aking dibdib. Hinawi niya ang suot kong nghties. Tuluyang tumambad sa kaniyang paningin ang aking dibdib. Nilantakan iyon ng mga kamay niya. Pinisil kasabay ng pag-angkin ng kaniyang labi ay pinapaliguan niya ng halik ang aking boobs. "Uhmm..." Ngayon ko lang naramdaman ang feelings na ganito. — "Arrggghhh! Hindi! Hindi!" Sigaw ako ng sigaw sa loob ng aking kwarto nang mawala na sila Kuya at Dustin. Puno ng sugat at dugo ang mukha ni Dustin dahil sa mga suntok ni Kuya. Sa mga oras na ito ay baka nasa hospital na sila ngayon. Habang ako ito, buhay sa ala-ala ko ang nangyari sa aming dalawa kagabi. Hindi ko na kaya pang ipagpatuloy sa pag-alala ang nangyari sa aming dalawa kagabi ni Dustin. Hindi ko akalaing siya pala ang pagbibigyan ko ng aking p********e. Napaiyak na lamang ako pagkatapos kong tawagan si Tinay. Hindi ako makakadalo sa kaniyang kasal. Dapat nandoon ako eh! Pero wala. Hindi ako makakapunta sa kasal niya dahil s apangyayari na 'to. Hindi p ako. masyadong makalakad dahil sa sakit at hapdi. Ilang minuto akong tulala ng biglang may kumatok sa pintuan ang aking kwarto. Doon ako naibalik sa aking pag-iisip. "Iris?" Boses ni Mommy ang nasa labas. "Iris, open the door." Maingat akong naglakad patungo sa pintuan dahil sobrang hapdi pa rin ng pagitan ng aking mga hita. Gaano ba kalaki ang pumasok sa akin bakit sobrang hapdi na tila ba nasa loob ko pa ang p*********i ng lalaking 'yon? Nang buksan ko ang pintuan ay bumungad kaagad saakin ang mukha ni Mommy na puno ng pag-aalala. "Iris." kaagad niya akong niyakap. "Sinabi sa akin ng kuya mo ang nangyari. Totoo bang ginahasa ka ni Dustin?" Sandali akong natigilan at hindi nakasagot. Alam ko na ngayon na hindi talaga ako ginahasa ni Dustin. Naalala ko na ang lahat. Nagparaya ako kagabi. Umungol pa nga ako. Rape ba ang tawag don? "Iris?" Inalog ni Mommy ang aking mga balikat. Umiling-iling ako. "H-hindi." tanging sagot ko. "Kung gano'n dapat na matuloy ang kasal niyong dalawa. Lalo na ngayon, may nangyari sa inyong dalawa." Umiling-iling ako. "Ayaw ko, Mom. Ayaw kong magpakasal sa kaniya. Hindi ko siya gusto at kahit kailan hindi ko siya magugustuhan." "Bakit naman hindi mo siya magugustuhan? Ang daming nagkakandarapang babae sa anak ng Greyson anak. Maraming nagkakandarapa kay Dustin pero alam kong pinagsisigawan niyang ikaw ang gusto niya. Kaya ni isang babae na nirereto ni Don. Greyson sa apo niya ay walang kahit na isa ang nagustuhan si Dustin kun 'di ikaw lang ang gusto niyang pakasalan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD