Chapter 8

2010 Words
ANG DIARY NI INDAY. Written By Supermcluna CHAPTER 8. Taas noo akong pumasok sa loob ng Arseño University. Isang sikat na paaralan dito sa Manila. Echos! Kasama ko ngayon si Edmon naglalakad na kami sa loob ng Arseño University. May mga taong nakatingin sakin. Para namang artista si Edmon kung makatintin ang mga babae sakanya. Pansin kong kilig na kilig sila rito kay Edmon. 'Yong iba naman pinag-uusapan nila ako. Syempre hindi nako nagtaka, malamang pinag-uusapan nila ang kagandahan ko. Echos! Ganito lang naman narinig ko sa mga nadadaanan namin. "Gf niya ba 'yan?" "OMG ang panget no'ng Girl" "Hindi sila bagay ni Fafa Edmon" "Mas bagay kami!" Sabi naman ni Edmon wag ko nalang daw pansinin yung mga sinasabi nila. Importante daw mag-aral ako at gawin yung trabaho ko na pinag-uutos ni Tita Orieta. Sabi din niya na mag-ingat daw ako kasi baka daw anong magawa sakin ni Eduard. Wag daw ako magpapahuli at magpapahalata na binabantayan ko mga kilos ni Eduard. Pero if ever naman daw na may gawin sakin si Eduard. Sabihin ko lang daw kay Edmon siya na daw bahala sakanya. Oh em gee. I'm so maganda talaga! Echos. "Okay hanggang dito nalang kita mahahatid" ang sabi ni Eduard. "Basta 'wag mo papansinin ang sasabihin ng ibang tao. Pakita mo lang na matapang ka!" Nasa harapan kami ng classroom ko. Hindi ko makita yung sa loob dahil nakasarado ang mga bintana at pintuan. 'Di ko tuloy alam kung nasa loob ba si Eduard or hindi. Hindi pa naman niya alam na papasok na din ako dito sa school nila. Kinakabahan tuloy ako sa magiging reakson niya. "Oo sige." tinignan ko si Edmon. "Salamat ah." Tumingin siya ng seryoso sakin. "No problem. Basta ikaw" Nag ngitian kami ni Edmon. After 'nun ay naglakad na siya palayo sakin. Magkita nalang raw kami mamayang break. Lilibre raw niya ako, e. Dahan-dahan ko naman pinihit ang doorknob ng pintuan. Medyo kinakabahan talaga ako ngayon. Nang makapasok na 'ko sa loob ng classroom namin ay sinalubong ako ng isang lalaki. 'Sya yata yung prof namin. Ang gwapo niya para siyang isang artista. "Ow. Hi, so you're Ms. Lindsay Erolina?" "Masuksok po Sir." nahihiya kong sabi. Napansin ko naman na medyo nagtawanan at nagbulungan ang mga magiging classmates ko. Dahil siguro sa apelyido ko. Ano bang meron sa apelyido ko? "I'm Alphie Sucio" pagpapakila ni Sir. Alphie. Natawa ako dahil sa apelyido niya. Parang ang bantos kache eh ihi. "Haha." "Why Ms. Masuksok?" tanong ni Sir. Alphie ng mapansin na tumawa ako. "Nothing Sir. Tsaka 'wag na po pala Ms. Masuksok tawag niyo sakin. Ind- " napahinto ako. "Lindsay nalang po" "Okay Lindsay. Introduce yourself" nakangiting sabi ni Sir. Alphie. Umupo naman siya sa upuan niya sa tabi ng desk niya. Hindi ako ready dito ah. 'Di ko alam na may ganern pala dito. Nilibot ko muna ang paningin ko sa paligid para hanapin si Eduard. Napansin ko naman yung demonyo naka-upo tapos naka earphones at busy sa phone niya. 'Di ko alam kung nakita na niya ako. Pero parang hindi dahil mukhang may sariling mundo siya, e. Nag-ayos na ako ng sarili. Napansin ko naman yung isang lalaki na nakatitig sakin. Ngiting-ngiti siya yung nakakalokong ngiti. May kasama siyang dalawang lalaki. Naka-upo sila sa harapan. Nailang ako kaya agad 'kong inalis ang tingin ko sa kanila. Nag-ayos na ako ng tayo at sinimulan ko ng magpakilala. Hindi talaga ako ready dito promise. Hindi ko talaga napaghandaan ito. "Hello Everyone, I'm Lindsay Erolina Masuksok but you can call me Lindsay for short. I came from Subic Zambales. I'm 18 years old, single and ready to mingle." tumawa sila. "Echos ehe. I'm nice for those person who's nice to me" teka tama ba english ko? "That would be all Good Morning!" Kumaway-kaway pa ako pagkatapos kong magpakilala. Tumawa naman sila. Habang si Eduard ay busy parin sa phone niya. Walanh hiyang damuhong demonyo na yan! "Take your seat Ms. Lindsay" ngumiti si Sir Alphie. "Thanks Sir." Naglakad na ako para maghanap ng upuan. Pero bigla akong tinawag nung lalaking titig na titig sakin kanina. "Psssst!" Napalingon ako sakanya. "Yes? Ako ba?" paninigurado ko. Tinuro ko pa ang sarili ko. "Oo ikaw." ngumiti siya. "dito kana umupo sa tabi namin." Nailang naman akong lumapit sakanila. May limang upuan sa harapan may tatlong lalaki tsaka isang babaeng nakaupo pero sa bandang dulo bakante yung upuan. "'Wag ka ng mahiya." ngumiti siya. "Okay." Naglakad na ako palapit sa upuan. Dahan-dahan naman akong umupo at- "PUNYETA!" Bigla akong napamura ng matumba ako! Punyeta naman eh! Sabi ko na nga ba at hindi gagawa ng mabuti yung mga ganung klasi ng tingin at ngiti! Ang tanga-tanga mo talaga Inday! Hindi kana talaga nadadala kahit kailan! Alam mo namang suki ka ng ma bully eh! Nagtawanan naman sila habang nakatingin sakin. Ilang segundo din akong nakaupo sa sahig at hindi ako agad naka tayo dahil na shock ako sa nangyari. Tinitigan ko naman ng masama yung lalaki. Tsaka na ako tumayo at pinagpagan ang sarili ko. Hindi man lang ako tinulungan ng isa man lang sakanila. Nakakainis talaga 'tong lalaking kaharap ko! Tawa pa 'sya ng tawa dahil sa ginawa niya! Arrrgh! Nang matapos kong pagpagan ang sarili ko ay nilapitan ko yung lalaki. Sa galit ko nasampal ko 'sya. "Hoy!" ang sabi ko. "Hindi porke't bago ako dito! Pwede niyo na akong ganyan-ganyanin!" Nakita kong nanlakihan ang mga mata ng mga classmates namin dahil yata sa ginawa kong pagsampal sa satanas na to! Tumayo si Satanas mula sa upuan niya. Magkaharapan kami ngayon. Hanggang dib-dib lang niya ako. As-in todo nilapit niya ang katawan niya sa katawan ko. As-in magkadikit kami at inaangasan niya ako. "Mamili ka ng babanggahin mo" mahinang sabi niya. Pinagpawisan ako dahil sa ginawa niya. Hindi parin siya umaalis sa harapan ko. Napansin ko na walang paki alam si Sir Alphie. Busy kasi siya sa ginagawa niya. Naramdaman ko nalang na parang may humila sakin. Kaya nahiwalay ako kay Satanas. Hindi na kami magkadikit ngayon. Dahan-dahan ko naman tiningnan kung sinong humila sa braso ko. Nagulat ako dahil si Demonyo pala. "E-eduard?" Hindi niya ako pinansin. Pinalitan niya ako ng pwesto siya ang pumunta sa harapan ko at magkatapat na sila ngayon ni Satanas. Pata tuloy akong nanunuod ng laban. SATANAS VS. DEMONYO. Teka? Parang parehas lang yun? Okay nevermind. Ang hot nila pareho- Este ang yabang! Dinig na dinig ko naman yung sinabi ni Eduard. Magkatapat parin sila ni Satanas habang nagpapa angasan. Halos magkasingtangkad lang sila. "Piliin mo rin yung babanggahin mo Hanes!" maangas na sabi ni Eduard. Medyo nakaramdam ako ng saya. Medyo lang kasi parang pinagtatanggol ako ni Demonyo. Hanes pala ang name 'nya! Ang lakas maka T-shirtness. After sabihin 'yun ni Eduard ay hinawakan niya ang braso ko. "Sumunod ka sakin!" Sumunod naman ako sakanya. Hanggang makarating kami sa row ng upuan 'nya. May bakanteng upuan malapit sa upuan 'nya. "Upo!" utos niya. Hindi ko alam kung susunod ba ako sa gusto niya. Naiinis parin kasi ako sakanya. 'Di ko parin makalimutan yung ginawa 'nya sakin. "Hmm." ang sabi ko. "Upo!" pag-uulit niya. "Hindi na. 'Dun nalang ako oh" tinuro ko tung upuan. "Salamat na- "Uupo kaba dito sa tabi ko or bubuhatin kita papunta dito?" tanong nya. Umupo na siya sa upuan niya. Napa-isip naman ako sa sinabi 'nya. Para kasing napaka seryoso ng mukha 'nya. "Wala na bang ibang choices?" tanong ko. "Upo!" sigaw n'ya. Napatingin tuloy yung ibang classmates namin. Dahil do'n sa sigaw niya bigla akong napaupo sa tabi niya paano ba naman kasi parang lalamunin ako sa lakas ng sigaw niya. Hindi ko siya tinitignan. Nag dis-cuss na si Sir. Alphie. Tahimik lang akong nakikinig sakanya. Napatingin naman ako kay Eduard. Napansin kong nakatingin 'sya sa kagandahan ko. Pero agad niya 'din inalis ang tingin niya ng mahuli ko siyang nakatintin. Tiningnan ko naman siya ng seryoso. Habang nakatingin siya kay Sir. Alphie. "Anong tini-tingin mo diyan?" tanong 'nya. Agad kong inalis ang tingin ko sakanya. Busit na demonyong ito! 'Bat alam niyang nakatingin ako sakanya! May third eye ba sya? "Hindi kita tinitignan no!" depensa ko. "Feeling mo naman!" "'Wag kang magsi-sinungaling sakin Inday!" ang sabi niya. Habang nakatingin parin siya kay Sir. Alphie. "Ahh. . . eh" ang sabi ko. Ano ba yan! Busit na demonyong 'to! 'Bat kasi andami niyang tanong! 'Di naman ako na inform na may pa quiz pala agad! "Ano?" tanong niya. "Sa-salamat pala kanina." ngumiti ako kahit pilit lang. Wala naman siyang naging reaksyon sa sinabi ko. Seryoso parin siyang nakatingin kay Sir. Alphie. "'Wag kang magpasalamat" ang sabi niya. "Ganun talaga pag pogi na gentleman pa." Wow ah! Hiyang-hiya naman ako sakanya. "Ahhh. . . ang hangin no?" ang sabi ko. "Niloloko mo ba ako?" tanong niya. "Ikaw nagsabi niyan!" Napatahimik kami. Nakinig lang kami kay Sir. Alphie habang nag di-discuss siya about sa mga wines. "Inday" Napatingin ako kay Eduard ng tawagin niya ako. "Bakit?" tanong ko. "Ang ganda ko?" Napangisi siya. "Hindi." "Lol. Ano nga eh?" nakangisi ako. "Magkita tayo mamaya sa may park. Mamaya pagtapos ng klase." seryoso niyang sabi. "Ahh- "Hihintayin kita! Dumating ka kahit anong mangyari. Hihintayin kita hanggang bukas! Diko alam kung seryoso siya sa sinasabi niya. 'Bat naman siya makikipag kita sakin mamaya sa may park sa labas ng school. Nababaliw naba sya? Hm hihintayin raw niya ako hanggang bukas ano siya tanga? Sabagay tanga nga pala siya. Pero 'di naman siya ganun katanga para maghintay dun sa Park no! "Okay!" ang sabi ko. Bahala ka diyan aha! Makakaganti din ako sayo. Akala mo ah! Maghintay ka 'dun demonyo ka hanggang mamuti ang buhok mo aha! Ang talino mo talaga Inday! Maganda ka na nga matalino ka pa! Diba? 'San ka pa! "Okay let's have a break! Then hintayin niyo si Ms. Refis for your next subject!" ang sabi ni Sir. Alphie. Agad nagsilabasan ang mga classmates namin, pagkatapos sabihin ni Sir. Alphie na break na. Hindi ko napansin wala na pala sa tabi ko si Eduard. 'Nasan na kaya yung demonyong iyon? Baka may kung anong ginagawa na yun ah! Kailangan ko siyang sundan dahil yun ang trabaho ko. Pero 'nasan sya?. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nakita ko naman siya malapit sa pintuan kasama niya yung lalaking kasama niya nung nakita ko siya sa Mall. Arvy yata ang name 'nun. Whatever! Tinignan ko muna 'yung iphone ko bago ako lumabas ng Classroom. Tinignan ko muna yung mga nagtext. Nakita ko naman na may text pala si Edmon at si AvahDane. Una kong binuksan yung mga text ni Edmon. Natural, priority eh! Echos! Edmon: Okay ka lang ba? Kamusta first day? Edmon: Basta yung sinabi ko ah, 'wag mo nalang silang pansinin. :) Edmon: Huy Lindsay? Edmon: 'di kita masasamahan mamayang break ah. May practice kami sa music room eh. May band pala kami. Edmon: Ingat ka nalang :* Ang bait-bait talaga ni Edmon. Agad ko naman siyang nireplya. Me: Okay lang ako Edmon, ingat ka ah. May banda ka pala. Ingats po3wh! :))) Wala pang ilang minuto ng mag reply siya. Edmon: Salamat Po3wh! Ingat din po3wh! Aha! :D Natawa ako ng mabasa ko last message niya. Hindi ko na siya nireplyan. Tinignan ko naman yung mga text ni AvahDane. AvahDane: Uy Girl! Ikaw ah! Di mo man lang kinwento sakin na nag-aaral na u pala here. :D Tinawagan ko nalang si Bakla. May load naman ako eh. Tinatamad na kasi akong magtext. Wala pang isang minuto ng sagutin na niya yung tawag ko. "Hello Bakla?" bungad ko. "Hoy Girl! Ano na 'nasan ka?" "Nasa pwet mo nagkakape!" "Gaga! Wala ka naman!" "Boba ka talaga!" Natawa siya "Aha! Break na namin Girl. Kita nalang tayo sa Cafeteria! 'Dun na tayo mag chikahan!" "Okay sige baks!" ang sabi ko. "See you!" "Okay Girl." In end ko na yung Call. Hindi ko namalayan na wala na pala si Eduard sa paningin ko. Busit na demonyong 'yun! Saan kaya nagpunta? Naglakad na ako palabas ng classroom para pumunta ng cafeteria tsaka para hanapin na din si Demonyitong Edward!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD