Enjoy po! -Fetty the virgin. ;)))
ANG DIARY NI INDAY.
Written by Supermcluna
CHAPTER 7.
Dear Babe Diary,
Grabe Babe I miss you talaga! Madami akong ke-kwento sayo.
Alam mo ba na nagalit sakin kanina si Eduard ng nalaman niya yung sinumbong ko sa Mamabels niya.
Sinigawan niya ako ng bongga-bongga! As in ang sakit sa hart
Buti nalang talaga Babe ay nakita ako ni Edmon na nag Walking Out! Walking Out! Tas ayon Babe pumunta kami sa isang Coffee Shop. Pagdating namin doon, nakita namin si Bakla! Ang bongga diba Babe?. Ang bait-bait ni Edmon.
Kaya daw niya pinapunta si AvahDane dun ang panget na bakla dahil gusto daw niyang ma comfort ako ni AvahDane. Owimji! Alam niya palang LotLot and friends kami ni AvahDane. Kinwento pala ni AvahDane. Kaya ayun pinapunta siya ni Edmon dun sa Coffee Shop para daw ma comfort ako. Successful naman kasi nakakawala naman kasi talaga ng stress pagmumukha ni AvahDane.
Si AvahDane kasi Babe mas mukha siyang lalaki kesa bakla. Tapos di pa marunong mag make-up. 'Di naman malaki ang katawan niya sakto lang. Seksi naman siya.
Si Edmon naman Babe okay pangangatawan at halatang alagang-alaga sa Gym. Tapos yung buhok niya bagay na bahay sakanya.
Ganun din si Eduard pero mas mala-
Hmm wag na nga natin pag-usapan yun Babe. Galit pa kasi ako sa lalaking iyon. Hindi ko na siya bati.
Ito na nga Babe, nung umuwi kami kanina galing sa Coffee Shop nakasalubong namin si Tita Orieta.
"May sasabihin ako sainyo importante"
Nanlaki ang mga mata namin ni Edmon. Kasi naman ang look niya ay si Maleficent. Para niya kaming papatayin kung makatitig siya Babe.
"A-ano po iyon" Nauutal ako. "Wag niyo naman po akong tanggalan ng trabaho, mahal ko po ang trabaho ko"
Totoo yun Babe nagustuhan ko na ang pagta-trabaho ko dito kahit ilang araw palang ako. Joke lang yung sinabi ko kanina na Wala akong pake kahit tanggalin na nila ako sa trabaho. Pero ang totoo talaga hindi ko kaya yon Babe.
"Ano kaba! Hindi kita tatanggalan ng trabaho! Dahil magaling kang katulong! Gusto ko ang pagiging honest mo at sinusumbong mo ang mga ginawang hindi maganda ni Eduard!" Nanlalaki pa ang mga mata ni Tita Orieta habang nagsasalita.
Hindi ko alam kung matutuwa bako sa mga sinabi niya o makokonsensya dahil kay Eduard. Basta ang alam ko lang ngayon ay aksidente ko lang nasabi iyon dahil sa kadaldalan ko. Pero galit na galit parin ako kay Eduard at gusto ko maghiganti sakanya! Sobra akong nasaktan sa mga sinabi niya! Huhuhu! :'(((
"Salamat po kung hindi niyo po ako tatanggalin sa trabaho!" Nakangiti kong sabi. "Ano po palang sasabihin niyo?"
"Hindi ba't sabi mo ay hindi ka nakapagtapos ng college?" Ang sabi nito.
"Hindi po" Ang sabi ko.
Hindi naman talaga ako nakapagtapos ng College eh Babe kasi naman nadedobels na si Papabels kaya di ako nakapagtapos ng College. Kumuha ako ng kursong HRM kasi mahilig ako sa pagluluto. Pero hanggang first year lang ang natapos ko. Ang plano ko talaga ay maghanap ng trabaho tapos ayun nakita ko si Tita Orieta sa Sementeryo at na engganyo ako sa offer ni Tita Orieta hanggang nagustuhan ko naman ang pagiging katulong. Syempre mabait na amo mabait na anak except dun sa demonyo na iyon. Kilala mun yun Babe.
"I e-enroll kita!" Saad nito. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Tita Orieta. "Dahil malakas ang loob mong magsumbong sakin ng mga ginagawa ni Eduard at dahil gusto ko ang pagtatrabaho mo dito. Gagawin din kitang bantay ni Eduard pag nasa school siya!"
"Ahh-eehh-ihhh" hindi ako makapag salita. Dahil sa sinabibi niya.
"Tinatanggihan mo ba ang offer ko Inday?" tanong nito. "Kung ganun maari ka ng mag impake mga gamit mo"
O.A naman ni Tita Orieta impake agad! Ano to agad-agad? Kainis talaga yan Babe.
"Hala! Hindi po ah! Kailan po ba start ng klase ko?" tanong ko.
"Bukas!" ang sabi nito.
"Bukas na agad?" tanong ni Edmon.
"Hindi bukas, akala mo bukas?" pilosopong sabi ni Tita Orieta.
"HAHAHAHA!" tumawa ako.
"Shut-up!" sigaw niya. Huminto naman ako. "Siguraduhin mo lang na babantayan mo ng mabuti ang pinapabantayan ko sayo Inday! Kung hindi! Alam mo na ang mangyayari!"
Nanlalaki nanaman ang mga mata ni Tita Orieta. Gagawin ko ang inuutos niya alang-alang sa trabaho ko. Isa pa! Galit parin ako kay Eduard. Ngayon may karapatan na akong paki alaman siya dahil trabaho ko na din iyon! Hahaha!
Tinaas-taasan niya pa ako ng kilay bago siya naglakad palayo. Nakita ko naman si Edmon na tuwang-tuwa siya. Dahil siguro mag-aaral ako sa University na pinapasukan nila.
Sa totoo lang gusto ko talaga mag-aral. Para naman ma rampaness ko ang beautyness ko. Charrot lang! Kay Ma'am Althea pala yun ness ness chuchu nayun kilala mo ba yun Babe yun yung sa That Promdi Girl ni Kuya Owwsic pero pede naman hiramin minsan yung ness ness diba?
Okay edi wag! Damot!
Babe Diary excited na talaga ako kasi bukas na daw ako papasok. Sasabay daw ako ni Edmon sa pagpasok. Kasi daw galit pa sakin si Eduard. Kahit gusto kong sabihin kay Edmon na galit ako kay Eduard hindi ko nalang sinabi baka sabihin ang FC ko na masyado. Sabi din niya na magiging kaklase ko daw si Eduard at ng sinabi niya iyon ay nakita kong nag-iba ang mukha niya nawala ang ngiti niya. Hindi ko alam kung bakit. Then sabi din niya na HRM din daw ang course ni AvahDane pero sa ibang section daw ito kaya hindi kami magkaklase magiging magkaklase lang kami sa ibang subject. Si Edmon naman daw ay Civil Engineer ang course niya.
Si Eduard naman Babe hindi pa lumalabas ng kwarto simula kanina. Hinatidan lang daw siya ng pagkain ni Fetty.
Ay wag na nga natin pag-usapan yon! Nga pala Babe sabi ni Tita Orieta wag ko daw ipapahalata kay Eduard na binabantayan ko mga kinikilos niya at dapat daw ay sinusumbong ko lahat ng mga maling ginagawa niya. Okay ako dun dahil sa ginawa niya sakin nagalit ako sakanya.
Gagawin ko lahat para lang wag masira ang tiwala sakin ni Tita Orieta. Lalo pa ngayon na pinapag-aral niya ako. Alam kong malaki ang tiwala niya sakin dahil ngayon lang daw siya nag Hire ng taga bantay ni Eduard. Dahil bilib daw siya sakin. Dahil ang ibang katulong daw nila ay kapag nahuhuli nila si Eduard na may dinadalang babae sa bahay nila ay tinatakot ni Eduard ang mga ito kaya umaalis ang mga katulong.
Hindi ko na sinabi iyong babaeng inuwi niya nung isang gabi. Baka kasi madamay pa ako alam niyo na! Baka malaman pa ni Tita Orieta na tinulungan ko sila ako pa ang mapahamak. Pero sisiguraduhin ko na kapag nahuli ko siya ulit ay isusumbong ko na siya! Haha!
Hindi maganda ang nangyari ngayong araw na ito Babe Diary! Pero natuwa naman ako dahil makakapag-aral ulit ako ihihi napasaya naman ako nung kinain kong mga cakes na hanggamg ngayon nalalasaan ko pa! Kinakain ko nga sila yung pina tinake-out ko kanina eh ehe! Gusto mo ba Babe? Bleh! ;P
Excited narin ako sa pagbantay ko kay Eduardemonyo!
PS: I told you! Don't you dare to mess with LINDSAY EROLINA MASUKSOK!
Ang pinaka Dyosa na kamukha ni Anne Curtis Smith! Inday Yourlabs! #Dyosa Since 1998
°°°°°°°°°°°°
Grabe talaga 'di talaga ako makapaniwalang mag-aaral na ako ulit bukas ihi. Naubos ko na yung kinakain kong cakes na tinake-out ko kanina.
Pinatong ko yung diary ko sa lamesa na malapit sa kama ko. Alas-diyes na ng gabi pero di parin ako makatulog dahil sa dami ng ini-isip ko.
Excited na ako bukas na bantayan si Eduard! Gagawin ko ang lahat para lang hindi masira ang tingin at tiwala sakin ni Tita Orieta.
Nagdasal muna ako at tsaka ko pinikit ang mga mata ko at sinumulan ko ng matulog.
Kinabukasan maaga akong gumising dahil nga may pasok pa. Sinuot ko yung biniling uniform para sakin ni Tita Orieta bagay na bagay sakin yung suot kong uniform. Long sleeve ito na kulay puti at kulay itim na maigsing palda.
Paikot-ikot pa ako sa harapan ng salamin. Nag lipstick lang ako at nagsuklay. Tsaka nako lumabas ng kwarto ko.
"Inday!"
Alam na alam ko ang bosis ni Edmon. Dahil nakakausap ko na nga siya lagi. Bumaba na ako at pinuntahan si Edmon. Kanina ko pa siya naririnig sumigaw na aalis na daw kami. Sabi ko naman ay sandali lang.
Si Eduard naman kanina pa umalis para pumasok. Galit na galit ang postura ng mukha niya. 'Di niya ako pinansin at hindi rin siya kumain may banyo siya sa loob ng kwarto niya kaya malamang doon na siya naligo. Yung kwarto ko naman walang banyo. Unfair ba yun?
"Ang tagal mo naman Inday" Walang ganang sabi ni Edmon. "Tara na!"
"Sorry sumakit kasi yung tiyan ko sa mga kinain kong Cakes kagabi eh kaya ang tagal ko sa Cr kanina" Paliwanag ko.
Totoo naman kasi na sumakit ang tiyan ko! Katakawan ko kasi eh. Grabe talaga kanina akala ko mamatay na ako sa sobrang sakit ng tiyan ko kaya nagtagal ako sa banyo. Ayan tulou late na yata kami ni Edmon. Buti nalang mabaiy si Edmon at hinintay niya ako.
"Inday!"
Napalingon kaming dalawa ni Edmon sa nagsalita. Si Tita Orieta pala. May inabot siyang puting sobre sakin. Kinuha ko naman iyon.
"Tita sino pong may binyag?" Tanong ko. "Ano po ito?"
"Allowance mo yan" Nakangiti niyang sagot. Anghel ang look ngayon ni Tita Orieta kaya todo ngiti at banayad lang siya magsalita kapag kinakausap.
"Po?" Gulat kong sabi. "Sobra naman po itong tulong nyo sakin"
"Kapalit yan ng itutulong mo sakin bakit ayaw mo ba?"
"Ay alis na po kami bye!"
Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa sasakyan ni Edmon. Nang palabas na kami ng gate ay napansin ulit namin si Manong Guard at Fetty na nag haharutan nanaman kaya nagulat nanaman si Manong Guard at kunwari naman si Fetty na nagwawalis.
Natawa nalang kami ni Edmon Nang buksan na ng Guard ang gate ay agad na pinaandar ang sasakyan.
Habang nagba-biyahe kami papunta sa school ay naalala ko ang kabaitan ni Tita Orieta. Sobrang bait niya kasi una tinulangan niya akong magkatrabaho, tapos tinuring akong parang pamilya niya tapos pinag-aral ako tapos may pa allowance pa! Alam ko na?! Hindi kaya ako anak ni Tita Orieta? Ampon lang ako talaga ako ng magulang ko Hmm sapalagay niyo?
LINDSAY EROLINA ORESCANO!
Owimji! Pak na pak ihihi! Pero malabo yun mangyari kasi napakaganda ni Tita Orieta ako naman hindi. Baka naman nagmana ako sa Daddy ko? Taray Daddy!
"Alam mo ang ganda mo"
Napalingon ako kay Edmon tapos ay hinawi ko ang buhok ko. Parang pinaparating ko sakanyang sinabi ni I know right! ihihi.
"Kung mag-aayos ka lang"
"Okay na sana, e!" ang sabi ko. Tumingin ako sakanya. "Lumiko pa!"
Natawa naman siya. Hmm akala ko naman maganda na ako, e. Ganyan naman sinasabi nilang lahat sakin. Maganda daw ako kung mag-aayos daw ako nag-aayos naman ako pero wala din. 'Di naman kasi ako marunong mag-ayos tsaka mas gusto ko ang natural beauty! Pak!
Inhinto na ni Edmon ang sasakyan at tsaka niya pinark sa parking area. Sabay kaming naglakad ni Edmon papasok ng school.