Chapter 6

1725 Words
Thank you sa mga nag tiya-tiyaga magbasa sa story kong madrama at nakakaloka! #Dyosa since 1998 your one and only Inday yourlabs! ;))) ANG DIARY NI INDAY. Written by Supermcluna CHAPTER 6. Hindi ko talaga alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Matatakot o maaawa kay Eduard. Sa totoo lang nakaramdam ako ng awa kay Eduard. Nakonsensya ako dahil sa nasabi ko. Kung hindi kasi ako madaldal hindi na sana siya napagalitan. Ang tanga-tanga ko naman kasi. Maganda lang talaga ako pero tanga din minsan. Tanaw ko na si Eduard na naka-upo sa upuan sa garden. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya, natatakot kasi ako na baka anong magawa niya sakin. Pero naa-awa din ako sakanya dahil kung hindi sakin hindi siya mapapagalitan. Parang di kaya ng konsensya ko na hindi ko siya lapitan. Dahil sa awa ko lumapit narin ako sakanya. Nanginginig ang mga tuhod ko ng naglalakad na ako palapit sakanya. Dinig ko din ang pintig ng puso ko sobrang lakas ng kabog nito. Dahil sa takot at kaba. Nakayuko si Eduard at nakahawak ang dalawa niyang kamay sa kanyang ulo. Umupo ako sa tabi may isang upuan malapit sakanya. Alam kong naramdaman niyang may umupo sa tabi niya pero hindi niya ako pinansin. Hindi ko alam kung paano ko siya u-umpisahan kausapin dahil sa totoo lang diko talaga alam ang sasabihin ko. Ang tanging gusto ko lang sabihin ay 'sorry' at gusto ko lang siyang ma comfort kaya lang ay baka imbes na ma comfort ko siya ay baka lalo lang siyang mainis. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko u-umpisahan ang sasabihin ko- "What are you doing here!!!" Sigaw niya. Halos tumalon ang puso ko sa gulat at takot ko "You're a liar!!!" Napatayo ako sa upuan ko dahil sa kaba at takot. Totoo pala talaga na kapag frustrated, stress o depress ang isang tao nag e-english sila. "So-sorry Eduard hindi ko- Pinutol niya ang sasabihin ko "Leave me!!!" "Edward hayaan mo ko mag explain" "No!" "Please Eduard!" "No!" Galit na galit na ang tono niya "Katulong ka lang dito! Wala kang alam sa buhay ko! Masyado kang maraming pinakiki-alaman! Wala kang alam! Masyado kang pabida! Katulong ka lang naman! Gawin mo ang trabaho mo! Hindi yung pati ang buhay kong sira! Si-sirain mo pa!!!" Nanginig ako dahil sa sobrang lakas ng bosis niya nakaharap siya sakin ngayon as in sobrang magkadikit kami. Sobra akong nasaktan sa mga sinabi niya tama siya katulong lang ako dito kaya wala akong dapat paki-alaman pa. Kitang-kita ko ang mga mata niya na galit na galit. Nangi-ngilid na ang luha ko dahil sa mga sinabi niya. Pakiramdam ko ay babagsak na ito sa ilang sandali lang. Pero bago pa bumagsak ay tumakbo nako palayo. Napansin ko naman na papunta si Edmon sa amin. Pero nilampasan ko lang siya kahit na narinig kong tinatawag niya ako. Agad akong nagtungo sa kwarto ko at doon ko na nga binuhos yung luha ko. Iniisip ko yung mga sinabi ni Eduard sobra akong nasaktan sa mga sinabi niya. Sana hindi nalang namatay si Papa para hindi nalang ako nagkatulong. Hindi ko makalimutan ang mga sinabi sakin ni Eduard. Paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko yung mga sinabi niya. Sobra akong nasaktan. Hindi ako lumabas ng kwarto ko. Wala akong pake kahit palayasin na nila ako dito. Basta gusto ko muna ngayon ay mapag-isa ako tao din ako nasasaktan. "Inday?" Napalingon ako sa nagsalita. Nakalimutan ko palang ilock ang pintuan. Akala ko si Eduard ang pumasok pero naalala ko yung sinabi sakin ni AvahDane na si Eduard daw ay may nunal sa Adams Apple niya si Edmon naman wala. Kaya nalaman ko na si Edmon ang pumasok. Hindi ko siya sinagot pinunasan ko yung luha ko. "Umiiyak kaba?" Tanong niya at umupo siya sa tabi ko. "Hindi" "Ayoko ng sinungaling" "Hindi nga eh" Ayoko kasi sabihin na umiiyak ako dahil nakakahiya baka sabihin nagpapa-awa effect ako sakanya. Mahirap na baka masumbatan nanaman ako. "Sige ikaw din" pangungulit nito. "Tara sumama ka sakin!" tsaka niya hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pero parang nakahanap ako ng kakampi at kahit papano ay na comfort ako. 'Di ko alam kung saan niya ako dadalhin basta sumunod lang ako sakanya. "Saan ba tayo pupunta?" 'di ko na mapigilan magtanong. "Basta sumunod ka nalang" saad niya "Sakay!" Ang sabi niya pagkatapos niyang buksan ang pintuan ng kulay maroon na sasakyan niya. Paborito niya siguro talaga ang kulay maroon kasi sabi niya siya daw ang nag design ng bahay nila kulay maroon din kayo ang bahay nila. Sumakay naman ako at pagkatapos ay sumakay din siya. 'Di ko alam kung bakit ang bait-bait sakin ng Edmon na ito. Ayoko bigyan ng meaning dahil ayoko mag assume dahil takot na akong mag-mahal dahil minsan nakong nasaktan at yun ay kay Gretz! Nag-umpisa ng mag drive si Edmon. Tahimik lang kami sa biyahe. Hanggang ihinto na ni Edmon ang sasakyan. Bumaba kami sa isang Coffee Shop. First time ko makapunta sa ganitong lugar. Niyaya ako ni Edmon na pumasok sa loob. May mga couple sa loob. Halatang mayayaman sila. Yung iba naman Hashtag #Lonely yung iba naman parang Hashtag #ItsComplicated pero ito yung mas umagaw ng atensyon ko. "AvahDane!!!" Sigaw ko. Napatingin lahat ng tao sakin. Yung iba nagalit, yung iba naman natawa. "Eskandalosa!" "Firs time!" "Bariotic!" Yan ang mga narinig ko sa mga taong nandito kaya nakaramdam ako ng hiya. "Girl!" Ang sabi naman ni AvahDane tsaka niya ako nilapitan. Niyaya niya kaming umupo doon sa table niya. "Oh buti nandito ka?" Tanong ko. Naka-upo na kami ngayon. Magkatabi kami ni Edmon sa isang upuan na pahaba at sa kabilang upuan naman ay mag-isa lang si AvahDane. "Sinabi kasi sakin ni Fafa Edmon na may problem ka daw" Saad niya at halatang nagpapacute kay Edmon ang bakla ng taon. "Eh alam pala nitong si Fafa Edmon na LotLot and Friends tayo Girl! Kaya ayun gusto niya ma comfort ka kasi daw may problem ka" Napatingin naman ako kay Edmon. "Ehe" medyo natawa lang siya. "Salamat" Mahina kong sabi. "Basta ikaw" Saad niya. "Oh sige mag-usap muna kayo diyan ah order lang ako" Tumayo nga si Edmon para mag order. Agad naman pinakwento sakin ni AvahDane ang nangyari kinwento ko naman sakanya lahat. "Naku Girl. Ganyan talaga yang si Eduard si Edmon naman sobrang bait niyan! Kaya lang Girl be careful ah!" Ang sabi niya. "Bakit naman baks?" Takang tanong ko sakanya. "Hm- basta" Ang sabi niya at nahinto siya sa pagsasalita ng bumalik na si Edmon. Napansin ko naman yung dala ni Edmon. Tatlong kape, anim na slice ng iba't-ibang flavor ng mga cake. Sa totoo lang ngayon lang ako makakatikim ng ganitong klaseng kape at ganitong klase ng mga cakes. Sabik na sabik na akong matikman ito kaya naman agad akong kumuha ng ilapag ni Edmon yung mga cakes at kape. Kumagat agad ako sa cake at napansin kong nagtinginan silang dalawa sakin. "Ay ehe kain! Sorry ah ngayon lang kasi ako naka kain nito" "It's okay, ito pa oh" Nakangiting sabi ni Edmon at inabot niya yung isang cake. "Thanks ehe!" Ang sabi ko. Kinuha ko yung kape at humigop ako diko namalayan na mainit pala kaya napaso ako "Aray!" Sabi ko. "Oh mainit yan!" Medyo malakas na sabi ni Edmon halata mong nag-aalala siya. "Sorry na excite lang ako ehe" "Ang swerte mo naman diyan kay Fafa Edmon Girl! Sana ako nalang ikaw ehe!" Pabebe na si Bakla. "Naku bakla sayang ang ganda ko kung sayo lang mapupunta!" Tumawa ako. "Joke lang" Tumawa naman silang dalawa. "Ano ba yung joke dun?" Tanong ni AvahDane. "Ang slow mo naman!" Napangisi ako. "Mas natawa kasi ako sa sinabi mong sayang ang ganda mo eh!" Natatawang sabi niya. "Bakit maganda kaba?" Dagdag pa niya. "Maganda naman siya ah" Pagtatanggol ni Edmon. "Hmm!" Ang sabi ko at dinilaan ko siya. "Taray mo Girl ah! Ikaw na talaga!" Ang sabi niya at humigop siya ng kape. Ako naman patuloy lang sa pagkain ng cake sila yung tig-isa nilang kinakain na cake hanggang ngayon dipa nila nauubos samantalang ako nakakatatlo na. Bakit kaya ganun ang mga mayayaman no?. Ang hilig sa patira-tira sa pa konti-konti tas iiwanan lang. Nakakapanghinayang! Ilang sandali pa ay nagyaya na si AvahDane na umuwi dahil hinahanap na daw siya ng tiyahin niyang dragon. Nauna siyang bumaba ng sasakyan dahil nasa unahan lang ng sudvision ang bahay nila. "Bakla! Salamat ah!" Sigaw ko. "Naku Girl basta ikaw! Kahit kailan! Kahit saan! Ngayon, bukas at magpakailanman! Maalala mo kaya yung number ko sayo bakla? I'm only one call away! Tawagan mo lang ako ah! Kapag may kailangan ka!" Nagdrama na si Bakla. Taray niya baklang-bakla nga siya dahil sa mga sinabi niya. Dinamay niya pa yung mga palabas at ang kantang One Call Away sa kachuchuan niya. "Oh sige Bakla diko makakalimutan yung number mo, salamat ulit!" Biniga niya yung number niya kanina para daw kapag may kailangan ako ay agad ko siyang tawagan. Binigay din ni Edmon ang number niya. "Sige Girl babush! Ingat kayo! Be safe ah mag condom ka Fafa Edmon!" Kadiri naman tong baklang to! Anong akala niya sakin! Pero pede din! Eh! Ano ba yan naiisip ko! "Gaga!" Sigaw ko. Natawa naman si Edmon sakanya. "AVANZANO DANILO BONIFACIO Jr!" Dinig na dinig namin ang bosis ng tiyahin niyang dragon. "Ayan na po Barney!" Malakas na sabi ni AvahDane. Natawa nalang kami at pinaandar na nga ni Edmon ang sasakyan para umuwi kami. Pagdating namin sa tapat ng gate ay napansin namin si Hetty at si Manong Guard Pong na naglalandian nanaman. Napansin ko din sila nung isang araw na naglalandian sila. Grabe talaga si Hetty! Ganda! Napahinto lang sila ng bumusina si Edmon. Natulak naman ni Manong Guard Pong si Hetty dahil sa gulat nilang dalawa. Agad tumayo yung si Manong Pong sa upuan at agad binuksan yung Gate. Bumaba na ako ng sasakyan. Diko na napansin si Eduard sa Garden. As if naman mag i stay siya dito. Pumasok na kami sa loob ng bahay napansin ko naman ang seryosong muka ni Tita Orieta na nakatingin sa aming dalawa ni Edmon. "May sasabihin akong importante!" Ang sabi niya. Bigla akong kinabahan sa sasabihin ni Tita Orieta. Nakakatakot kasi ang look niya ngayon ginaya lang naman niya si Maleficent.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD