ANG DIARY NI INDAY Written by, Supermcluna. CHAPTER 24. - “Lahat kayo! Ay suspended ng tatlong araw!” Napanganga nalang ako sa sinabi ni Mrs, Ravena. Suspended ng tatlong araw? Seryoso ba siya? Nasa loob kami ngayon ng office ni Mrs, Ravena. Kasama ko sina Edmon, Eduard at Maria Harina. Ang sarap ulit sampalin ni Maria. ‘Yung mag-asawang sampal na may kabit! “What the f**k?!” sigaw ni Eduard halatang nagulat siya dahil nasuspende kami, pati siya ay nadamay pa. Medyo nakaramdam tuloy ako ng awa. Bigla siyang tumayo at nag walk out. Sinundan naman siya ni Maria Landi. Susundan ko siya, baka kasi kung ano nanaman ang gawin ni Maria Harina do‘n e. Tatayo na sana ako at maglalakad palabas ng bigla akong pigilan ni Edmon. “Hayaan mo muna siya” Tumango nalang ako at inayos ko

