ANG DIARY NI INDAY Written by, Supermcluna CHAPTER 23. - Dear Babe Diary, Nakakaloka talaga ang mga pangyayari ngayong araw na ‘to. Magmula sa school na nahirapan akong makalabas kay Ma‘am Volcan. Nalaman ko pang ‘di tuli ‘yung cute na si Arvy the dragon. Yes Babe, cute si Arvy, maputi siya, medyo chubby at matangkad, medyo may sayad lang. Hindi pala medyo as in may sayad. Okay nevermindness Arvy na. May ke-kwento pa ako sa‘yo e. Tapos alam mo pa ba? (Syempre hindi pa) kanina nagpunta ng bar si Eduard tapos nagkasagutan nanaman kami Babe #Mashaket </3 napa english pa ako do‘n ah Babe! Actually ngayon ko lang narealized na nakapag english pala ako no‘n hehez. “I care for you!” I‘m shook Babe! ‘Di ko alam kung ba‘t ko nasabi ‘yon. Pero okay lang may pake naman talaga ako sakanya

