ANG DIARY NI INDAY.
Written by Supermcluna
CHAPTER 10.
Dear Babe Diary,
Ang sakit-sakit parin talaga ang ginawa sakin ni Eduard. Ginawa niya akong tanga Babe. Inuto niya ako. Pinaniwala niya ako na hihintayin niya ako sa may Park sa tapat ng school. Pero hindi naman pala Babe.
Huhuhu! ;((( Sobrang sakit sa Hart Hart Babe!
Kanina nung pumasok ako Babe. Kasabay ko ulit si Edmon. Tinanong niya 'bat tahimik ako. Nagtataka daw siya kasi hindi daw ako madaldal. Sinabi ko nalang na masama ang pakiramdam ko. Hindi ko na sinabi sakanya yung nangyari.
Pagpasok ko sa classroom namin Babe. Hindi ako pinansin ni Eduard. Parang walang nangyari Babe. Sobrang manhid niya! Hindi man lang siya nag sorry babe! Ang kapal-kapal talaga ng mukha niya! Grabe talaga siya! Arrghhh!!!
Hindi ako tumabi sakanya. Umupo ako sa bandang dulo. Ako lang mag-isa dun sa row. Wala akong kasama. Pero okay lang Babe. Sanay naman kasi akong mag-isa!
Kasama ko ngayon si AvahDane dito sa Cafeteria Babe. Nag-order ako ng burger at Juice. Ganun 'din ang in-order ni AvahDane.
Hindi namin kasama si Edmon Babe. Dahil may practice sila ng banda niya sa Music Room. Mag pe-perform kasi sila sa Intrams. May party din kasi sa gabi.
Kanina pa ako kinukulit ni AvahDane Tinatanong niya kung ano daw nangyari sa pagkikita namin ni Eduard. Tinatanong niya kung bakit daw ako tahimik. Natuloy daw ba yung pagkikita namin oh tinalkshit ko daw ba si Eduard.
Kanina pa din niya ako kinukulit Babe. Kung ano daw 'bang sinusulat ko. Ina-agaw kapa niya 'sakin Babe as if naman ibibigay kita sakanya.
Tsk kainis talaga yung demonyitong Eduard na iyon Babe. Tsk!!!
Badtrip but still pretty Inday Yourlabs, #Dyosa since 1998.
-
Tsk! Hindi mawala sa isipan ko yung ginawa sakin ni Demonyitong Eduard! Kada minutong lumipas ay sumasagi siya sa isipan ko! Naiinis ako sakanya at naiinis din ako sa sarili ko dahil nagpa-uto ako. Nagpapaniwala nanaman ako! Dahil ang tanga ko!
Kanina pa ako kinukulit ni AvahDane. Bakit daw ba ako malungkot. Bakit daw hindi ako nagsasalita. Tinatanong niya din kung ano yung sinusulat ko kanina.
Mukhang hindi naman titigil si AvahDane sa pangungulit sakin. Kaya kinuwento ko nalang sakanya yung nangyari. 'Mula 'dun sa text ni Eduard, tapos nung pinuntahan ko siya sa Park pero wala siya. Pati yung pagsampal ko kay Eduard. Napahawak pa sa bibig si AvahDane ng sabihin kong sinampal ko si Eduard. Nanlaki ang mata niya na para bang 'di makapaniwala na nagawa ko 'yon. Muli akong nakaramdam ng pagka-inis at galit dahil naalala ko nanaman yung nangyari!
"Grabe naman pala Girl!" ang sabi ni Eduad.
Hindi ko nalang siya pinansin. Kumagat ako sa burger ko at uminom ako ng Juice.
Napansin ko naman si Eduard na kasama nanaman si Arvy. May kasama nanaman siya panget na babae. Ibang babae nanaman ang kasama niya. Hindi si Maria.
Agad kong kinuha ang phone ko para picturan siya habang may kasamang babae. This time gagantihan ko na talaga siya! Hindi na ako magpapa-uto. Nek nek niyang bulok dahil makakapaghiganti na ako sakanya.
Si AvahDane ang inutusan kong kumuha ng picture kanila Eduard at sa kasama niyang panget na babae. Ang epic pa kasi may flash pala yung phone ko. Hindi pinatay ni AvahDane. Naku talaga 'tong baklang to! Tutuktukan ko talaga 'to!
Si Bakla naman kunwari ay nag se-selfie. Todo pose tuloy siya. Napatingin naman si Eduard sa gawi namin. Saglit kaming nagkatinginan. Agad ko din inalis ang tingin ko sakanya.
"Bilisan mong kumain!" ang sabi ko kah AvahDane.
Lumingon naman si AvahDane. Pareho namin nakita na palapit si Eduard sa amin. Muli nanaman akong nakaramdam ng galit at pagkainis.
"Inday, mag-usap tayo." ang sabi ni Eduard.
Tangina aha! Ano nanaman kayang kalokohan to? Nek-nek niyang bulok 'di nako magpapa-uto sakanya.
"Putangina naman Eduard! Ano pa 'bang gusto mo?" sumigaw na ako, nagtinginan ang mga tao sa amin dito sa Cafeteria. "Kulang pa ba 'yung ginawa mo 'kong tanga kagabi?! Tangina naman Eduard! Tao naman ako ah! Nasasaktan 'din ako! Hindi ako laruan! Kung paglalaruan mo ako, kung gagawin mo 'kong tanga! Inform mo naman ako! Para naman aware ako!"
"Wala akong paki-alam sa sinasabi mo! Ang guto ko lang ay mag-usap tayo!" ang sabi niya. "May kailangan tayong pag-usapan!"
"Tangina naman Eduard ow! Wala kang pake? Ano? Manhid kaba talaga? Aha!" garalgal na yung bosis ko. Ang sakit kasi eh. Parang sakanya wala lang yung nangyari. Porke't hindi siya yung nasa sitwasyon ko. "Ano pa 'bang gusto 'mong mangyari ah? Ano pa 'bang gusto 'mong makita? Gusto mo 'bang makitang mahulog ako sa building? Malunod ako sa hilog? Masagasaan ng bus? Ah?"
Tumayo si AvahDane at pumunta sa likuran ko. Sobrang sumisikip na yung dib-dib ko. Pinipigilan kong umiyak. Ayokong umiyak dahil alam kong pagtatawanan nanaman ako ng busit na Demonyitong ito.
"WOW! Inday anong kadramahan 'to? Aha! Baka nakakalimutan mo katulong ka lang namin! Kaya dapat sumunod ka sa inuutos namin! Ma swerte ka nga dahil pinag-aral ka ni Mommy dito sa mamahalin na eskwelahan diba?!" sumisigaw na siya. Hindi ko na mapigilan na hindi maiyak dahil sa mga sinabi niya. "'Wag kang mag inarte diya-
Napahinto siya sa pagsasalita ng sinampal ko siya. Bigla niya akong tinulak nang sampalin ko siya. Napa-upo ako sa sahig. Tinulungan naman ako ni AvahDane makatayo. Galit na galit siyang nakatitig sakin. Isa talaga 'syang demonyo! Wala 'syang kwentang tao!
Kahit pigilan kong 'wag maiyak ay kusang tumulo ang mga luha ko. Umayos ako ng tayo at hinarap siya. Pinunasan ko din 'yung luha ko.
"Oo! Katulong niyo lang ako! Pero hindi ibig sabihin 'nun pwede mo na akong gawing tanga!" ang sabi ko. Muli nanaman bumagsak ang mga luha ko. "Pero hindi ibig sabihin 'nun susundin ko lahat ng gusto mo! Tangina naman Eduard, katulong ako pero sa naman 'wag mo akong gawing tanga! Tao rin naman ako may damdamin din na nasasaktan!"
Titig na titig naman siya sakin. Galit na galit ang kanyang itsura. Nakayukom 'din ang kanyang mga isang kamay na para 'bang gusto akong suntukin.
"Alam mo? Akala ko mabait ka talaga! Akala ko mali lang ako ng unang tingin sa'yo na mayabang ka, na masama kang tao! Pero hindi pala! Totoo pala ang mga iyon! Tama pala ang sinasabi ng nanay mo at kapatid mo! Masama kang tao! Demonyo!" nanginginig na ako. Hindi dahil sa malamig. Dahil sa sobrang galit ko sakanya.
Tumakbo ako palabas ng cafeteria at lumabas ako ng campus. Napansin kong sumunod sakin si AvahDane. Mabilis akong tumakbo kaya malayo na agad ako kay AvahDane.
Nadinig kong tinatawag ako ni AvahDane pero 'di ko siya nilingon. Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Gusto ko ngayon ay mapag-isa. Gusto kong isigaw lahat ng problema ko! Gusto kong magwala! Gusto kong ilabas lahat ng hinanakit ko.
Patuloy lang ako sa pagtakbo habang patuloy lang din sa pagpatak ang mga luha ko. Hindi ko na narinig si AvahDane. Hindi na rin niya ako sinusundan.
Hindi ko alam kung saan ako napunta. Tahimik lang sa lugar na ito. Tanging mga malalabong na damo at mga puno ang aking nakikita.
Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Hanggang makaramdam na ako ng pagod. Napahinto ako yumuko ako at napahawak ako sa dalawa kong tuhod at hingal na hingal ako dahil sa pagtakbo. Pinunasan ko yung luha ko tsaka ako nagpatuloy sa paglalakad.
Ayoko munang umuwi. Gusto ko munang mapag-isa. Kung hindi lang sana namatay si Papa. Sana hindi ko nararanasan ang mga ito.
"Inday?"
Biglang may tumawag sa pangalan ko. Medyo familiar yung bosis niya. Lumingo naman ako at nakita ko si Manong Driver. Naglalakad lang siya ngayon. Wala siyang dalang tricycle.
"He-hello po Manong-
Napahinto ako dahil hindi ko pa nga pala alam ang pangala niya.
"Mitsu." ngumiti siya. "Umiiyak ka ba?"
Hindi ko siya sinagot.
"May problema kana naman no?" tanong ni Manong Mitsu. "Halika sumama ka sakin."
Nagdalawang isip naman ako kung sasama ba ako kay Manong Mitsu. 'Di ko pa kasi siya gaanong kakilala kaya 'di ko alam kung sasama ba ako o hindi.
"Sumama ka na." ngumiti siya. "Wala akong gagawing masama sa'yo"
Sumunod nalang ako kay Manong Mitsu. 'Di ko alam kung saan kami pupunta basta sumunod lang ako sakanya. Hanggang may makita akong isang bahay kubo. Medyo liblib na lugar siya. Ito lang din yung bahay na nakatayo sa lugar na ito. May napansin akong mga halaman na nakatanim sa tabi ng bahay. Mga gulay. Napansin ko din 'yung tricycle niya na nakaparada 'dun sa gilid ng bahay niya. Nilibot ko ang mata ko sa paligid. May napansin akong ilog sa likuran ng bahay niya.
"Kami nalang dalawa ni Roadie sa buhay." ngumiti siya ng mapakla.
Bigla naman may dumating na aso na tumatahol. "Roadie kaibigan siya. Siya si Ate Inday."
Yung aso pala yung Roadie. Hinawakan ko yung ulo ng aso at hinimas ko.
"Roadie name niya. Kasi muntik ko na 'yan masagasaan. Binigay sakin ng amo niya na si Boy. Kasi daw mas maaalalagaan ko daw si Roadie." ngumiti si Manong Mitsu. "Nakita daw niya kasi kung gaano ako ka Concern kay Roadie ng muntik ko na siya masagaan."
Tumango-tango lang ako habang nag ke-kwento si Manong Mitsu sakin.
"Simula 'nun naging suki ko na si Boy sa pagsakay niya sa tricycle ko." ngumiti siya.
"Asan na po ang pamilya niyo?" hindi ko na maiwasan na hindi magtanong.
Napatanaw sa malayo si Manong Mitsu. "Wala na sila."
Para naman akong nainis dahil sa tinanong ko. Parang pinalungkot ko lang si Manong Mitsu.
"So-sorry po" ang sabi ko.
"Okay lang." ngumiti siya ng mapakla. "Na aksidente kasi kami habang nag mamaneho ako ng tricycle. Namatay ang mag-ina ko. Siguro kasing laki muna yung anak ko. Kung 'di siya namatay."
Nalungkot ako sa kwento ni Manong Mitsu. Saglit kong nakalimutan ang mga problema ko. Parang naisip ko bigla na may tao pa palang may mas mabigat na problema sakin.
"Halika sumunod ka sakin." anyaya niya.
Sumunod naman ako sakanya. Hanggang makarating kami sa 'tabing ilog. Malinis yung ilog. May ganito pa pala kalinis na ilog dito sa Manila. Akala ko ay sa mga probinsya nalang may ganito. Nakapaganda din ng view. May mga puno sa tabi ilog.
Umupo kami ni Manong sa damuhan. Sa tabi ng ilog.
"Dito madalas magpunta si Boy, kapag may problema siya. Nilalabas niya ang sama ng loob niya sa pamamagitan ng paghagis niya ng bato sa ilog. 'Yun ang tinuro ko sakanya. Nakikita ko sa mga mata mo na may problema ka. Dahil ganyan na ganyan si Boy sa tuwing nakikita ko siyang may problema." salaysalay ni Manong.
Tumayo si Manong Mitsu at may kinuhang isang balde. Nang tignan ko kung anong laman ng balde ay mga bato. Medyo malaki yung mga bato.
"Sige. Ilabas mo ang galit mo, ilabas mo mga hinanakit mo sa pamamagitan ng pagsigawa at paghagis mo ng mga bato na iyan." ang sabi ni Manong. Tska siya naglakad palayo. Hinayaan niya akong mapag-isa.
Tumayo nama ako at agad kong hinawakan yung isang bato. Hinawakan ko ng mahigpit tsaka ko hinagis ng malakas sa ilog.
Sumigaw ako ng hinagis ko yung bato.
"Walang hiya ka Eduard!"
"Manhid ka! Wala kang puso!"
"Demonyo!"
Naging sunod-sunod ang paghagis ko ng bato. Muli akong naiyak. Muli kong naalala yung mga nangyari sakin.
"Pa! Ang sakit. . . ang sakit-sakit!"
"Pa! 'Bat ganyan si Mama?"
"Pa! Sana hindi ka nalang namatay!"
"Pa! 'Bat ang bilis ni Mama nakahanap ng bago?"
Patuloy lang ako sa pag-iyak habang naghahagis parin ako ng mga bato. Hanggang maubos na yung mga bato. Nanghina ang mga tuhod ko at napaluhod ako. Napayuko ako at pinunasan ko yung luha ko.
Napansin ko naman na nasa harapan ko si Manong Mitsu. Parang nakita ko sakanya. Si Papa, si Papa na laging nandiyan kapag may problema ako. Si Papa na laging nandiyan sa oras na kailangan ko! Si Papa na hinding-hindi ako pababayaan. Pero wala na si Papa. Kung hindi lang sana siya nawala. Sana hindi ako nahihirapan ng ganito.
Tumayo ako at nang makatayo ako ay napansin kong malungkot na nakatitig sakin si Manong Mitsu.
Binuka niya ang kanyang dalawang kamay. Na tila ba sinasabi na yakapin ko siya. Agad naman akong tumakbo sakanya. Niyakap ko siya. Naramdaman ko sakanya na parang siya ang Papa ko.
Umiyak ako sa balikat ni Manong Mitsu. Hinaplos naman niya ang buhok ko.
"Psssh" pagpapatahan niya sakin.
Sobrang bait ni Manong Mitsu. Hindi ko parin mapigilan na hindi maiyak. Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak sa balikat niya.