Chapter 11

2323 Words
Enjoy! :))) salamat sa mga nagbabasa/sumusuporta kay Inday! ANG DIARY NI INDAY. Written by Supermcluna CHAPTER 11. Dear Babe Diary, Nag-away nanaman kami ni Demonyitong Eduard! -_- Alam mo ba na may kasama siyang babae kanina. Pinicturan ko pa siya Babe! Ipapakita ko talaga 'to kay Tita Orieta! Wala na siyang ginagawang matino sa buhay niya! Tapos inaway nanaman ako kanina Babe ang sakit-sakit! Sinabihan nanaman niya ako ng mga masasakit na salita ;((( Tumakbo ako ng tumakbo Babe. Hanggang 'di ko na alam kung nasaan na ako. Tapos nakita ko si Manong Mitsu. Yung tricycle driver. Pinunta niya ako sa bahay niya. Tapos dinala niya ako 'dun sa may tabing ilog. Sabi niya maghagis daw ako ng bato 'dun sa ilog. Ilabas ko daw yung galit ko. Ginawa ko naman effective naman Babe. Niyakap ko pa si Manong Mitsu. Parang siya kasi si Papa. Ang bait-bait ni Manong Mitsu. Pinakain niya pa ako kanina ng sardinas na may malunggay. Na miss ko yung pagkain na iyon. Ang galing at sarap niya magluto Babe. Tapos hahatid niya pa ako. Nakasakay nga pala ako sa Tricycle niya ngayon Babe! Hahatid na niya ako sa Orescano Subdivision. 3:00pm palang, nasa school pa sina Eduard at Edmon. 5:00pm pa kasi ang uwian namin Babe. Buti nalang at pag-uwi ko wala pa si Eduard. Ayaw ko kasi talaga siyang makita. Hanggang dito nalang muna Babe. Malapit na kami sa Orescano Subdivision ni Manong Mitsu. I'm your one and only Inday Yourlabs #Dyosa Since 1998 - Hays. Kahit pa-paano na comfort naman ako ni Manong Mitsu. Medyo nawala ang pagka-inis at badtrip ko ngayong araw. Nakasakay ako ngayon sa tricycle ni Manong Mitsu. Ang bait-bait niya sobra! Parang siya ang Papa ko. Malapit na kami makarating ni Manong Mitsu sa Orescano Subdivision. Buti nalang at wala pa si Eduard sa bahay. 3:00 PM palang kasi. 5:00 PM talaga ang uwian. Hindi na ako bumalik sa school simula 'nung tumakbo ako at nakita ko si Manong Mitsu. Hindi pa kasi ako handang pumasok ngayon. Ayoko makita ang pagmumukha ng Demonyitong lalaking iyon! Pumasok na kami ni Manong sa gate ng Orescano Subdivision. Kilala na ako ni Manong Guard na maliit na maitim. Kaya agad na niya kaming pinapasok ng subdivsion. Ilang sandali pa nakarating na kami sa tapat ng bahay NAMIN. Echos. Bumaba na ako ng tricycle at inabutan ko ng 200 pesos si Manong Mitsu. Ayaw niya pang tanggapin 'nung una pero sabi ko pag hindi niya kinuha hindi na ako sasakay at hindi na ako bibisita sakanya ulit. Sabi kasi niya bumisita raw ulit ako sakanya kapag may free time ako. Nag ngitian kami ni Manong Mitsu. Pumasok na ako ng Gate. Nakita ko naman si Manong Guard na kausap si Fetty. Naglalandian nanaman yata. Aalis pa sana si Fetty sa lap ni Manong Guard. "'Wag kana umalis Fetty alam ko namang may relasyon kayo ni Manong aha!" medyo natawa ako. Napangisi silang pareho. "Hmmm" Naglakad na ako papasok ng bahay. Napansin ko naman si Tita Orieta na nakatayo siya sa tabi ng pintuan. Mala Elsa ang datingan niya ngayon. Parang gusto ko tuloy magkanta ng Let it go! ? Let it go! ? Dahan-dahan siyang humarap sakin. "Kailangan natin mag-usap Inday!" Agad akong pumasok sa loob. Niyaya ako ni Tita Orieta na umupo sa may sofa. Doon raw kami mag-uusap. May nakahandang juice at sandwich sa may mesa. Medyo gutom ako kaya agad akong uminom ng Juice at kumuha ng isang sandwich. Umayos ng upo si Tita Orieta at nagsalita na. "Kakatawag lang sakin ni Edizon." tumingin sakin si Tita Orieta. "Kailangan ko raw sumunod sakanya sa Canada." Napatingin ako ng seryoso kay Tita Orieta. Hindi ko alam 'bat sinasabi sa akin to ni Tita Orieta? Isasama niya ba ako sa Canada? I'm not yet ready. I'm not english speaking. Tama ba english ko? "Dahil malaki ang tiwala ko sa'yo Inday. Gusto kong ikaw ang mamahala dito sa bahay. Itutuloy mo parin ang pagbabantay kay Eduardo." nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Tita Orieta. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Pero don't worry dahil makakasama mo si Lolo Alfredo. Pero bantayan mo ang kinikilos nilang dalawa ni Eduard. Dahil si Lolo Alfredo ini-spoiled niya si Eduard." Ow kindness naman pala si Lolo Alfredo kay Demonyitong Eduard. "Don't worry Tita Orieta! I will do my best!" Napapalakpak pa si Tita Orieta. "Kailangan pagbalik ko dito Inday sabihin mo lahat sakin ng nangyari dito! Tuwing linggo ay tatawag ako para ipa report sa'yo ang mga nangyayari dito." "Okay po." ngumiti ako. "Very good Inday!" ngumiti siya. "Bukas na ang flight ko. Ingat kayo dito. Inaasahan kita Inday! I know na hindi mo ko bibiguhin. I trust you Inday!" Kitang-kita ko ang mga mata ni Tita Orieta na nagsasabing 'Inday ang ganda mo' Echos! nagsasabing 'Inday may tiwala ako sa'yo' "Makaka-asa po kayo Tita Orieta!" ngumiti ako. - Hindi ko bibiguhin si Tita Orieta. Napa-isip ako kung ipapakita ko na ba kay Tita Orieta yung mga pictures ni Eduard na may kasamang babae. Pero naisip ko 'din na pagbalik nalang niya galing ibang bansa. Anim na buwan lang naman siya sa Canada. May aasikasuhin raw na business. Baka kasi kapag pinakita ko na agad yung mga pictures ma stress pa si Tita Orieta at baka mapuyat pa siya at mamoblema pa. May flight pa naman siya bukas. Kaya iipunin ko nalang muna yung mga magagawang kasalanan ni Eduard at sabay-sabay kong ipapakita kay Tita Orieta pagbalik niya ng Pilipinas. "HAHAHAHA!" napatawa pa ako na parang isang Demonyong may masamang balak. habang nakahiga ako sa kama ko. Humanda ka Eduard, katapusan muna! Aha. Gagawin ko ang lahat para lang 'di masira ang tiwala sakin ni Tita Orieta! Gagawin ko ang lahat makapag higanti lang ako sa mga ginawa mo sakin! Napansi ko na 5:00 PM na pala. It means pauwi na ang kambal galing school. Nagtaka pala kanina si Tita Orieta kung bakit ang aga-agad ko raw umuwi, e 3:00 PM palang raw kanina. Sabi ko nalang na tagusan ako. Nagkunwari nalang ako na meron ako aha! Kinuha ko yung phone ko sa shoulder bag ko. Para tignan yung mga nagtext. Hindi ko pa kasi tintignan ang phone ko simula nung tumakbo ako palabas ng school. Nakita ko naman na may 68 unread messages at 46 missed calls. Yung mga missed calls puro kay AvahDane, Unknow number at kay Edmon. Yung mga nag message naman Agad kong binuksan at binasa isa-isa. AvahDane: Uy! Girl where are you? Okay ka lang ba? AvahDane: Hinahanap ka ni Eduard. AvahDane: Uy Girl! Sumagot ka sa tawag ko. Nireplayan ko si Bakla. Me: Nasa bahay na ako Baks. Don't worry I'm okay. Sunod ko naman binasa yung mga message nung unknown number. Unknown Number: Inday! Bumalik ka dito! Unknown Number: Hoy! Unknown Number: Lindsay! Unknown Number: Mag-usap tayo! Unknown Number: Lindsay! Nasan ka ba? Unknown Number: 'San ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinahanap, e! Si Demonyitong Eduard pala 'yung unknown number. Puro Hoy at Inday nalang ang nabasa ko sa mga iba niyang messages. Sinave ko yung number niya at 'yung nilagay kong name Demonyitong Eduard. Hindi ko alam kung re-replayan ko ba siya or hindi. Pero para 'san pa kung re-replayan ko siya diba? 'Wag nalang! Mag-usap daw kami aha! Tangina lang! Ano iyon? Ulit-ulit. Lagi nalang? I'm not stupid! Slight lang! Sunod kong binasa ay yung mga message ni Edmon. Edmon: Lindsay? Nasan ka? Edmon: 'Bat wala ka sa room niyo? May nangyari ba? Edmon: Ingat ka ah! :* Ang bait-bait talaga ni Edmon. Agad ko siyang nireplayan. Me: Okay lang ako Edmon. Nasa bahay na ako. Ikaw ba nasaan kana? Ingat ka ah. :) Wala pang ilang minuto nagreply na agad si Edmon. Edmon: Buti naman. Baka ma late ako ng uwi. May practice pa kasi kami eh. Baka maya pang 8:00 P.M Pakisabi nalang kay Mama. "Inday!" bosis duwende nanaman. "Ayan na!" ang sabi ko. Tumayo ako at tsaka binuksan yung pintuan para tanungi si Fetty kung anong kailangan niya! "Yes Fetty- Napahinto ako sa pagsasalita ng hindi lang si Fetty ang kaharap ko. Si Demonyitong Eduard kasama niya. Nakaramdam nanaman ako ng pagkainis at galit. Agad kong sinara yung pintuan. Ayoko kasi siyang kaharap. Alam kong si Eduard 'yun dahil alam ko na ang pagkakaiba nila ni Edmon. Sa porma palang kasi ibang-iba na si Demonyitong Eduard. Tsaka medyo kulay maroon ang buhok ni Eduard si Edmon naman pure black. Tapos ang pormahan ni Demonyito mga leather jacket na kulay maroon tapos puting t-shirt sa loob. Hindi niya sinasarado yung jacket. tapos yung bag niya na shoulder bag tapos black pants tapos naka yeezy shoes na kulay black. Si Edmon naman kapag pumapasok naka pants. Pero ang pormahan niya tokong short, long sleeve shirts, cap tapos yung sapatos niya mga rubber shoes. Pareho naman silang gwa- nevermind si Edmon lang pala 'yun! Gwapo naman si Edmon kaya kahit anong suotin niya bagay sakaniya. Sige na nga pareho na! Ngayon lang! Dinig kong tinatawag nanaman ako ni Fetty pero 'di ko na siya sinagot. Kumain narin naman ako ng limang sandwich kanina kaya 'di na ako lumabas para kumain. Sabi naman ni Tita Orieta, kukuha raw siya ng isa pang katulong. Para raw 'wag na ako maglinis. Basta mag focus nalang raw ako sa pinag-uutos niya sakin. Pero sabi ko tutulungan ko parin sina Fetty. Masyado na kasing nakakahiya. Pinagpahinga niya nga ako. Sabi niya na pumasok na raw ako sa kwarto ko. Kasi raw baka masakit ang puson ko. Kasi nga akala niya meron talaga ako ngayon. Pero yung totoo hindi pa ako nagkakaron, buntis kaya ako kay James Reid, Echos! May binigay palang laptop sakin si Tita Orieta. Ang taray diba? Ang bait-bait niya talaga. 'Dun daw kasi kami mag-uusap kapag nasa ibang bansa na siya. Mag stype daw kami. Stype ba yun or Skite? Nevermind! Basta videocall daw. Kinuha ko yung laptop na binigay niya sakin. Inalis ko siya sa lalagyan niya na kulay black na bag tsaka ko sinaksak. Mag fe-f*******: kasi ako e. Tagal ko na din 'di nakakapag open ng sss. Nang mabuksan ko agad 'kong ni logged in 'yung sss ko. Napansin ko naman yung nag-add sakin. Tatlo yung nag-add sakin. Myghad ang ganda ko talaga! Tinignan ko agad kung sino yung mga 'yon. • AvahDane Bonifacio • Edmundo Raffert Orescano. • Eduardo Wyrlo Orescano. Ganda pala name ng kambal. Nainis naman ako dahil in-add ako ng demonyitong si Eduard! Agad ko naman in-accept si Edmon at AvahDane. Hindi ko pa ina-accept si Eduard the demon. Nek-nek niyang bulok! Sunod ko naman tinignan yung notification. May 78 notifications akong nakita. Syempre peymus ako eh. Echos! Naka 246 likes, 43 commments at 6 shares na pala yung picture ko 'yung pinost ko 'nung first day ko sa work! I'm so peymus talaga. Napansin ko din agad 'yung nag react ng 'Haha' busit sino kaya 'yun? Tinignan ko lahat yung mga nag like! Napansin ko naman yung react ni Eduardemonyito sa post ko na 'Haha' busit na yan! Pinagtatawanan talaga ako ng busit na 'to! Minention ko naman siya 'dun sa post ko. Buti nalang at pwede siyang i mention kahit 'di kami friends! Lindsay Erolina Mercedes: Hoy! Eduardo Wyrlo Orescano kung maka react ka ng Haha! (?) diyan 'kala mo close tayo 'no? FC masyado! Demonyito! Kin-comment ko na iyon agad. Nagbasa naman ako ng mga comments ng mga arabo likers ko. Abdul Salsalani: Gorgeous! Sari Manhok: Sexy! Kruk Inha Mhers: I love you my dear! Tsk! Syempre hindi ko nireplyan! Snobb ako sa personal! Tinignan ko naman yung profile ni AvahDane. Nakita ko naman 'yung latest post niya. 'Yung mga picture niya kanina na muntik na kaming mahuli na pini-picturan namin si Eduardemonyito! Sin-share it niya kasi kanina 'yun sa iphone niya. Ipo-post raw niya kasi. Ito na nga pinost na nga niya! Mukhang ewan ang bakla. Ang gwapo niya parin kahit may choker necklace siya at naka lipstick. Nag comment naman ako sa pic niya. Lindsay Erolina Mercedes: Ang pogi niyo naman po Kuya! Pa Fs! After kong kin-comment 'yun ay may nakita nanaman akong isang notification. • Eduardo Wyrlo Orescano mentioned you in a comment. Agad ko naman kin-click 'yung notification. Eduardo Wyrlo Orescano: Nakatatawa naman kasi talaga ang itsura mo, e. Ang panget mo aha! Lindsay Erolina Mercedes tapos yung name mo 'bat Mercedes? 'Di ba MASUKSOK? Busit naman 'tong Demonyitong ito! Pati ba naman apelyido ko sa sss pakiki-alaman niya? Crush niya ba ako? Myghad! Eeww. Pake niya ba kung Mercedes ang apelyido ko sa sss. sss ko naman 'yun! Mas gusto ko kaya yung Mercedes! Ang lakas maka sosyal dibuh? Agad akong nag reply sa comment. Lindsay Erolina Masuksok: Pakyu! Ang ganda ko kaya! --_-- tsaka wala kang pake sa apelyido ko! Nagreply din naman siya agad sa comment. Eduardo Wyrlo Orescano: K Busit na 'to may pa K-K 'pang nalalaman! Ano peymus? Snobb sa personal! Wow ah! May pumasok ulit na notification sakin. • AvahDane Bonifacio replied to your comment on her post. Wow naman her! Taray ni baks. Agad kong tinignan 'yung reply niya sa comment ko. AvahDane Bonifacio: Leche! Bastos ka ah!!! >_< Tinignan ko naman profile ni Edmon. Nakita ko yung latest post niya. 1 hour ago lang. Kasama niya yung isang babae tsaka yung apat na lalaki. Mga ka banda niya ata 'yon. Ni like ko 'yung picture niya na 'yon. Napansin ko na andaming likes, comments and shares. Wow peymus pala 'tong si Edmundo. 1 hour ago kasi 1.7k likes, 234 comments and 56shares. Super peymus naman pala this boy! Binasa ko naman 'yung mga comments. Sa post ni Edmon. Puro 'Fafa Anakan mo'ko sampu!' , 'Uwi kana Babe hindi na ako galit!' , 's**t ang gwapo niyo lahat. Lalo na ikaw Fafa Edmon!' , 'Ang gwapo mo Ruffert! Tas ang ganda nung Girl bagay kayo! Pero mas bagay tayo! Grabe naman mga babaeng 'to! Akala mo naman winawarak mga pepe nila. Napansin ko din yung profile picture niya. Naka wacky siya tapos naka peace sign na parang KPOP napansin ko din yung KPOP BANNER sa likuran niya EXO yata 'yun? I don't know hindi kasi ako kumakain nun mas gusto ko ng MAX menthol. Parang sa loob ng kwarto niya siya nag picture. Umalis na ako sa profile niya. 'Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at na click ko 'yung profile ni Eduardemonyito! Napunta tuloy ako sa wall niya. Agad kong nakita 'yung post niya. 12 minutes ago lang 'yung post niya. Napalunok ako bigla sa pic niya. Ay busit! Kasi naman nasa Gym siya. Tapos naka topless tapos pawisan 'yung katawan niya tapos nakaharap siya sa salamin. Kitang-kita mo yung abs niya tapos 'yung #JunJunOnTheBeat niya nakabukol. Myghad Lindsay! Ano bang iniisip mo! Pinagnanasahan mo ba 'tong demonyitong ito! Baka nakakalimutan mo may atraso 'yan sa'yo marami! Okay? Hays. May sarili silang Gym dito sa third floor ng bahay nakalagay. 'Dun sila nag wo-work out ng kambal niyang si Edmon. Muli akong napatingin sa pic ni Eduard. Napalunok ulit ako. Last na talaga 'yun! Tinigan ko naman 'yung mga comments. Puro mga kabastusan 'yung mga comments sa pics niya tsk! 'Ugh Babe!' , 's**t Eduardo Wyrlo anakan moko ugh!' , 'Ugh s**t!' , 'Ang sarap mo ugh!' , Eduardo Wyrlo uwi kana wala si Mama!' Tanginang mga babaeng 'to ah! Babastos tsk! Kaya andaming nare-rape eh. Buti nalang hindi ako ganun! Tsaka ayoko ma rape no. Tinamad na ako mag f*******:. Sinarado ko na 'yung laptop at binalik sa lalagyan. Napansin ko 'yung orasan sa may ding-ding asawa ni Ding-dong. Alas-otso na pala ng gabi 'di ko namalayan. Kailangan ko pala matulog ng maaga ngayon dahil bukas ihahatid namin ng maaga si Tita Orieta sa Airport. Muli ko naman naalala ang mga plano ko. Para sa pagbabantay sa bahay at lalong-lalo na kay Eduardemonyito! "Hahaha!" natawa ako, dahil sinisigurado 'kong makakapag higanti na ako kay Eduardemonyito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD