ANG DIARY NI INDAY. Written By Supermcluna CHAPTER 12. Dear Babe Diary, Maaga akong nagising ngayon Babe. Dahil hahatid namin si Tita Orieta sa Airport. Pupunta na kasi siya ng Canada. Paglabas ko ng kwarto nakita ko si Lolo Alfredo na nasa baba. Naka upo siya sa sofa sa sala habang nag babasa ng diyaryo at nagkakape. 'Nung nakita niya ako agad niya akong tinawag. Pina-upo niya ako sa tabi niya Babe. Na kwento na raw sakanya ni Tita Orieta na ako ang makakasama niya na magbabanta sa kambal at sa bahay. Pumayag naman siya dahil ramdam niya raw na mabait ako na tao. Syempre naman Babe, mabait naman talata ako diba? Duh! Nagulat pa ako kasi may bago na palang katulong. Maliit yung suot niyang uniform na palda na para 'bang nang-aakit. Feeling ko ay kasing edad ko lang 'yung bag

