Lahat nang paaralan meron at merong magtratranfer na mga studyante na may sari-sariling mga dahilan kung hindi bully ay trip lang nila.
Ganyan lagi ang eksena sa isang paaralan kung saan may gustong magtransfer tulad nalang ni Ryian Rose Rain Vilasco o mas kilala bilang Rr na tranferee den sa kanyang magiging bagong paaralan.
Excited, takot, pangamba yan ang mga sari-sari nyang nararamdaman sa bagong paaralan na pinili ng kanyang tita na kanyang bagong papasukan.
Kakayanin nya kaya kapag nalaman nyang sya lang ang babae sa classroom kung saan sya papasok? Kung saan ang bago nyang mga kaklase ay ang kinakatakutan nang ibang studyante? Paano nya kaya sila maiiwasan?
******** ********* ******* *******
Rr pov.
" Hhhhaaaaa!!! Nakakaloka Arjay! "Sigaw ko dito sa kaibigan kong si Arjay at napatawa nalang ako nang nagulat sya nang sumigaw ako.
"Ohhh? Bat ka naman napasigaw jan? Nakakagulat ka ahh, alam mo ba yun? Siguro kung may sakit ako sa puso baka kanina pa ako nakabulagta jan sa sahig"mahabang paliwanag nitong bestfriend kong timang.
"Hehehehe sorry nakakabahan kasi ako, alam mo na new school malay mo baka marami akong magiging fans charot heheh" sagot ko dto na may pahikab pang nalalaman.
"Wow fans agad? Hindi ba pwedeng enemy muna bago fans?, masyado ka kasing ashuming ehh "Sabi nito habang tumatawa nang malakas may patapik tapik pa sa balikat kong nalalaman sarap pasakan ng maraming langaw yung bibig nyang malawak haiissttt.
"Sige tawa pa more masayang gawain yan"sarcastic na sabi ko dito at nagpatiuna nang naglakad habang iniwan syang patuloy paring tumatawa tumigil lang sya nang medyo malayo na ako sakanya.
"Hoy!, hintayin mo naman ako! To Naman di na mabiro"sigaw nito habang tumatakbong palapit saakin.
"Tse jan ka na lang at pagpatuloy mong tumawa" dumiretso na ako sa faculty para i feel up ko yung registration paper at para malaman rin namin kung saan yung magiging classroom.
TOK TOK TOK
"Pasok"sagot ng nasa loob pagkatapos kong kumatok.isang matanda pero magandang babae ang bumungad samin baka nasa mid 50's na sya pero mababakasan mo paring malakas pa sya.
"Kayo ba yung transferee? "Tanong nito saakin.
"Opo-----"hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang may sumingit.
"Opo kami nga po"sagot nitong mokong dito sa tabi ko.
"Ohh, sa section e ang magiging classroom nyo at eto naman ang susi nang magiging locker nyo and one thing welcome dito sa crown legacy university at mag iingat kayo sa bago nyong classroom"paliwanag nito sabay baling sa kanyang ginagawa kanina.
"Huh? Ano po ulet? " tanong nitong katabi ko.
"Full vacant na kasi lahat ng section kahit na gustohin ko man kayong ilagay sa Ibang section, pero dahil 50 na katao lang ang kasya sa isang section hindi na pwede kaya nilagay ko nalang kayo sa section E na kaunting studyante lang ang meron dibale alam kong makakaya nyo naman ugali ng mga demonyong nandoon, goodluck nalang sainyo" mahaba na naman nyang paliwanag"kung wala na kayong tanong umalis na kayo dahil malapit nang mag time kaya kung ako sainyo sisimulan ko nang hanapin yung section ko para di ako malate"dugtong nito sa sinasabi nya kanina.
"Ahh? Hehehe oh sige po" nasabi ko nalang bago ako hinila ni Arjay palabas nang principals office para hanapin yung magiging section namin na tinuro ng principal.
Ilang minuto ang naka lipas bago kami makalabas sa principal's office at napadpad kami sa kabilang bulding kung saan napakadumi nito pagpapasok naman namin ay mas magulo at mas madumi pa ito kaysa sa nakikita mo sa labas nang may nakita kaming classroom at may nakatayong studyante doon sa pintuan ay agad kaming lumapit dito.
"Hello po mga kuya, dito po ba yung section e? "Tanong ko dito sa studyanteng may kulay brown na buhok habang ngumunguya ng bubble gum na may kasamang tatlo pang lalaki.
"Sa kabilang building pa" bored na sagot naman sakin nitong isang studyanteng tsinito at kulay green ang mata hindi ko alam kung may lahi ba o sadyang contactlens lang yung mata nya.
"Ahh ganon ba? Pero----"
"Sa kabilang building nga sabi nilipat na! " sigaw naman nung matangkad na maputi den tapos may kulay blue naman ang buhok, hehehe costplayer ata tong mga tambay sa labas ng classroom.
"hehehe sig... sige po. ma... uuna na p... Po kami, sala... Salamat po" sabi ko sabay hila kay arjay at nagdiretso naman kami sa kabilang building kung saan tinuro ng tsinito kanina.
"Sigurado ka bang dito yung section e? Diba sabi ng principal kanina ehhh 20 na studyante lang daw yung meron? Bat mukhang madami? "Tanong nitong kaibigan ko pagpasok namin sa isang section.
"Malay ko, ito naman yung tinuro ng isang studyante kanina sinigawan pa tayo" sagot ko dito habang nakangiti kasi maganda tong magiging section namin may aircon, tv at etc. Hindi katulad kanina sa kabilang building na puro tambak na upuan sa labas at may mga basag basag na mga bote sa sahig puro pa vandal yung pader tapos sira sira na yung mga bangkong nasa labas parang may galit yung principal sa mga studyante doon.
Paglingon ko ay may bagong dating na studyante maganda sya maputi, malaki yung mata, brown at may alon alon na buhok, at pulang pula yung labi tapos pang model na yung hubog ng kanyang katawan hindi katulad ko na simple lang huhuhu parang naiingit tuloy ako.
"Hello, kayo ba yung mga transferee? "Tanong nito na ikinagulat ko kasi hindi ko alam na nakalapit na pala sya saakin.
"Ahhh, oo eh"sagot ko dito
"Ahhh ako nga pala si Beverly jane mercado"pagpapakilala nito saamin.
"Ahhhh, ako nga pala si-------"
"Hi Ako nga pala si Arjay Fernandez tapos itong pandak na kasama ko ay si Ryian Rose Rain Velasco, Rr for short hehehe"singit naman nitong katabi ko na kanina pa tahimik kasi napipi ata, ngayong naka kita ng maganda ayun parang kung sino na kung umasta.
Namalikmata ba ako?kasi parang napansin kong palihim na umirap tong Diane na toh ehh.
Nagulat nalang kami ni Arjay nung bigla syang sumigaw, hindi ko alam pero nahiya kami sa ginagawa nya dahil parang pinapahiya nya kami sa mga classmates nya.
"Guysss! Hahahaha tatanungin ko sila ha? Manuod kayo"sigaw nito sa mga classmates niya.
"So guys sure ba kayo na dito yung section na dapat ay pupuntahan nyo? "Malisyusang tanong nya saamin ang lakas pa ng pagkakatanong akala mo naman bingi lahat ng classmate nya.
"Oo?di namin sure , kasi ito yung tinuro ng isang studyante sa kabilang building, tapos section D nga pala"sagot ko na naman pero biglang nagsitawanan lahat ng studyante pati na rin itong babaeng kumausap saakin at lahat sila ay nakikinig sa usapan namin.
Hindi ko naman inaasahan na sasampalin pala ako nang babaeng to saka sumigaw ulet nang pagkalakas lakas, naiiyak naman ako sa mga pinaggagawa nyang pagpapahiya saamin.
"Hahaha so bobo pala kayo ehh? Hindi nyo ba tinignan sa taas nang classrooms? Hahahaha so tama nga ang mga bali balita na may tanga na pumasok dito sa school namin at mag ingat ka dahil kapag nalaman kong may nilalandi ka sa magiging section na yun hindi lang ako ang makakalaban mo kundi marami kami"sabi nito tapos tumawa ulet "narinig nyo ba yung sinabi ko? Hahhhah"sigaw pa nito sa mga mukha namin kaya biglang lumaki ang mata namin nitong kasama ko sabay nang mabilis na pagtango namin ay nagmadaling lumabas ng kanilang section, hanggang sa paglabas namin ay hindi parin sila tumitigil sa kakatawa dahil rinig na rinig parin namin sila hanggang dito sobrang init na nga ng mukha ko dahil sa kakahiyan tapos feeling ko parang pulang pula na rin, nagagalit din ako sa inasta ni Alex kanina, akala ko kung mabait sya yun pala pakitang tao din sya tulad nang iba jan.
"Mukha mo, makikita mo ilalampaso ko yang mukha mong mala anghel para lumabas naman yang tunay mong itsura you demon girl"sabi ko dito saka kami tumakbo palabas ni Arjay palabas nang kanilang classroom na panget kagaya nang mga ugali nila.
"Shet nakakahiya tayo"sabi nitong Arjay kapre na ito sabay takbo kami ng narinig naming nagring yung bell.
Shet habang buhay na maaalala ng mga taong yun tong ginawa naming kakahiyan huhuhuhu nakakahiya talaga kami kanina sana lumubog nalang kami sa lupa ayy ako lang pala kasi tong kasama ko parang walang pake ehhh parang walang ginawang kakahiyan kanina, nagpakita rin kami sakanila nang kahinaan na naging dahilan nang kahihiyan namin.
Humanda talaga yung mga lalaking napagtripan kami, papatayin ko sila dahil kung hindi dahil sa kanila hindi kami mapapahiya bwisit kasalanan nila tong lahat ehhh haistt first day na first day namin dito pahiya kaagad marami na rin kaming naging kaaway bwisit na buhay to ohh.
"Hoy bilisan mo nga! Ang tagal tagal tumakbo! "Sigaw nitong asungot saakin habang hila hila tong kamay ko.
"Hoy, hwag mo nga akong ma hoy hoy jan palibhasa kasi kapre malalaki ang mga hakbang kaya ang bilis bilis tumakbo! Kung isakay mo nalang kaya ako jan sa likod mo sigurado bibilis ka"Sigaw ko din dito.
"Gago "sabi nito at mas binilisan yung pagtakbo.
Naka kunot noo kaming pumasok sa classroom pero.... Wrong move kasi may teacher na, na nagtuturo sa harap.
"Yes? "Tanong saamin ng gurong nagtuturo sa harap.
Agad naming inayos ang sarili namin, sabay labas ng registration paper namin at sabay binigay kay sir.
Naka ngiti nya naman yung kinuha saamin"so kayo yung transfer student? Tanong nito kaya sabay kaming tumango dito. At hinila nya kami sa tabi nya"kanina ko pa kayo hinihintay ako nga pala si James jhonathan Llanes"pakilala nito sa sarili at sabay sumenyas na kami naman ang magpapakilala, at tong pangit naman ayun nauna nang nagpakilala.
"Ako nga pala si Arjay Fernandez, at 18 years old i came from San Vicente"pakilala nito at nang natapos na syang magpakilala sumenyas naman sya na lumapit ako sakanya para ako naman ang sunod.
"Hi"una kong sinabi kaya nag simulang umingay sa classroom.
"Wow chicks,manok hahaha"
"Ganda date tayo mamaya"
"Wow sarap nyang kainin rawr"
"Puta ganda nya pare hahaha"
"Puta babae, girl sya mga utol hahaha"
Grabe ang babastos naman ng mga bunganga nila sarap putulin yung mga dila
"Class silence please! Pagpapatahimik ni sir sa mga malilibog kong kaklase at humarap saakin "sige na pakilala ka na".
Huminga muna ako ng malalim"ako nga pala si Ryian Rose Rain Velasco you can call me Rr, I'm 18 years old and i came from San Vicente"pagpapakilala ko sa sarili ko sabay tingin ng masama sa tatlong mokong na nakausap namin kanina pero talagang nang aasar pa kasi naka ngiting aso sila saakin tapos maghahagikgikan pwera don sa nagbubble gum kasi poker face lang sya, ganun din ang iba tahimik at naka ngisi lang saakin.
"Class president wala ka bang tanong sa kanila? "Tanong ni sir james sa president daw namin.
Nagulat ako nang tumayo yung kanina pa nagbububble gum sabay ngisi ng nakakaloko saamin, grabe naman to, siguro kahapon nya pa nginunguya yung bubble gum na nasa bibig nya eww kadirdir.
"Sya ba yung president natin? " pabulong na Tanong saakin nitong katabi ko.
"Abay malay, alam mong kapapasok ko lang ako tinatanong mo?wow so------"naputol yung sinasabi ko dahil sa nakakasukang tanong ng president daw namin.
"Are you idiot or what? "tanong nito na sinuklian ko naman ng masamang tingin sakanya.
"Sinong tinatanong mo? Ako o sya kasi dalawa kaming nasa harap at you lang binabanggit mo so it means isa sa amin and yang idiot na yan ikaw na yan alam ko "sabay turo saaming dalawa ni Arjay.
"Idiot, of cours I'm refering to you"sabay turo saakin.
"Idiot ka nang idiot, hindi ako idiot, tao ako"inis na sabi ko saka nagtawanan naman lahat nang classmate namin.
"Pano kung gusto kong ulet uletin? Aangal ka? "Maangas na tanong nito saakin at tinuro ako.
Walang galang, walang modo pati teacher sinasagot nya tsskk.
"Ayy angas mo ren ehh no? hwag kang umasta na parang boss,pare parehas lang tayong studyante dito uyy "Cold kong sabi sakanya.
sana sumagot naman tong katabi ko dahil napipi na ata sa mga pinaggagagawa ng mga kaklase namin. Ni wala atang balak tulungan ako dito sa halimaw na toh
Agad namang nagsihiyawan lahat ng kaklase namin kaya sinamaan ko din sila ng tingin na wala paring pake alam, pati nga tong katabi ko nakikihiyaw na rin kaya kinurot ko sya sa braso, napa "aray"tuloy sya.
Napatingin naman ako doon sa tumayo na kaklase namin...i mean...magiging kaklase ko palang pala.
"Sya lang naman ang anak nang may ari nitong paaralan kaya may karapatan syang utos utusan lahat nang gusto nyang utusan mapa teacher man yan o ano pa"nagulat naman ako sa sinabi nyang anak sya nang may ari nang paaralang ito kaya medyo nawalan ako nang sasabihin doon.
"Anak lang sya dito tandaan mo yan magulang nya paren ang nagpapatakbo nang paaralang ito at hindi sya sabihin mo, tapos bakit ako lang?, ehh may kasama naman akong unggoy and for your information kayong lahat na hinayupak kayo...yung mga hayop nga hindi nya mautusan tapos sasabihin mo yan?"sagot ko dito kaya mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga hinayupak sa paligid namin... Bwisit magkakaroon pa ata ng word war 4 dito.
"Alam nyo? Kanina pa ako asar na asar sainyo ang sarap nyong ibalik sa pinanggalingan nyo mas lalo ka nang hinayupak ka"sabay turo sa presidente namin daw"purket may posisyon na kailangan maangas na? Kailangan walang respeto na? Wow ngayon lang ako naka kita ng ganyang kaseng president pasalamat kayo mahaba pasensya ako dahil kapag ako nagalit basag lahat ng biyag nyo. Sabi ko sakanila pero ang mga mokong nagsitawanan lang bastos talaga.
Nagsalita na naman yung hinayupak nilang presidente"So? Are we asking for your opinion about us? So ano naman kung mahaba pasensya mo? As if naman kaya mo, tapos ikaw lang pinapaalis ko kasi hindi ka nababagay dito sa classroom namin kasi kung kami diyos ikaw naman pulubi"poker face na sabi nito.
"Oo kayang kaya ko at ikaw ang uunahin ko kapag hindi ako nakapagpigil tapos oo hindi ko kayo kauri kasi kayo sa gubat naka tira mga unggoy ako sa syudad dahil tao ako kumbaga kayo mga uod ako naman ibon magandang ibon yunv pang adarna ang peg, diyosa nga diba? "gigil na sagot ko dito.
"Wow ang galing din ehh no? Ikaw lang naman pumupuri sa sarili mo? "
"Ehhh ano naman? I'm stating the fact naman ehh? Hindi tulad mo mayabang at mahangin"
"Wow, sinong mahangin saating dalawa? Ehhh kaw nga dyan, dyosa ng dyosa ehh wala naman akong nakikita, baka baboy meron".
"Baboy your face ikaw nga, mahangin na nga pangit pa blee siguro nagpapapansin ka lang ehh kulang ka lang kasi sa pansin" napansin kong biglang naging cold yung tingin nya saakin at naging seryoso na sya.
"Okay that's enough mr. Falcon you can now seat and you two you can now choose any seat that you want.
Grabe sya para syang bakla pumapatol sa babae, mamaya ka lang ngarod saakin siguradong basag yang biyag mo, ang sama pa kasi nang tingin saakin tusukin ko yang mata mo ehh at tinuon ko na yung atensyon ko sa paghahanap ng upuan.
Nagulat nalang ako nang biglang lumapit si mr. President sa kinatatayuan namin saka ako...
SLAAAAAAPPPP!!
sinampal nang pagkalakas lakas dahilan nang pagka upo ko sa sahig nakita ko rin yung pagkagulat sa mukha ni Sir pati na rin sa mga classmate namin.
"Uy tama na, babae parin yan"
"Uyy tama na grabe"
"Babae yan ano ba" pagpapatigil nang classmate namin sakanya dahil gumagapang ako papalayo sakanya pero sya lapit lang ng lapit saakin.
"Mr. Falcon!, that's enough! " sigaw naman sakanya ni Sir pero sya para syang walang narinig.
"Kahit kailan hindi pa ako nagpapansin sa kung sino at tandaan kahit babae ka pa papatulan parin kita"cold nitong sabi saka lumabas nang classroom.
Bat ganon? Hanggang ba naman dito may mangbubully parin saakin? Akala ko wala na? Bakit parang lahat naman ibubully ako?.
Biglang may humila saakin sa gitna kaya napaupo ako kasi naman sa gitna nalang ang may bakanteng upuan lahat sila nasa likod o di kaya ay nasa gilid at kami naman ni Arjay ay yung tuldok sa gitna.
"Dito na tayo wala na tayong choice" nag aalalang sabi ni Arjay saakin.
"Ayus ka lang ba? "Tanong nya pa saakin, tamango nalang ako at pinunasan yung mga luha ko.
"Wow nakakapagsalita ka pala? Akala ko tuluyan ka nang naging pipi ehh"sarcastic na sagot ko sakanya at pilit na ngumiti sakanya para ipakitang ayos lang ako pero ang gago tumawa lang kaya di ko na sya pinansin.
Natatakot ako sa pwedeng mangyari bukas pero pipilitin ko paring maging matatag para sa kanila auntie.