Episode 12 (Ana POV)

1899 Words

Ilang katok ang narinig ko mula sa labas ng kuwarto ko hanggang sa marinig ko ang mga yabag na papalapit sa 'kin. Kasalukuyan pa akong nakahilata at inaantok pa. Alam ko namang umaga na ngunit ayoko pa ring bumangon. Ewan ko ba, simula ng manatili ako sa mansion at hindi makalabas-labas man lang, para bang mas gusto ko na lang humiga maghapon. "Miss Ana, nakahanda na raw ho ang almusal. Sa baba na lang daw kayo mag-almusal at ipapakilala raw sainyo ang bagong bodyguard niyo ho," rinig kong sambit ng kasambahay namin. Bigla naman akong napamulat at napatulala sa kawalan. Kahapon lang ako nagsabing ayoko sa Steven na iyon. May kapalit 'agad? Iyon naman ang gusto mo 'di ba? Kontra ng bahaging isipan ko. "Okay, " patamad kong sagot. Napapikit ako ng mariin ng maalala na naman ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD