bc

MAFIA'S Secret Agent' Series 1 "Steven Scott Hamish" (Youngest Brother)

book_age18+
8.5K
FOLLOW
50.5K
READ
spy/agent
goodgirl
powerful
brave
mafia
drama
secrets
model
bodyguard
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Steven Scott Hamish, bunso sa magkakapatid. Marami silang Iba’t-ibang negosyo ngunit mas higit tuon pansin ng kaniyang daddy ang Secret Agent na pinapamahalaan nito. Ganoon din ang trabaho ng kaniyang mga kapatid.

Lumaki ang mga itong bihasa sa pakikipaglaban. Samantalang siya, lumaking malaya at nagagawa ang lahat. Hindi sumasali kailanman sa pagiging Agent ng kaniyang mga kapatid.

Ngunit lumaki naman siyang punong-puno ng karunungan, training sa pagiging Agent kung paano makipaglaban. Sadyang hindi niya lang ginagamit dahil ayaw niya sa magulo.

Alam niyang hindi madali ang trabaho bilang is ang Secret Agent. Ngunit hindi siya kailanman pinilit ng kaniyang daddy na pumasok sa ganoong trabaho. Mas pinili niya na lang na patakbuhin ang mga negosyo nila maliban sa Agent na hawak ng kaniyang daddy.

Hanggang isang araw, mayroong mission ang isang Agent nila na kailangang protektahan ang isang pamilya. Isang pamilyang mayaman at may nag-iisang anak na babae na kailangan protektahan dahil ang pamilyang ito ay nasa kapahamakan ng isang sindikato.

Kinuha niya ang trabahong iyon, na siyang ikinagulat ng kaniyang mga kapatid lalo na ng kaniyang daddy. Dahil kailanman ay hindi siya pumasok sa ganoong bagay. Ngunit ginawa niya ang bagay na iyon dahil may dahilan.

Kailangan niyang magpanggap bilang isang Personal Bodyguard ng dalaga. Nagtataka man ang kaniyang pamilya kung bakit nag-offer siya ng kaniyang sarili, ngunit siya lang ang nakakaalam ng tunay na dahilan.

Wait for me, baby.. hindi ko hahayaang mapahamak ka. That f*ck! Bakit ikaw pa?!

"Don't forget to VOTE mga myluvs!"

chap-preview
Free preview
Episode 1 (Steven POV)
Abala ako sa mga papeles na pinipirmahan ko ng may tumawag sa teleponong kaharap ko lamang. Kaagad ko itong sinagot at inilagay sa kabilang tainga ko. Inipit ko lamang ito habang ang isang kamay patuloy sa pagpirma ng mga papeles. "Yes?" "Hey bro, kumusta? Wala ka pa rin bang balak umuwi man lang ng pilipinas?" bungad sa akin ng kapatid kong panganay na si Marnix sa kabilang linya. "Pag-iisipan ko," pigil ang tawang wika ko rito. At itinigil ang ginagawang pagpirma. Akala ko kasi iyong secretary ko lang, hindi pala. Matagal na kasi, ako ng mga itong pinapauwi ng pilipinas. Ngunit nag-eenjoy pa ako rito sa ibang bansa. Kung saan may negosyo rin akong hinahawakan dito. "Steven," pagtawag nito sa aking pangalan na mukhang nagpipigil na mainis sa akin. Hindi ko na napigilang matawa dahil nainis ko na naman ang matandang kapatid ko. Nangako kasi ako sa mga ito na uuwi this year. Alam ko rin, kapag inis na ito at natatawag nito ang buong pangalan ko. Madalas kasi Stev or bro lang ang tawag nito sa akin. Kahit iyong isa kong kapatid ganito rin ang ugali. Parehong-pareho silang dalawa. Masyadong seryoso sa buhay. Hindi ko nga alam kung magkakaroon ba ang mga itong asawa sa mukha nila na parang ang hirap ng isang ngiti sa mga labi nito. Wala nga rin akong balita kung may seryoso na ba itong mga karelasyon. Alam ko lang, pumupunta lang ito ng bar paminsan-minsan upang maglibang. "Okay, okay, don't be mad. Lalo kang tatanda niyan," wika ko pa habang nakangiti. Sa amin kasing magkakapatid, ako lang ang pinakamakulit. Ngunit nakakatakot rin kapag nagalit. Narinig ko na lang ang buntong hininga nito. "When? Nang masundo ka namin," wika nito. "Next month. At saka huwag mo nang isama si dad at si Marco, magmumukha ako nitong babae sainyo eh," maktol ko. Daig pa kasi kung makaprotekta ang mga ito. Hindi naman ako bata lalo nang hindi ako babae. "Okay fine. Just let me know what day you're gonna leave there," wika nito. "Okay bro." Napabuntong-hininga ako pagkatapos ng usapan naming magkapatid. Sa kabila ng pagiging matanda nito sa akin, hindi ko ito tinatawag na kuya. Para kasing nakaka-ilang. Halos pare-pareho lang ang katawan namin eh. Sa edad kong twenty seven, hindi mapaghahalataan dahil sa malaki akong tao, mahuhubog ang katawan na alaga sa gym at sinamahan pa ng katangkaran. Ang panganay ko naman, nasa thirty two na, ngunit hindi mapaghahalataan na matanda na ito. At ang pangalawa namang kapatid ko, nasa twenty nine na, halos pareho lang ang aming tangkad at pangangatawan. Medyo malaki lang ng kaunti ang panganay namin. Pare-pareho man kaming guwapo, ngunit mas nagingibabaw ang kaguwapuhan ko sa mga ito dahil pinaghalo ang kaguwapuhan at kagandahan nila dad at ni mom. Kaya nga pati pangalan ko malayo sa pangalan ng mga ito dahil isinunod ito sa pangalan ni mommy. Stela Hicy kasi ang pangalan nito. Si dad kasi half foreigner and half filipino. Samantalang si mom naman half foreigner and half british. Kaya ayon, nagsabog ang angkan ng kaguwapuhan sa aming lahi. Ngunit mas tinuruan kami ng daddy ko sa lengguwahe ng Filipino lalo na't nasa pilipinas ang lahat ng negosyo nito at doon talaga kami nakatira. Ang angkan lang ng mommy ko ang nakatira rito sa ibang bansa. Dahil hindi naman ito filipino. Natuto lang din itong magsalita ng filipino ng maging asawa na nito ni dad at tumira sa pilipinas. Nag-aral lang kaming magkakapatid dito sa Singapore. Ngunit mas pinili pa rin namin ang matuto ng mahusay sa lengguwahe ng Filipino dahil doon naman talaga kami nakatira. Kahit na sabihing hindi kami pure na Filipino mas gusto naming tumira sa pilipinas. Lalo na't mas marami ang negosyo ni dad sa pilipinas. Gusto rin ng mga kapatid kong manatili roon lalo na't nandoon din ang hinahawakan nilang trabaho. Trabahong buwis buhay. Samantalang ako, mas nagustuhan kong manatili dito sa Singapore kung saan ako nag-aral at nakapagtapos. Sa dami ng negosyo ng pamilya ko kaya kahit saan ako napapad-pad. Ngunit mas nananatili ako ng matagal dito sa Europe, mas maganda at tahimik kasi ang lugar na ito. Napatingin ako bigla sa pinto ng opisina ko ng may kumatok doon. Lahat ng kumpanyang pag-aari ng dad ko, lahat nakapangalan sa Hamish Company. Restaurant man yan, mall, resort, island, bar, hotel, hospital, school, at kung ano-ano pa basta lahat my Hamish na nakalagay. May negosyo rin ang mommy ko na ako rin ang naghahandle. Mayaman din kasi ang mommy ko, ngunit mas higit na mayaman si dad dahil sa dami ng negosyong hinahawakan nito na halos ngayon, ako na ang may hawak nito. Iba na kasi ngayon ang pinaglalaanan ng oras ng daddy ko at ng mga kapatid ko na siyang hindi ko pinili. Ang pamumuno ng isang Secret Agent Company. Si daddy rin ang may-ari ng company na ito at namamahala kasama ng dalawa kong kapatid. Sa dami raw ng masasama at sindikato sa pilipinas kaya mas ginusto niyang paglaanan ang Secret Agent Company. Pareho nilang ginusto ang maging ganoon hindi tulad ko, mas ginusto kong hawakan na lang ang lahat ng negosyo ni dad at ni mom kaysa ang sumali sa agent nila. Hindi naman ako pinilit ng mga ito lalo na at walang hahawak ng negosyo kung lahat kami nakafucos sa Agent Company. Ngunit hindi ko maitatangging lumaki ako na sanay sa labanan at bakbakan. Tinuruan kami ng magagaling na agent kung paano matutong makipaglaban. Well, hindi ko naman maitatangging minsan akong pumasok sa isang delikadong misyon bilang isang agent. Ngunit dahil ayokong mabangasan ang guwapo kong mukha, kaya nagdecide akong huwag ituloy ang pagiging Secret Agent kasama ng mga kapatid ko. "Any good news?" tanong ko sa taong dumating. Umiling naman ito na siyang ikinapanghina ko. Taon na rin ang lumipas, ngunit hindi ko na muling nakita ang taong minsang nagpa-agaw pansin sa akin. Or let's say na isang taong nakuha ang pagkainteres ko. "Okay, just let me know if you have a good news then," wika ko sa taong kaharap ko. At dahil wala ako sa pilipinas kaya hindi ko magagamit ang lengguwahe ng Filipino dito. English yes, dahil karamihan naman sa bansa nag-aaral ng salitang English. Especially itong kaharap kong investigator, he's half foreigner and half German. "I will Sir," wika nito bago nagpaalam. Malakas naman akong napabuntong hininga habang nakatitig sa kawalan. Kung hindi ka mahanap sa mga bansang ito. Isa na lang ang posibleng lugar kung saan ka posibleng nakatira. Piping wika ko sa sarili habang iniikot-ikot ang basong may lamang wine.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

EASY MONEY

read
174.4K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.6K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.5K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.9K
bc

Dangerous Spy

read
298.6K
bc

YOU'RE MINE

read
893.8K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook