Episode 2

1451 Words
Pagkababa ko pa lang ng airplane, tanaw ko na kaagad ang kapatid kong matikas kong tumindig. Halatang batak sa training ng trabaho nito. Napapa-iling na lang akong napapangiti habang palapit dito. Matangkad lang ito ng kaunti sa amin ng kapatid kong si Marco. "Hey bro," wika ko kaagad pagkalapit dito. Nagyakapan pa kami kung paano magyakapan ang parehong lalaki. "Finally, sinipag ka ring umuwi," wika nito na may tipid na ngiti sa labi. Well, sanay na rin naman ako rito, parang ipinagdadamot ang ngiti. Hindi tulad ko, halos walang araw yatang hindi ako ngumingiti. Sa dami kasi ng asset sa akin, ang ngiti ang pinakagusto ko. Dahil titiyakin kong kapag binitiwan ko ang matamis kong ngiti sa isang babae, hindi maaring 'di sumama ang babaeng pagbibigyan ko ng ngiti ko. Kahit may asawa man 'yan, kabit, sugar daddy o single. Titiyakin kong isang gabi kaming maglalaro sa apoy. "Well, namiss ko na rin kayo, especially our mom," nakangiting sagot ko habang papalabas at papunta sa sasakyan. "You change a lot," wika nito na siyang ikinakunot-noo ko. Akmang magsasalita ako ng unahan na ako nito. "Mas lalo kang naging lalaking-lalaki, tumikas lalo ang katawan mo. Para kang nakahanda sa anumang labanan," wika nito na may nakakalukong ngiti. Bigla namang lumaki ang tainga ko sa papuri nito. Na siyang ikinatawa ko. Mayroon kasi akong ginagawa na hindi ng mga ito nalalaman. Kaya madalas akong manatili sa ibang bansa. Especially sa Europe. Hindi ko naman napigilang mapabuntong hininga pagkakita sa mga tauhan nito na kandamakmak. Tatlong sasakyang nakahilera at lahat may mga bantay na akala mo sanggano ang mga datingan nito. Napapa-iling na lamang ako. Akala ko pa naman iyong dalawa lang ang kasama nito na nakabuntot sa amin, ayon pala sandamakmak na naman ang kasama nito. Kaya ayoko ng ganito eh. Pakiramdam ko para akong taong may kasalanan na kailangan protektahan at baka may bumaril sa akin. "Wala nga sila dad, nagdala ka naman ng sandamakmak na aleporis mo," nakasimangot na napapa-iling na wika ko. "You can't blame me," iyon lang ang sinagot nito bago kami tuluyang pumasok ng sasakyan. Hindi ko naman kasi maitatangging marami ring kalaban ang daddy ko pagdating sa negosyo. Kaya ganito na lang ito kaprotekta lalo na't ako na ang halos namamalakad ng mga negosyo nito. Balita na rin sa buong mundo ang Agent Company nito na pinakamagaling pagdating sa pakikipaglaban sa mga sindikato. Kaya mailap rin ang mga kilos ng sindicate upang huwag silang mahuli. Hindi nga lang nila alam kung sino ang nasa likod ng namumuno ng agent kaya mas lalo silang nababahala. Ngunit naninigurado rin ang mga kapatid at daddy ko sa akin dahil baka raw may alam na ang ilan sa mga ito na sila ang nagpapatakbo ng Secret Agent Company. Ito kasi ang isang pag-aari pa ni dad na hindi ipinangalan sa last name nito. Dahil isang sekreto ito na 'di maaring malaman na ang daddy ko ang namumuno ng Agent Company. "Anak," sabay pang wika ni dad at mom. 'Agad akong niyakap ni mommy at ni daddy na siyang sinuklian ko naman habang nakangiti ng maluwang. Napansin ko rin ang kapatid kong papalapit sa akin. As usual, seryoso rin ang mukha nito at tipid na ngiti lang ang ibinigay sa akin. Pagkatapos nitong tapikin at yakapin ako. "Finally, anak at naisipan mo ring umuwi. Miss na miss ka na namin," wika ng malambing kong ina. "Of course mom, marami lang kasi akong tinapos kaya hindi ako kaagad nakauwi," wika ko habang nakangiti. "Oh siya hijo, magpahinga ka na muna at mamaya na tayo magusap-usap," wika naman ni dad. Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa malambot na kama. Sh*t! Napabangon ako bigla galing sa pagkakapikit ko ng rumihistro ang mukha ng babaeng iyon. Napapa-iling na lamang ako at mabilis tumungo ng banyo. Nakatulog pa ako ng ilang oras bago ako nagdesisyon lumabas ng kuwarto. Sakto namang nakahanda na ang hapag-kainan. Pagkatapos naming kumain, panay kuwento ng mommy ko sa akin samantalang sila dad at mga kapatid ko tumungo kaagad sa library kung saan naguusap-usap ang mga ito pagdating sa trabaho nila. Napapa-iling na lang ako na ewan. Kaya ayokong umuwi at manatili sana rito sa pilipinas. Madalas busy ang mga ito. Minsan nga naiisip ko si mommy kung ayos pa ba ito o nagdadamdam din ito dahil sa sitwasyon na halos wala ng oras ang daddy ko rito. "Kumusta ka rito mom? Ayos ka lang ba?" tanong ko sa mommy ko habang mataman ang titig dito. "Yes anak. Kahit minsan, nalulungkot ako at masyadong busy ang daddy mo at mga kapatid mo, pero nasasanay na rin naman ako," wika nito na may tipid na ngiti. Napabuntong hininga naman ako. Kahit naman malaya ako at hindi kasali sa trabaho ng mga kapatid at dad ko, hindi ko rin maiwasang malungkot para sa mommy namin. "Bakit ayaw mong magbakasyon kila tita sa Germany, mom? Para naman maiwasan niyong mabored dito," wika ko. Umiling naman ito habang may tipid na ngiti sa labi. "I'm okay, anak. Saka na lang siguro," wika nito. Hindi na lang din ako nagpumilit pa at alam kong hindi ko rin ito makukumbinsi. Alam ko naman kung gaano nito kamahal ang dad ko. Ayaw nitong mawalay. Hindi na ako kumatok ng pumasok ako sa library. Nagulat ako sandali ng mapansin kong may ibang tao sa loob. Ni hindi ko napansin kanina na may dumating pa lang bisita ang mga ito. Nakatuon ang pansin nila sa akin habang patuloy lang ako sa pagpasok. "Anyway, this is my son. Ang bunso kong anak," wika ni dad sa tatlong taong naroroon sa library. Ang dalawa ko namang kapatid nakatuon lang sa laptop. Mukhang busy na naman kaagad ang mga ito. Nakipagkamay ang mga ito sa akin habang nakangiti na siyang sinuklian ko naman. "Bakit ngayon lang yata namin siya nakita Mr. Hamish?" tanong ng isa. "Well, hindi siya kasali sa trabahong ito. Siya ang nagmamanage ng ibang negosyo namin. Madalas din kasi siyang nasa ibang bansa," wika ng dad ko. Habang ako naman pasalampak na umupo sa malambot na single sofa. Patamad na pumikit. Ilang minuto pa ang mga itong nag-usap bago nagpaalam. Kaya naman, kaagad akong lumapit sa tatlo at tulad ng dati kong ginagawa noon, kahit na hindi nila ako kasali sa trabaho nila, inuusisa ko ang misyon o target nila. Kaagad kong dinampot ang papel na nasa harapan ni dad. "Ito ang target niyo ngayon?" parang wala lang na tanong ko. Habang nakatitig sa papel. Umupo pa ako sa tabi ni Marnix habang nasa kaliwa ko si Marco. "Yes anak. Isa siya sa namumuno sa malaking syndicate dito sa pilipinas. Pero hindi siya ang pinaka-leader. Hindi pa namin nalalaman kaya siya ang target upang magsalita sa nalalaman niya," wika ni dad na ngayon nakatutok na sa laptop. Napabuga naman ako ng hangin. Parang out of place na naman ako sa tatlong ito. Hindi nababagay ang kaguwapuhan ko rito. At dahil wala naman akong gagawin ng araw na iyon kaya nanatili lamang ako sa library habang pinagmamasdan ang tatlo. Kinukuting-ting ko rin kung ano-ano ang makikita ko. Halos lahat yata tungkol sa mga taong huhulihin nila at papatayin eh. "Anyway anak, kumusta ang negosyo natin doon?" tanong ni dad. Bumalik ulit ako sa single sofa at doon ipinikit ang mga mata. "Maayos ang lahat dad. Don't worry about it," tamad kong sagot. "Good. You're going to stay here longer?" tanong nito. Nagmulat naman ako ng mga mata ngunit nakatingin pa rin sa taas ng kisame. Kahit naman kasi karamihan na mga negosyo ay narito sa pilipinas 'di ako rito napipirmi dahil na rin sa negosyo namin sa iba't-ibang bansa. Pero hindi iyon ang totoong dahilan kung bakit hindi ako namamalagi rito sa pilipinas. Sadyang may hinahanap lang ako na hanggang ngayon hindi ko matagpuan. Humugot ako ng malakas na buntong hininga bago sumagot. "Maybe yes," tipid na sagot ko at pumikit uli. "Good to hear that anak. Para naman may makasama paminsan-minsan ang mommy mo at alam mo na masyado kaming busy. Bihira ko na lang malambing ang mommy mo at baka magtampo na iyon ng tuluyan kung walang makausap man lang." Ilang minuto ang lumipas ng mapamulat ako ng mga mata dahil sa narinig. "Bakit kasama ka sa misyon?" takang tanong ko bigla kay Marco. Base kasi sa nabasa ko, plano nilang mga Secret Agent na babae ang pakilusin sa misyon na iyon. "Kailangan ako roon. Magpapanggap bilang isang kakampi nila," nakangising wika nito bago bumaling sa akin. Tumango-tango naman ako sa sinabi nito. Oo nga pala, sa trabaho nila puwede silang gumawa ng maraming paraan upang mahuli o mapatay lang ang target. Dahil bored na bored na ako kaya patamad akong tumayo upang pumunta sa lugar kung saan ako mag-eenjoy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD