Naiwan akong tulala at gulat na gulat sa ipinagtapat nito. Kitang-kita ko kung paano dumaloy ang sakit sa mga mata nito dahil sa masasakit na salitang binitiwan ko. Para yatang tinambol ng malakas ang dibdib ko sa pagkabigla sa mga sinabi nito. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko hanggang sa namalayan ko na lang na wala na ito sa harapan ko. Alam ko sa sariling may kirot akong naramdaman ng marinig ang huling sinabi nito. Kaya ko lang naman nasabi ang masasakit na salitang iyon dahil hindi pa rin mawala sa isip ko na binastos niya ako't pinagsamantalahan. Lalo na't dumaan na ang mga linggong hindi nito nagawang humingi ng tawad sa akin kaya ganoon na lang ang galit ko ng mga oras na iyon. Nakaramdam man ako ng pagsisisi dahil sa mga nasabi ko ngunit wala na rin naman ak

