"What are you doing?" mataas at malakas na sambit ni Boss Drago sa akin. Nagtataka naman akong lumapit dito sabay yuko. Nang bigla nitong tapikin ang balikat ko. Nasa paligid lang ang mga tauhan nito. "Alam mo ba ang ibig sabihin ng baril na binigay ko sa iyo bata?" Napailing naman ako. Fvck! Wala yatang nabanggit sa akin si Zelou. Napailing naman ito habang nakangisi. Napatiim-bagang ako ng humithit ito ng sigarilyo sa harapan ko. Kung puwede lang pilitin ko na ang leeg nito ngayon e! "Sa lahat ng tauhan ko, ikaw lang ang binigyan ko ng sariling baril ko." Sabay talikod nito. Nagulumihan naman ako. Nang may tumapik sa balikat ko. Ipinapahiwatig nito na sumunod ako sa boss nila. "Isa ka sa magiging kanang kamay ni Boss Drago. Masuwerte ka, unang pasok mo pa lang, pinagkatiwalaan

