Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses akong bumitaw ng mabigat na buntong hininga habang pinagmamasdan ang dalaga na nagpapakuha ng litrato. Hindi ko rin maiwasan ang mapakuyom ang kamao. Naiinis ako't naggalit sa hindi malamang dahilan. Ang sabihin mo nagseselos ka! Naipilig ko ang ulo. "Sino iyang kasama mo Miss Ana?" rinig kong tanong ng isang babae. Nakatayo lang ako sa hindi kalayuan sa mga ito. "Driver," simpleng sagot ng dalaga. Gulat akong napalingon dito. Ngunit hindi man lang ito tumingin at ang mga kasamahan pa nito ang nagpapa-cute sa akin na wala man lang epekto sa akin. Bawat kilos yata ng dalaga, pinagmamasdan ko. Sa bawat tingin ko rito lalong nagpapahirap ng kalooban ko. Hindi ko alam kung hanggang saan ko mapipigilan ang nararamdaman ko. Napatiim-bagang ak

