Napangiti ako habang pinagmamasdan ang napakagandang babaing bumihag ng puso ko. Napalunok ako ng makita na naman ang hubo't hubad nitong katawan. Kung puwede ko lang talagang tikman ito oras-oras eh. 'Di ko napigilang padaanan ang makinis at mapuputi nitong hita ng kamay ko. Tulog na tulog ito at halatang pagod na pagod. Well, sino ba naman ang hindi mapapagod sa ginawa namin. Kulang pa nga iyon. Saka ko na lang ilalabas ang pagkamanyak ko. Bigla akong napangisi sa kalukuhan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit naglalaway ako sa makamandag nitong ganda! Maingat kong hinagkan ang malambot nitong labi bago nilisan ang kuwarto nito. ALAS sais ng umaga. "Yes bro?" "Pauwi ng pilipinas ang mastermind." Bigla naman akong napaupo ng tuwid. "Be ready. Hindi siya madaling kalaban.

