Chapter 44 Zoe POV NAKATULALA at malayo ang tanaw ko. Parang gusto kong ihampas ang ulo ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Wala pa ring malay si Dory, at nasa loob siya ng ICU nabagsakan ng umaapoy na kahoy ang ulo nito at marami siyang paso. Ayon sa mga nagimbestiga, nagmula sa bahay na inuupahan namin ang sunog at hindi pa nila matukoy ang kadahilanan nito until now patuloy pa rin ang imbestigasyon, natatakot ako para sa sarili ko, sa anak ko at sa kaibigan. Paano kong sinadya ang sunog? Pakiramdam ko may kaakibat na malas ang buhay ko. Hindi na yata matapos–tapos ang pagsubok na ito sa buhay ko. Ang bigat ng aking dibdib na niyuko ang dalawang buwan kong sanggol. Sa kanyang kamay may swerong nakakabit roon. Nahirapan itong huminga at ayaw tumigil sa kakaiyak. Naging irita

